78

31 9 1
                                    

Nasa kwarto lang ako, tahimik at nagmumuni-muni. Nakikinig ako ng kanta: Kakayanin kaya. Habang nakikinig at nakatulala sa kung saan ay hindi ko maiwasang maisip na ang kantang Kakayanin kaya ay saktong-sakto sa sitwasyon at nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko na namalayan pa ang sarili na lumuluha hanggang sa dumating ang chorus ng kanta na siyang lalong nagpakirot ng dibdib ko.

Kakayanin kayang ika'y mawala
At sa kanya'y ipaubaya
At hayaang sumaya ka sa piling niya?

Kayanin ko kaya Rome? Kayanin ko kayang ipaubaya ka kay Jennifer at hayaan kang sumaya sa piling niya?

Kakayanin kayang ika'y may iba
At ang mahal mo'y kaming dalawa
Akin na lang bang tatanggapin?
Kakayanin kaya?

Nag-iisip kung mag kukunwari na lang ba ako
At itatago ang sakit?
Pipilitin bang tanggapin
Na ika'y may iba bukod sa'kin

Kakayanin kayang ika'y mawala
At sa kanya'y ipaubaya
At hayaang sumaya ka sa piling niya?

Kakayanin kayang ikay may iba
At ang mahal mo'y kaming dalawa
Akin na lang bang tatanggapin?

Kakayanin kaya?
Na hayaan ka nalang
O ipaglalaban ba ang pag-ibig ko
Oh wag nalang?

Hindi ko alam kung
Kakayanin kayang ika'y mawala
At sa kanya'y ipaubaya
At hayaang sumaya sa piling niya?

Kakayaning kayang ika'y may iba
At ang mahal mo'y kaming dalawa
Akin nalang bang tatanggapin?
O akin nalang bang papalayain

Kakayanin kaya?

Mas lalong lumakas ang hikbi ko nang matapos ang kanta. Niyakap ko ang sarili kong tuhod at tumingin sa may bintana. Kinagat ko ang ibabang labi ko, pinipigilan ang sarili na 'wag palakasin ang iyak dahil baka may makarinig sa akin.

Bumuntong hininga ako at pinunasan ang luha sa aking pisnge. Patuloy pa rin bumabalik sa aking isipan ang mga lyrics ng kanta na siyang lalong nagpapakirot sa aking dibdib dahil sa mga lyrics na tumatama sa aking damdamin.

Kakayanin kaya? Muling bumalik ang tanong na 'yon sa aking isipan. Natawa ako ng pagak sa katotohanang kahit hindi ko kayanin ay kailangan ko pa ring kayanin, alang-alang kay Jennifer na matalik kong kaibigan. Para hindi siya mahirapan at masaktan.

Yes, selfish ako na may pagka-selfless. Hindi ko maiwasang matawa sa aking isipan. Isang selfish na selfless? Ewan ko ba, kahit ako naguguluhan sa nararamdaman ko. May kung ano sa akin na gustong makipagbalikan kay Rome pero nangunguna ang galit ko sa kanya at sa posibleng kahinatnan naming dalawa ni Jennifer kapag ang lalaking unti-unti niyang minamahal at ako ay nagbalikan. For sure, masasaktan siya ng sobra—na ayokong mangyari.

Kaya kung muli akong tatanungin kung kakayanin ko kaya? Pwes, oo. Kakayanin ko.

Kakayanin kong magpaubaya at magparaya.

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon