26

34 9 0
                                    

"Alexa." Tawag ko sa kanya na ikinalingon niya naman agad.

"Bakit, Cynthia?" She asked me.

Tumingin ako sa may bookstore at itinuro iyon saka muling bumaling kay Alexa, "Punta lang ako sa bookstore ha? May titingnan lang ako doon." Paalam ko.

"Ha? Pero mamaya-maya rin dadating na sina Jennifer at sabi niya 'wag daw tayo aalis dito." Aniya.

"Kaya nga maiwan ka dito, lex. Ako naman pupunta lang sa bookstore, okay? Saglit lang ako at kung matagalan man edi puntahan niyo na lang ako sa doon." Giit ko.

Saglit na napaisip si Alexa saka bumuntong hininga, "Okay—"

"Salamaaat! Bye, lex!" Agad na 'kong kumaripas ng takbo bago pa siya makapayag. Nilingon ko siya at nakita siyang nagkakamot ng ulo habang napapailing-iling na na lang sa inasta ko.

Lihim akong napatawa, wala eh. Matigas ang ulo ko HAHAHA.

Nagpatuloy na 'ko sa paglalakad at nang tuluyan akong makarating sa may bookstore ay kaagad na akong pumasok doon. Napangiti ako nang makita ang madaming libro.

Agad akong pumunta sa may bandang likuran at nagtitingin-tingin doon. Pero agad din akong napatigil sa pagtingin ng mga libro nang makita ang librong matagal ko nang hinahanap. Isa na lang 'yon kaya agad ko 'yong kinuha ngunit may kumuha rin doon.

Napatingin ako sa doon at literal na nanlaki ang mga mata sa aking nakita. Agad kong binawi ang kamay kong pinapatungan ng kamay niya.

"Cynthia..." Tila nanlambot ang mga tuhod ko sa pagbanggit niya sa ngalan ko.

Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko, hindi rin ako mapakali at pinagpapawisan na rin ang aking palad kahit hindi naman ako pasmado.

Napapikit ako at huminga ng malalim. Nasa harapan ko ang lalaking dahilan kung bakit ako nasaktan noon hanggang ngayon. Iminulat ko ang aking mga mata at lakas loob siyang hinarap.

"Rome." Pinipilit kong ipakita na wala lang ang prensensya niya sa akin kahit ang totoo ay hindi na 'ko mapakali na nasa harapan ko siya ngayon.

Napangiti siya sa akin, "Kilala mo pa pala ako."

Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya, "At bakit naman kita malilimutan?" Isa ka lang naman sa mga nanakit sa akin noon na hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong sinasaktan.

Maging siya ay natawa din, "Sabagay, bakit mo nga ba ako kakalimutan di'ba?" Hindi ko alam kung nananadya ba siya o ano pero hindi pinili ko na lamang na 'wag iyong pansinin.

"Sige, una na 'ko." Paalam ko at agad nang naglakad palayo sa kaniya. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko ang paghawak niya sa wrist ko na siyang ikinatigil ko.

Ramdam ko ang prensensya niyang papalapit sa akin ngayon. Hanggang sa matagpuan ko na lamang siyang nasa harapan ko. Dala niya rin ang libro na kanina ay dapat kukunin ko.

Habang ako pinapanood siyang kunin ang kamay ko at ilahad doon ang librong hawak niya. "Sa'yo na lang 'yan. Alam ko kung gaano mo kagusto ang librong 'yan." Nakangiti niyang sambit at saka ako tuluyang tinalikuran.

Nang tuluyan siyang makaalis ay para akong nabunutan ng tinik sa aking leeg. Napatingin ako sa librong hawak ko at sa daang tinahak ni Rome palayo sa akin.

Bakit pa kita muling nakita Rome?

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon