56

29 9 0
                                    

"Austin, ano ba talagang nangyari?"

Nasa tabi lang ako habang pinapanood si Austin na uminom ng alak. Pinigilan ko siya kanina kasi masama sa kalusugan ang alak pero sabi niya pagbigyan ko na daw siya, gusto niya lang makalimot kahit saglit. Doon palang nararamdaman ko ng may problema siya.

Nanatiling tahimik si Austin, tila wala siya sa sarili. Ni-hindi niya nga sinagot ang tanong ko dahil halata namang malalim ang iniisip niya. Napabuntong hininga na lamang ako at kinuha ang hawak niyang baso na may lamang alak.

Dahil sa ginawa kong pag-agaw sa baso niya ay nakuha ko ang atensyon niya. Kunot noo siyang napatingin sa akin.

"Bakit?" Tanong niya. Saglit akong nanahimik at pinagmasdan siya. Mukha namang hindi pa siya lasing, buti naman.

Tuhikhim ako, "Um... baka gusto mo magkwento? Baka lang naman. Alam mong mas luluwag ang pakiramdam mo kapag shinare mo 'yan sa iba." Pagsasalita ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga at inagaw sa akin ang alak na inagaw ko rin sa kaniya. Sumimsim siya doon at saka muling napabuntong hininga, halatang may malaki siyang problema.

"Nakausap ko na siya..."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "Siya? Sinong siya?"

Malungkot siyang napangiti, "Si ex."

"Oh," Nasabi ko na lang. "So... hindi ba maganda ang kinalabasan ng pag-uusap ninyong dalawa? Mukha kasing malungkot ka."

Dahan-dahan siyang tumango, "Alam mo Jen... sobra akong nagsisisi sa ginawa ko dati. Gusto ko lang naman mapatawad niya 'ko at... at bumalik kami sa dati..."

Bakas sa boses niya ang lungkot kaya mas lumapit pa 'ko sa kanya para hagudin ang likod niya nang sa ganun ay malaman niyang nandito lang ako at pwede niyang lapitan kahit kailan niya gusto.

Saglit akong natigilan sa ginawa niyang pagsandal sa aking balikat pero hindi ko na lang 'yon pinansin pa at hinayaan na lang siya. Rinig na rinig ko ang mabigat na buntong hiningang binibitawan niya.

"Mahal mo pa ang ex mo 'no?" Hindi ko alam kung bakit ko 'yon natanong. Ewan ko, basta may kung ano sa akin na curious sa kaniya at sa ex niya.

"Mahal na mahal..." Sagot niya.

Lihim akong napaiwas ng tingin. May kung anong sakit akong naramdaman sa aking dibdib, hindi ko alam kung ano 'yon dahil ngayon ko lang 'to naramdaman. Para bang... para bang tinutusok ang puso ko nang dahil sa sinabi niya.

Pero bakit? Bakit kailangan kong makaramdam ng ganito? Anong ibig sabihin nito?

Napatingin ako kay Austin na nasa tabi ko, biglang bumigat ang pagsandal niya sa akin kaya pasimple ko siyang sinilip. Wala sa sarili akong napangiti nang makita siyang nakatulog na sa aking balikat.

Hay Austin...

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon