42

30 8 0
                                    

Gabi na at malakas ang ulan. Maputik na rin ang daan at may mga putik na rin ang aking kasuotan. Naiinis talaga ako, si tita kasi pinapunta ako sa kanila para lang dumalo sa birthday ng pinsan ko kaya eto, gabi na natapos ang celebration at ginabi na rin ako. Umuulan pa, shems.

Kasalukuyan akong nakasilong sa may cover court habang inaayos ang payong kong bumaliktad dahil sa lakas ng hangin. Hindi ko alam kung may bagyo ba, hindi na kasi ako nanonood ng balita kaya wala na tuloy akong update sa nangyayari sa kapaligiran ko.

"Ayan kasi Jennifer puro ka si facebook at twitter!" Angil ko sa aking sarili.

Nang matapos kong maayos ang nasira kong payong ay nagsimula na akong maglakad paalis doon pero napatigil din ako nang masilayan ang likod ng isang lalaki sa 'di kalayuan. Nag-iisa ito at halatang nilalamig na, wala din siyang payong at basang-basa na siya!

Jusmiyo, ano naman kayang pumasok sa isip ng lalaking 'to at nagpaulan? Hay naku.

Dali-dali akong nagpunta doon, nilapitan ko ang lalaking nakayuko ngayon habang yakap-yakap ang kaniyang sarili.

"Uhm kuya? Kuya malakas na po ang ulan, baka magkasakit kayo nan." Wika ko.

Dahan-dahan namang nag-angat ng ulo ang lalaki at ganun na lang ang gulat ko nang mamukhaan ko kung sino ito. Si Austin!

"J-J-Jennifer?" Bakas sa boses nito ang panginginig, marahil na rin sa sobrang lamig.

"Hala jusko! Anong ginagawa mo dito, Austin? At bakit ka nagpabasa sa ulan!?" Agad ko siyang inalalayang pumunta sa may silong.

"J-Jennifer..." Rinig kong sambit niya at nagulat sa sunod niyang ginawa.

Hindi ako nakagalaw sa biglaang pagyakap niya sa akin. Ang lakas na rin ng tibok ng puso. Shemay, ginulat mo 'ko sa ginawa mo Austin!

Napasinghap ako nang mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayap sa akin, isiniksik niya pa ang kaniyang mukha sa aking balikat kaya ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang hininga nito.

Hindi ako makapagsalita o makagalaw. Tila umurong ang dila ko at napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ngayon.

Nanatili lang kaming dalawa na nasa ganung posisyon hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakayakap din sa kaniya.

Ano ba kasing nangyari sa'yo Austin?

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon