73

26 9 0
                                    

Natapos ang new year at pakiramdam ko madami na agad ang nagbago. Nung nagc-celebrate kami ang saya-saya pa namin pero ngayon? Wala na akong sayang maramdaman.

Lalo pa't matapos nung new year ay bigla na lamang nawala si Cynthia ng hindi nagpapaalam. Kahit mga kaibigan niya ay hindi alam kung nasaan si Cynthia at bakit bigla na lamang itong nawala pagkatapos ng new year.

Hindi lang 'yon dahil nalaman ko rin na magkasama si Lucas at Cynthia ngayon. Da foc? Andaming tanong ang pumapasok sa isipan ko ngayon, like; bakit magkasama sina Lucas at Cynthia? Bakit hindi nila sinasabi kung nasaan sila? Bakit? Anong meron kila Lucas at Cynthia na hindi ko alam?

May relasyon ba sila?

Nang mag-pop sa utak ko ang tanong na 'yan ay bigla ko na lang naramdaman ang pagkirot ng puso ko. Nasasaktan ako sa katanungan na 'yon at hindi ko siguro kakayanin kung magkatotoo man ang nasa isip ko na ang ex ko at matalik kong kaibigan ay may relasyon. Hindi ko kaya, masyado kong mahal si Cynthia.

Natigil ako sa pag-iisip nang makita ang nag-aalalang mukha ni Jennifer na nakamasid sa akin. Hindi ko siya napansin dahil busy ako sa pag-iisip kaya naman nginitian ko siya nang sa ganun ay malaman niyang ayos lang ako.

"A-Austin... Alam kong hindi ka okay, pero sana 'wag mong kakalimutan na palagi lang akong nandito para sa'yo, okay? Hindi kita iiwan." Nagulat ako sa pagkayakap niya sa akin ng mahigpit pero agad din akong nakabawi at niyakap siyang pabalik.

Isa pa 'tong pinoproblema ko, si Jennifer. Hindi naman ako manhid para hindi mahalata ang bawat kilos niya, ang pag-aalala niya sa akin, ang pasimpleng pagtingin niya, ang mga ngiting iginagawad niya kapag ako ang kaharap niya. Lahat ng 'yon, alam kong dahil may feelings na siya sa akin, alam kong may gusto sa akin si Jennifer at kasalanan ko 'yon.

Kasalanan ko 'yon dahil kung sana hindi ko siya nilapitan at kinausap, hindi siya maattached sa akin, hindi niya 'ko magugustuhan at ang paghanga niya sa akin ay pwede niya pang makalimutan.

Nakakainis lang, gusto kong sabihin kay Jennifer na hindi ko masusuklian ang nararamdaman niya sa akin dahil si Cynthia pa rin ang mahal ko. Pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit may parte sa katawan ko na pumipigil sa akin na sabihin iyon, marahil ay dahil ayokong masaktan si Jennifer kung sakaling sabihin ko sa kaniyang wala akong nararamdaman para sa kaniya.

Ayoko siyang masaktan at ayoko ring umasa siya kaya paano ko aaminin sa kaniya na hindi kami mutual ng feelings?

Paano ko 'yon aaminin ng hindi siya nasasaktan?

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon