66

26 9 0
                                    

"Cynthia bakit ka ba nagmamadali?? Andami pa nating bibilihin oh." Rinig kong sambit ni Jennifer sa akin.

"Pasensya na Jen, pero kailangan ko na mauna. May kailangan pa kasi akong gawin pero pramis ko, pagtapos nun babalikan na kita dito. Please?" Pakikiusap ko sa kaniya.

Saglit niya akong tinitigan at maya-maya ay dahan-dahan siyang tumango, "Fine. Bilisan mo ha?" Tango na lang ang isinagot ko bago nagmamadaling umalis doon.

Nabasa ko kasi ang message ni Martina kanina sa gc at sigurado akong si Lucas ang lalaking tinutukoy niyang nagbigay ng sulat sa akin. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Martina pero hindi kasi ako mapalagay, baka basahin ni Mar ang nakasulat doon na hindi niya pwedeng mabasa. Cheeze.

Agad din akong nakarating sa bahay namin, agad na bumungad sa akin si Martina na may pagtataka sa kanyang mukha.

"Whoa? Nakauwi ka na agad? Nasaan si Jennifer?" Tanong niya at tumingin-tingin pa sa may likuran ko para hanapin si Jennifer. "Wala siya, bakit ikaw lang?"

Pero imbis na sagutin ang tanong niya ay tinanong ko rin siya, "Nasaan ang sulat na sinasabi mo?" Balik na tanong ko sa kaniya.

Napakunot ang noo niya at natigilan saglit pero agad din siyang tumango, may kinuha siya sa kaniyang bulsa at ibinigay sa akin iyon.

"Oh ayan, love letter from your admirer!" Nang-aasar niyang sambit. "In fairness sa boylet mo bhie, ang gwapo ha! Yieee!" Tinusok-tusok niya pa ang tagiliran ko.

Sinamangutan ko lang siya at hindi na pinansin pa. Agad na 'kong umalis doon para mabasa ang sulat ng wala si Martina. Narinig ko pa ngang sumigaw si Martina pero hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang makalayo na ako ay saglit akong tumigil at binuksan ang sulat na ibinigay sa akin. Nang mabasa ko kung kanino galing ito ay napabuntong hininga na lang ako. I knew it.

Dear Cynthia — eww, nagmumukha akong bakla!

Pero ayon nga, gusto ko lang magsorry sayo Cynthia tungkol sa nangyari sa atin kagabi. Alam kong lasing ka kagabi kaya mo 'ko hinalikan pero maling-mali ako sa part na ginantihan ko ang halik mo kaya sorry talaga. I'm really sorry, I didn't mean that. Kaya sana mapatawad mo 'ko at sana hindi maapektuhan ang pagkakaibigan natin. Hindi kita type 'no, mas gusto ko ang ex mo (si Austin) de joke! :P

Basta sorry na huhu, kalimutan mo na 'yung nangyari sa atin. Walang meaning 'yon, alam ko namang si Austin pa rin ang mahal mo ;)

Paano ko nalaman? Kasi katulad ng sinasabi nila, nagsasabi ng katotohanan ang mga lasing at isa ka doon Cynthia, lakas mong magdrama kagabi HAHAHA—sorry na :)

Si Lucas na gwapo B)

Ps: Tae ka pala! Sinukahan mo ang bedsheet ko, eww! Kaya bilang ganti, patawarin mo na 'ko. Pleaseee~?

Nang matapos kung basahin iyon ay hindi ko maiwasang matawa. Loko-loko talaga kahit kailan si Lucas. Napailing-iling na lang at huminga ng malalim.

Phew, buti na lang at hindi nabasa ni Martina.

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon