87

37 9 4
                                    

Dama ko ang kaba sa aking dibdib habang naglalakad kami papunta sa lugar na pagkikitaan naming dalawa ni Jennifer. Napatingin ako kay Lucas nang hawakan niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil, binigyan niya 'ko ng ngiti na nagsasabing: wala akong dapat ikakaba dahil kaibigan ko si Jennifer at kilala ko siya, mabait siyang tao.

Nang tuluyan kaming makarating ay doon bumungad sa akin si Jennifer, ngumiti ito sa akin at napatingin sa kamay kong hawak-hawak ni Lucas ngayon. Pasimple ko namang binawi ang kamay ko mula kay Lucas at itinago iyon sa aking likuran.

"Jennifer, anong pag-uusapan natin?" Sinikap kong hindi mautal para hindi niya mahalatang kinakabahan ako.

"Hindi ako ang may gustong kumausap sayo, Cynthia." Nakangiti niyang sambit at saka lumingon sa may gilid, napalingon din ako doon at nagulat nang makita si Rome na lumabas mula doon. Nakatingin ito ng diretso sa akin habang naglalakad palapit kay Jennifer.

Ano 'to? Bakit pati si Rome kasama? Dahil doon ay hindi ko maiwasang mapaisip ng kung ano-ano. Magkasama sila ibig sabihin ba nito ay nandito sila para sabihin sa aking... sila na?

Nang pumasok iyon sa isipan ko ay ramdam ko ang pagkirot ng dibdib ko, mahal ko pa nga siya. Pero lihim din akong napailing-iling at ngumiti ng malungkot. Kung sila na nga, edi mas maganda. Lalayuan na rin ako ni Rome at kakalimutan, magiging masaya na sila ni Jennifer habang ako ay tuluyang magmo-move on sa kanya. Matatapos na rin ang problemang ito.

Sumilay ang ngiti sa aking labi at hinarap sila, "Alam ko na kung ano ang gusto niyong pag-usapan." Nakangiti kong sambit, "Kayo na hindi ba? Wow, congrats sa inyo!" Mas lalong lumaki ang ngiti sa aking labi.

Nagkatinginan silang dalawa, pansin ko ang malungkot na pagngiti ni Rome kay Jennifer. Hinawakan naman ni Jen ang kamay nito at ngumiti dito na para bang sinasabi nitong magiging ayos din ang lahat.

Napakunot ang noo ko. Bakit ganyan kung makangiti si Jen? Di'ba ayos na naman ang problemang ito? Sila na, edi mas madadalian na akong makalimot. Wala na ding sagabal sa kanila dahil sisiguraduhin kong hindi ko na mamahalin pa ulit si Rome na ngayon ay mahal na ni Jennifer na kaibigan ko.

Pero bakit... parang may mali?

"Cynthia, hindi kami ni Jennifer. Nandito ako dahil gusto kitang makausap." Sambit ni Rome at dahan-dahang lumapit sa akin.

Nagulat ako sa biglaang pagluhod nito, maging sila Lucas at Jennifer ay hindi rin iyon inaasahan. Agad akong nagpanik at pinipilit siyang patayuin.

"Ano ba, Rome? Tumayo ka nga diyan." Mahina ngunit mariin kong sabi sa kanya.

Pero masyado siyang matigas at umiling-iling lang, "No, hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo 'ko pinapatawad at hindi ka bumabalik sa akin—"

"Rome!?" Hindi makapaniwalang bulaslas ko at napabuga na lang ng hangin. "Ilang beses ko na bang sinabi sa'yong ayoko na nga? Hindi na 'ko makikipagbalikan pa sa'yo kaya tumayo ka na diyan at hayaan mo na lang ako sa naging desisyon ko." Lintanya ko.

Nagpatuloy lang siya sa pag-iling at yumakap sa binti ko ng mahigpit. Aaminin ko, masakit sa akin na nakikita siyang ganito pero hindi ako pwedeng maging marupok, kailangan kong panindigan ang sinabi kong ako ang magpaparaya dito.

"Hindi mo na ba 'ko mahal—"

"Hindi. Na. Nga. Kita. Mahal." Madiin kong sagot. Hindi ko man 'to nais gawin pero kailangan. Sinipa ko si Rome dahilan para mapabitaw siya mula sa pagkakayakap sa aking binti. Napaupo siya at agad na pumunta si Jennifer para alalalayan siya. Ako naman ay hindi siya tiningnan, nakatayo lang ako sa tabi ni Lucas na walang imik.

Narinig ko siyang natawa, "Kahit saktan mo pa 'ko ng physical hindi pa rin ako maniniwala sa'yong hindi mo na nga ako mahal—" Agad siyang natigilan nang higitin ko paharap sa akin si Lucas at halikan ito sa labi ng harap-harapan.

Ramdam kong nanigas si Lucas sa aking ginawa pero mukhang nakuha niya naman ang ginawa kong 'to kaya tinugon niya ang halik ko. Nang parehas kaming halos maubusan na ng hininga ay agad na kaming napahiwalay sa isa't-isa.

Hinarap ko si Rome, "Ngayon alam mo na—" Ako naman ang natigilan nang mapansing nakatakip ang mga palad ni Jennifer sa mata ni Rome. Hawak ni Rome ang dalawang kamay ni Jennifer kaya alam kong si Rome ang kumuha doon para ipangtakip iyon sa mga mata niya.

"Cynthia..." Napatingin ako kay Jennifer na napapailing-iling na lang, nangingilid na rin ang luha sa gilid ng mga mata nito.

B-Bakit?

"Hindi mo dapat ginawa iyon, Cynthia." Pagsasalita ni Jen, "Alam mo ba kung bakit kita pinapunta dito? Kasi gusto kong sabihin sa'yo na ako na ang mag—" Hindi na natapos pa ni Jen ang sinasabi niya nang higitin siya ni Rome palapit at halikan ito sa labi sa harapan ko tulad ng ginawa ko kanina.

Naiwan akong nakaawang ang labi, hindi makapaniwala sa aking nakita. Si... Si Rome... hinalikan niya si Jennifer sa harapan ko.

Doon ay hindi ko na talaga kayang itago pa ang sakit, kusa ng tumulo ang mga luha sa mata ko at bago pa man nila ako makitang lumuluha ay kaagad na akong umalis doon.

Ang sakit, ang sakit-sakit...

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon