17

38 9 1
                                    

"Jennifer!" Agad akong napalingon doon at otomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita siyang nakaupo sa stool ng minute burger.

"Oy Austin! Hehe" napakamot pa 'ko sa aking ulo, "So... saan mo gusto? Libre ko naman eh."

Saglit siyang nag-isip at saka napangiti, "Aha! Dito na lang sa minute burger, ayos lang ba? Total nandito na tayo eh."

Natawa ako sa kadahilang ang cute niya nung sabihin niya ang salitang 'Aha!'. Para siyang bata na natutuwa dahil bibilhan siya ng laruan ng kanyang magulang.

Napatango na lang ako at saka umupo din sa katabing stool na inuupuan ni Austin ngayon. Napatingin ako sa taas saka muling bumaling sa kaniya.

"Ano palang order mo?" I asked him.

Tumingin siya sa taas at muling nag-isip, "Hmm... may Jennifer Santiago ba silang tinda dito? 'Yon na lang ang order ko."

Nang dahil sa sinabi niya ay hindi ko naiwasang humalakhak at hindi siya sinasadyang mahampas pero mukhang hindi niya iyon napansin at nakihalakhak din sa akin.

"Ang cute niyo naman po ate at kuya, bagay po kayo. Cute couple." Parehas kaming napatingin sa tindera ng minute burger na kanina pa pala kami pinapanood.

Wala sa sariling napaayos ako ng upo at sarili. Shems, awkward. Naramdaman ko rin ang pag-init ng magkabilang pisnge ko kaya pasimple akong yumuko. Pansin ko rin ang pagtahimik ni Austin sa tabi ko, pero maya-maya ay narinig ko siyang natawa.

"Ay nagkakamali po kayo, hindi po kami couple. Kaibigan ko lang po siya. Pero totoo po, cute talaga kami lalo na 'tong nasa tabi ko." Rinig kong sambit niya.

Hindi man ako nakatingin sa kaniya pero ramdam ko na nakatingin siya sa akin ngayon. Nakaramdam din ako ng lungkot sa sinabi niyang 'friend' niya lang ako, pero ganun pa man ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil sinabihan niya 'ko ng cute. Gagi.

"Luh? Alam ko naman 'yon! Hahaha!" Imbis na ipakita ko sa kaniya na nagustuhan ko ang papuri niya ay kinapalan ko na lang aking mukha kahit ang totoo ay hindi ko mapigilang mapangiti.

Napailing-iling siya sa akin at bumaling sa tindera, "Kita mo? Cute talaga siya, ang taba ng pisnge niya kaya siguro puro hangin ang laman." Matapos niyang sabihin iyon at humagikhik siya pati na rin ang tindera.

Lihim tuloy akong napanguso dahil sa sinabi niya. Pinapalabas niya kasi na mahangin ako pero ganun pa man ay napangiti na lang ako. Kahit inasar niya 'kong mahangin ay hindi ko pa rin maiwasang mainis sa kanya.

Tae, siguro gutom lang ako.

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon