90

63 9 0
                                    

Nakatulala at nakatingin sa langit. Pinagmamasdan ang bawat bituin. Nakangiti ng malungkot habang ang sakit sa aking dibdib ay namumuot.

Napangiti ako ng mapait, hinahayaang pumatak ang mga luha sa aking pisnge. Napabuntong hininga na lang ako habang binabalikan ang matamis naming kahapon, namin ni Rome.

May mga pagkakataong natatawa akong mag-isa, napapangiti sa kawalan habang inaalala ang tamis na pinagsaluhan naming dalawa, noon.

Pero hindi ko rin maiwasang malungkot sa katotohanang ang matamis naming kahapon ay hindi na muli pang mauulit, na ang lahat ng iyon ay mananatili na lamang na isang alaala. Isang matamis na alaala.

Kasalukuyan akong nakaupo sa isang malaking bato, napatingin ako sa dagat na ngayon ay kaharap ko. Iniisip ko kung alam kaya nila mommy at daddy ang sakit na pinagdadaanan ko ngayon? Pero mahina rin akong natawa sa sarili kong katanungan. For sure, wala silang kaalam-alam sa nangyayari sa 'anak nila sa labas'.

Ang tropa ko, sila na lang ang meron ako. Sila na lang ang nagmamahal sa akin. Ang mga lalaki? Madami 'yan sila, madami pa 'kong makikilalang ibang lalaki pero ang mga tulad ng mga tropa ko at ni Jennifer ay walang kasing katulad.

Mabait si Rome at nakikita ko sa kanyang pinagsisisihan niya ang lahat ngunit gustuhin ko mang balikan siya at patawarin ay hindi pwede, ako kasi ang magpaparaya para matapos na ang lahat ng ito.

Napatingin ako sa bulsa ko nang maramdamang nag-vibrate iyon ng sunod-sunod. Kinuha ko iyon at hindi na nag-aksaya pa ng oras na buksan ang mga message doon. Napatingin ako sa dagat at doon ay ibinato ang cellphone ko.

Tumayo ako at napapikit nang dumampi sa aking balat ang malakas na simoy ng hangin. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakalubog sa ilalim ng dagat. Sa mga oras na iyon ay isa lang ang nasa isip ko.

Kakayanin kaya?

Hindi, hindi ko na kinakaya pa.

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon