74

30 9 0
                                    

Cynthia Sebastian

Jennifer: Alam kong hindi ka na nago-online sa account mong 'to, Cynthia

Jennifer: Talagang pati account lumipat ka na rin

Jennifer: Pero bakit ka ba umalis?

Jennifer: Bakit hindi ka nagpaalam sa amin?

Jennifer: Kasi ano?

Jennifer: Kasi ayaw mong ipaalam sa amin na kung nasaan ka para hindi ka namin sundan?

Jennifer: Cynthia magkaibigan tayo

Jennifer: At nakakadisappoint lang na kailangan sa iba ko pa malaman ang katotohanan

Jennifer: Alam ko na Cynthia, alam ko na ang totoo

Jennifer: Alam kong mag-ex kayo ni Austin at hindi talaga magkaibigan

Jennifer: Hindi ko alam kung maiinis ako o ano dahil pinaniwala niyo 'kong magkaibigan kayo 'yun pala mag-ex kayo?

Jennifer: Kaya pala ganyan ka na lang makatanggi nang sabihin kong gusto ko kayong magka-ayos kasi higit pa pala sa pagkakaibigan ang meron kayo noon

Jennifer: Gusto ko magalit, Cynthia

Jennifer: Gusto kong magalit sa paglilihim mo sa akin ng about sa inyo ni Austin

Jennifer: Bakit hindi mo sinabi agad? Bakit kailangan mong itago?

Jennifer: Kung sinabi mo lang ng maaga, hindi ko na sana hinayaan ang sarili kong mapalapit kay Austin na ex mo

Jennifer: Sana ngayon wala akong nararamdaman para sa kaniya

Jennifer: Okay lang ang crush kasi nawawala din agad iyon

Jennifer: Kaso hindi na lang paghanga ang nararamdaman ko para sa ex mo, Cynthia

Jennifer: Gusto ko na si Austin

Jennifer: Si Austin Rome na ex mo at ang lalaking ngayon ay gusto ko na

Jennifer: Nakakaloka sis

Jennifer: Sobra :)

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon