75

26 9 0
                                    

TROPANG MATITIGAS ANG ULO

AlexaAnakniJisoos went online.
AlexaAnakniJisoos changed her nickname to Alexaganda.

Alexaganda: Uhm... hi?

Alexaganda: Oy gais, nakakalungkot ha :')

Alexaganda: Ang tahimik ng gc at bihira na lang din tayo magusap-usap

Alexaganda: Alam kong kahit papano may libangan ako sa pamamagitan ng pag-aalay sa simabahan at pagtulong sa mga gawain doon

Alexaganda: Pero ang laking kulang pa rin kapag hindi ko kayo nakakausap

Alexaganda: Hindi maganda ang araw ko without chatting with you guys

Alexaganda: Bakit ba tayo napunta sa ganitong sitwasyon?

Alexaganda: Dahil ano? Dahil lang sa lalaki kaya maapektuhan na rin ang relasyon nating magkakaibigan?

Alexaganda: Guys, alam kong importante ang lalaking 'yon sa buhay niyo

Alexaganda: Pero hindi ba pwedeng imbis magsnob-an tayo dito ay ayusin na lang natin ang misunderstanding natin?

Alexaganda: Lalo na kayo Cynthia at Jennifer

Alexaganda: 'Yung ako kay Pao, nung iwan nya 'ko, aaminin ko napabayaan ko na kayo, saglit ko kayong nalimutan dahil nalunod ako sa emosyon ko

Alexaganda: Pero nilabanan ko 'yon at naisip ko na kesa magmukmok ako dito ay igugugol ko na lang ang oras ko sa inyo nang sa ganun ay kahit papano makalimutan ko ang nangyari sa akin

Alexaganda: Na-realize ko kasi na mas importante pa rin ang friendship kesa sa pagkikipag-relasyon sa iba :)

Alexaganda: Kaya sana ganun din kayo Jen, Cynthia

Alexaganda: Hangga't kaya pang ayusin, ayusin niyo na habang hindi pa lumalaki ang lamat sa pagkakaibigan ninyo

Alexaganda: Matagal na tayong magkakaibigan at marami na tayong napagdaanan

Alexaganda: 'Wag niyong hayaang lalaki lang ang makakasira ng tuluyan sa matagal nating pagsasama

Alexaganda: Sana nage-gets niyo ang pinupunto ko :')

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon