33

30 8 0
                                    

Alexa Guivarra

Alexa Guivarra went online.
Cynthia Sebastian went online.

Alexa: Online na siya, yiee hAHAHA

Cynthia: Oh? Ba't ka online?

Cynthia: Di'ba dapat nasa simbahan ka ngayon?

Cynthia: May misa sa December 31 ah?

Alexa: Ay grabe, hindi mo man lang ako binati ng good morning hmp

Alexa: At saka sis, 29 pa lang ngayon 'no!

Alexa: 'Yung misa sa December 31 pa! Ang layo pa naman eh

Alexa: Isa pa, kailangan ko rin ng rest sa paglilingkod sa simbahan. Im sure maiintindihan 'yon ni Lord God.

Cynthia: Edi sanaol na lang banal

Cynthia: Nga pala, lex

Alexa: Why?

Cynthia: Nag-chat sa akin si Jennifer kanina

Cynthia: Gusto niya 'ko makipag-ayos kay Rome

Alexa: What? Alam niya?

Cynthia: No, ang alam niya lang ay magkaibigan kami ni Rome na naging strangers dahil sa mabigat na dahilan. Pero hindi niya alam ang past namin.

Cynthia: Kaya ngayon gusto niya kaming magka-ayos kasi new year na naman daw

Alexa: So... anong sinabi mo?

Cynthia: Sabi ko 'wag niya 'kong pilitin.

Alexa: Hindi mo sinabi ang totoo?

Cynthia: Dapat ko bang sabihin?

Alexa: Ewan, ikaw? Ano ba sa tingin mo?

Cynthia: I don't know, lex.

Cynthia: Nagtatanong na nga si Jennifer kung ano ang dahilan kung bakit kami nagkaganito ni Rome, pero wala akong masagot.

Alexa: Pero bakit ayaw mong makipag-ayos kay Austin, Cynthia?

Alexa: Tama naman si Jen eh, new year na naman. Kailangan din natin magbagong buhay at kalimutan ang nakaraan.

Cynthia: Galit ako sa kaniya, lex. Galit ako sa ginawa niyang panloloko sa akin.

Cynthia: Isa pa, natatakot ako na baka pag nagka-ayos kami ni Rome... baka

Cynthia: Baka lumalim lang ang nararamdaman ko sa kaniya.

Cynthia: Ayoko nun, lex. Ayokong mangyari 'yon dahil pag nangyari 'yon maraming maaapektuhan

Cynthia: Baka pati pagkakaibigan namin ni Jennifer ay mawala na rin.

Alexa: Huh? Bakit mawawala?

Alexa: Hindi ko maintindihan Cynthia, bakit?

Cynthia: Kapag mangyaring lumalim ang nararamdaman ko kay Rome baka hindi ko na siya mapakawalan pa, lex.

Cynthia: At baka pag hindi ko na mapakawalan si Rome, mahal na rin siya Jennifer.

Cynthia: Hindi ko kakayanin mapunta sa iba si Rome, lex. Selfish ako pagdating sa pag-ibig.

Alexa: Cynthia...

Cynthia: 'Yon ang totoo, lex. Selfish ako sa mga taong mahal ko.

Cynthia: I don't share.

Cynthia: Sa tingin mo ba makikipaghiwalay ako kay Rome kung hindi ako pinangunahan ng galit ko?

Cynthia: Hindi.

Cynthia: Tanga na kung tanga pero hindi ako makikipaghiwalay kay Rome kahit anong panlolokong gawin niya.

Cynthia: Pero ngayon na naghahalo ang pagmamahal at galit ko kay Rome, susubukan kong kalimutan ang pagmamahal ko sa kaniya.

Cynthia: At magagawa ko 'yon kapag wala na kaming anumang komunikasyon ni Rome.

Alexa: Wdym?

Cynthia: After ng new year, magpapakalayo-layo muna ako Alexa

Cynthia: Gusto ko muna mapag-isa para makalimutan ko ang mga dapat kong kalimutan.

Alexa: Pero Cynthia...

Cynthia: Napag-isipan ko na 'to, lex

Cynthia: At pag sinabi ko, gagawin ko :)

Cynthia Sebastian went offline.

Alexa: Cynthia... |

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon