82

29 9 0
                                    

Austin
@austinopwag

Jennifer: Austin, okay
ka lang ba? Parang
wala ka sa sarili mo.

Ang lalim ng mga
mata mo, natutulog
ka ba ng maayos?

Austin naman, 'wag
mo naman sana pati
kalusugan mo ay pa-
bayaan mo na rin

Hindi ko gustong
nakikita kang ganyan

Austin: I'm sorry, Jen

Siguro marami lang
akong iniisip kaya hindi
ko na naaalagaan ang
sarili ko. Pasensya na

Jennifer: Marami?
Talaga ba Austin?
Eh parang iisang
tao lang naman
ang laman ng
isipan mo ngayon

Kahit hindi mo
man sabihin sa
akin, alam ko at
nararamdaman
kong si Cynthia
ang dahilan
kaya ka nagka-
kaganyan.

Ayokong makita
kang ganyan kaya
sabihin mo sa akin
kung paano ako
makakatulong sa
problema mo :)

Austin: Huh? Wdym?

Jennifer: Di'ba sabi
ko tutulungan kita
kay Cynthia para
mabalik ang pag-
kakaibigan ninyo?

Ngayong nalaman
ko ang totoo, na
higit pa pala sa pag-
kakaibigan ang
meron kayo. Napag-
isip isip kong ituloy
ang sinabi ko sayo

Na kahit alam ko na
ang totoo, tutulu-
ngan parin kita sa
kanya, Austin :)

Austin: Pero Jennifer,
ang dami mo ng nagawa
para sa akin. Sobra-sobra
na 'to at...

At masasaktan ka sa
gagawin mong 'yan,
alam ko kasing may
feelings ka sa akin

Jennifer: Well, hindi ko
na itatanggi 'yon. May
feelings talaga ako sayo
pero alam ko namang
hindi ako ang mahal mo
kundi si Cynthia kaya
gusto kitang tulungan.

Kahit masakit, handa
akong gawin 'to para
lang hindi na kayo
mahirapang dalawa,
halata naman kasing
mahal niyo pa ang isa't-
isa. Extra lang naman
ako dito kaya kailangan
ako ang magparaya

Austin: Jennifer

Jennifer: Kakausapin
ko si Cynthia. Sasabihin
kong makikipagkita ako
sa kanya pero kasama ka

Para naman matapos na
at magkaliwanagan na
tayo. Okay ba?

Austin: Sigurado ka
bang gagawin mo
'yan, Jennifer?

Jennifer: Oo naman,
para sa inyong dalawa
ni Cynthia handa akong
magparaya. Para maging
masaya na kayo

Alam ko namang sa una
pa lang, kayo na talaga.
Naki-epal lang ako haha

And yes, makikipag-ayos
na rin ako kay Cynthia.
Hindi ko kayang hindi siya
kausapin ng ilang araw,
nami-miss ko na siya

Hayaan mong ako na ang
tumapos sa problemang
ito. Hayaan mo na 'ko :)

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon