86

37 9 0
                                    

Lucas Mercant

Cynth: Makikipagkita si Jen sa akin tom, Lucas

Cynth: Hindi ko alam ang posibleng kahinatnan ng pag-uusap namin bukas, kinakabahan ako

Cynth: Lucas anong gagawin ko?

Cynth: Paano kung galit na galit siya sa akin at sampalin na lang ako bigla?

Cynth: LUCAS MERCANTILE

Lucas: Chill, Cynthia

Lucas: Una sa lahat, hindi nga kasi Mercantile, Mercant lang

Lucas: At siguro naman hindi kayang gawin ni Jen 'yan sayo di'ba?

Lucas: Ganyan ba ang pagkakakilala mo kay Jen na matalik mong kaibigan?

Cynth: Hindi, mabait na tao si Jen

Lucas: Oh? Ayon naman pala eh. Edi easy ka lang, 'wag kang mag-isip ng kung ano-ano dyan

Cynth: Pero ano ngang gagawin ko?

Cynth: Wala akong idea sa pag-uusapan namin bukas

Lucas: Sabihin mo lang kung ano ang gusto mong sabihin Cynthia. Sabihin mo na rin sa kanya na ikaw na ang magpaparaya

Cynth: Sige, salamat Lucas.

Cynth: Pero pwede favor?

Lucas: Ano 'yon?

Cynth: Samahan mo 'ko bukas, ha Lucas?

Cynth: Please?

Lucas: Oo naman

Lucas: 'Wag kang kabahan, kasama mo ang gwapong tulad ko

Cynth: Alam mo kung hindi lang madami ang naitulong mo sa akin baka i-block kita at i-unfriend na

Lucas: Kung kaya mo HAHAHA

Cynth: 'Yon nga eh, hindi ko kaya.

Cynth: Ang dami kong utang na loob sayo, Lucas

Cynth: Kaya maraming salamat sa lahat ng tulong

Lucas: Walang anuman, Cynthia

Lucas: Basta ikaw ;)

Lucas: HAHAHAHA

Cynth: Buang HAHAHAHA

Cynth: Salamat ulit!

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon