64

31 9 0
                                    

Jennifer Santiago

Jennifer Santiago went online.

Jennifer: Oy sis!

Cynthia: Bakit?

Jennifer: Ano ba talagang nangyari? Bakit ka nagpakalasing?

Cynthia: Jennifer, di'ba nga sabi ko 'wag na natin pag-usapan ang about dun? Ayos na naman ako eh.

Cynthia: Promise, kapag may problema ako sa inyo ko na sasabihin pero 'yung about sa nangyari kagabi, kalimutan na lang natin 'yon.

Jennifer: Pero bakit? Malay mo makatulong ako sa problema mo :(

Jennifer: Cynthia friend mo 'ko, nag-aalala ako na baka ayaw mong sabihin sa amin kasi ayaw mo na kaming mag-alala pa pero hindi mo alam, sa ginagawa mong 'yan mas lalo lang akong nag-aalala.

Jennifer: Pakiramdam ko may mabigat kang problema, baka hindi mo kayanin kapag wala kami.

Jennifer: Cynthia...

Cynthia: Jen, naiintindihan ko. Kaibigan niyo 'ko kaya normal lang na mag-alala kayo sa akin.

Cynthia: Pero Jen okay lang ako, okay na 'ko. Kung hindi ko man 'to kayanin, ikaw mismo ang una kong lalapitan. Pangako 'yan :)

Cynthia: Pero sa ngayon, 'wag na lang natin pag-usapan ang about dun dahil ayos na naman ako eh. Wala ka na dapat pang ipag-alala.

Cynthia: Isa pa, may mga bagay na hindi na kailangan malaman pa. Sana maintindihan mo 'ko, Jen

Jennifer: Umm... sige na nga

Cynthia: 'Wag ka na mag-alala, okay lang talaga ako Jen. Promise, okay lang talaga ako.

Cynthia: Sige na, mamaya aalis na tayo para mamili ng mga lulutuin.

Cynthia: Bye :)

Cynthia Sebastian went offline.

Jennifer: Bakit pakiramdam ko may itinatago ka sa amin Cynthia? Hindi ka naman ganito dati, pero bakit ngayon? |

Jennifer: Sige, mag-aayos lang ako

Jennifer Santiago went offline.

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon