00 | End

104 9 2
                                    

Nagising ako sa isang malambot na kama at ang agad na bumungad sa akin ay puting ceiling. Dahan-dahan kong inilibot ang aking tingin sa paligid at napakunot, nasaan ako?

"C-Cynthia? Myghad guys! Si Cynthia gising na!"

Napatingin ako sa biglang sumigaw, isang babaeng may mahabang buhok. Sunod naman akong napatingin sa tatlo pang babae na nagmamadaling pumunta sa akin. Nasa likod naman nung tatlo ang dalawang lalaki.

"Cynthia? Cynthia, ayos ka na ba? Kumusta ang lagay mo?" Bakas sa boses ng babae ang pag-aalala. Ako naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanilang lahat.

"Cynthia, bakit? May masakit ba sa'yo? Just tell me kung may nararamdaman ka, tatawag ako ng doctor." Sambit naman nung isang babae.

Pinagmasdan ko sila isa-isa at hindi pa rin sumasagot sa mga tanong nila. Mukhang nahalata nila iyon at napakunot ang mga noo, nakatinginan silang tatlo at tila nag-uusap sa pamamagitan ng mga tingin.

"Uhm sorry? Bakit ako nandito? Anong lugar 'to?" Nagsimula na akong magsalita na ikinakuha ng atensyon nilang lahat.

This time, 'yung isang lalaki ang nagsalita. Katabi ang isang lalaking mukhang suplado dahil sa mukha nito.

"Nasa hospital ka ngayon, Cynthia. Natagpuan ka namin sa may gilid ng dagat at walang malay. Hindi namin alam kung anong nangyari sa'yo pero ang hinala namin ay nagpakalunod ka." Sambit nito na ikinatango naman ng tatlong babae.

Napatingin ako doon sa babaeng isa, 'yung hindi masyadong matangkad nang hawakan nya bigla ang aking kamay, "Oo Cynthia, hindi malabong ginawa mo ngang magpakalunod dahil sa pinagdadaanan mo pero hindi mo naman kailangan gawin iyon eh, pinahamak mo ang sarili mo."

"A-Ah eh..." Tanging nasabi ko na lamang, naguguluhan sa mga sinasabi nila.

"Bakit? May problema ba?" Nag-aalalang tanong nung babaeng pinakamaliit sa kanila.

"Pasensya na..." Paninimula ko, "Pero naguguluhan ako sa mga sinasabi ninyo."

"Naguguluhan ka? Bakit naman?" Tanong naman nung babaeng may mahabang buhok.

"Kasi... Kasi hindi ko alam ang mga pinagsasabi ninyo. Hindi ko kayo maintindihan at hindi ko alam kung bakit niyo 'ko tinatawag na Cynthia." Sambit ko.

Napalunok ako, "Bakit? Sino ba kayo? At sino ako? Cynthia ba ang pangalan ko?" Tanong ko at kitang-kita ang pagkagulat sa mga mukha nila.

Mas maganda na ang ganito, isip-isip ko.

E N D

A/N: The end, and they live hap—oof, wala palang happy HAHAHA. Ang korni at ang gulo 'no? Ewan ko kung end na ba talaga pero opo, end na po hshshs. Wala ring book 2 pero baka maisingit ko sina Jen, Cynthia at Austin sa kwento ni Martina :)

May story din sila Alexa at Martina. Yung kay Alexa ay Malaya Ka Na at ang kay Martina naman ay Maghihintay Ako, sana gaya nito ay suportahan niyo rin sila.

Next is: Maghihintay Ako (TMU Series #3)
Yay, support, support! HAHAHA :D

Thank you sa pagbabasa at magbabasa ng epistolary kung ito, sana nag-enjoy kayo kahit parang ang ewan nung gawa ko hAHAHA! Thank you so much uwu, lovelotsss! ♡⃛ヾ(๑❛ ▿ ◠๑ )

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon