71

27 9 0
                                    

"Ayos na ba ang lahat?!" Sigaw sa amin ni Alexa na ngayon ay dinadala na ang mga pagkaing handa sa lamesa.

"Ayos na!" Sigaw naming lahat at hinintay siyang makalapit sa amin.

"Anong oras na? Anong oras na?!" Nae-excite na sambit ni Martina.

Napatingin ako sa orasan ko at bumaling kay Martina, "11:03 na." Sagot ko.

"Ilang minuto na lang pala." Rinig kong ani Jennifer na nakatingin sa langit.

"Bakit excited ka naman ata, Mar?" Natatawang tanong ni Alexa dito.

"Tatalon kasi ako, gusto ko sakto para sure na tatangkad na 'ko." Sa sinabi niyang iyon ay hindi namin maiwasang matawang tatlo.

"Seriously? Bakit kailangan mo pang maghintay ng alas-dose kung nandito naman 'yung sponsor ng cherifer." Sambit ko sabay sulyap kay Jennifer na natatawa pa rin.

"Fake sponsor lang 'yan si mamsh, Cynthia! Kasi maging siya hindi rin matangkad HAHAHA!" At saka humalakhak ng malakas si Alexa.

Nang marinig iyon ni Jennifer ay agad niyang hinabol ang tatawa-tawang si Alexa habang kami ni Martina ay napapailing na lang habang pinapanood ang dalawa na maghabulan.

Ngunit natigil kaming lahat nang dumating si grandma at tinawag ako, "Cynthia, hija!"

Kaagad akong lumapit kay grandma at ang tatlong bruha ay nakikinig lang. "Bakit po?"

Tumingin lang si grandma sa likuran niya at doon bumungad sa amin si Lucas-kasama si Rome. Nang magtama ang tingin namin ni Rome ay hindi namin maiwasang magulat nang makita ang isa't-isa.

Siya ba ang sinasabing kaibigan na isasama ni Lucas? Seriously!?

"Pinapasok ko na sila dahil sabi nila ay mga kaibigan mo daw sila at ininbita mong pumunta dito kaya sige na, mauna na 'ko. Mag-enjoy kayo mga bata." Iyon ang huling sinabi ni grandma at saka siya tuluyang umalis at iniwan sina Lucas at Rome sa amin.

"Austin?" Bakas ang gulat kay Jennifer nang makita niya ito.

Napangiti si Lucas at bumaling sa kaibigan niya, "See pre? Sabi ko naman sayo hindi ka mao-op dito eh."

"Bakit hindi mo sinabing kila Cynthia tayo pupunta?" Mahinang sambit ni Rome kay Lucas pero ganun pa man ay rinig na rinig ko pa rin iyon.

Mas lalong napangiti si Lucas at bumulong kay Rome dahilan para mahampas siya nito. Napa-aray naman si Lucas pero agad din siyang tumingin sa akin at nginitian ako pero inirapan ko lang siya.

"Tuloy kayo, 'wag kayong mahiya dahil alam ko namang mga wala kayong hiya." Sambit ko sa kanila nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Rome.

Narinig kong natawa sila sa aking sinabi, "Ang straightforward naman, sis." Natatawang ani Alexa sa akin. Natawa na lang din ako.

Ilang minuto kaming namalagi dito ng wala man lang ni-isang nagsasalita sa amin. Tahimik lang kami at walang mga imik. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila dahil ako ay nakatingin lang sa itaas at pinagmamasdan ang ganda ng mga bituin.

Hindi ko alam kung magiging masaya ang new year ko ngayon pero bahala na dahil pagkatapos na pagkatapos ng new year na ito ay lalayo na 'ko, lalayo na muna ako sa kanila.

Kakalimutan na kita, Austin Rome.

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon