77

27 9 0
                                    

Tahimik akong pumasok ng bahay namin, nakayuko at nasa malayo ang isip. Ngunit nagulat na lamang ako nang bigla akong salubungin ng kung sino. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin doon at ay nagitla sa aking nakita.

"R-Rome..." Mahina kong wika.

Diretso lang siyang nakatingin sa akin, wala akong anumang emosyong nakikita sa mukha niya. Plain at blangko lang ang kanyang mukha. Anong ginagawa niya rito? Alam niya bang dadating ako?

"Bumalik ka na pala." Rinig kong sambit niya.

Umiwas lang ako ng tingin at hindi siya pinansin pa. Nagtuloy lamang ako sa paglalakad ngunit agad din akong napatigil at manigas sa kinatatayuan ko nang yakapin ako ni Rome mula sa aking likuran.

"Cynthia..." Rinig kong sambit niya sa aking tenga. "Na-miss kita." Simpleng salita, yes. Pero grabe ang lakas ng epekto sa akin. Ganito ang epekto ni Rome sa akin.

"Austin—" Napatingin ako doon at nakita si Jennifer na gulat na nakatingin sa akin—sa amin ni Rome, lalo pa't nasa ganito kaming posisyon.

Kaagad akong lumayo kay Rome at tumikhim. "J-Jennifer." Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Pakiramdam ko... pakiramdam ko ang laki ng nagawa kong kasalanan sa kanya.

"Dumating ka na pala, Cynthia." Bakas sa boses nito ang lamig. Tipid niya 'kong binigyan ng ngiti at saka tumalikod sa amin, "Hinahanap ka na nila Alexa sa loob, pumasok na lang kayo kapag tapos na kayo diyan." Iyon ang huli niyang sinabi bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay namin.

Nagkatinginan kami saglit ni Rome at ako na ang unang pumutol sa doon. Akmang maglalakad na sana ako papasok nang maramdaman kong hawakan ako ni Rome sa pulsuhan ko. Napatigil ako ngunit hindi ko siya nilingon.

"Aamin na 'ko sa kanya, Cynthia. Aaminin ko na ang totoo kay Jennifer para sa ganun ay hindi na siya umasa. Sasabihin ko sa kanya na ikaw pa rin ang mahal ko—" Kaagad ko siyang pinutol at malamig na tiningnan.

"Hindi mo na kailangan gawin 'yan, Rome. Kahit sabihin mo sa kanya ang totoo, wala ring saysay 'yon dahil hindi na kita babalikan pa." Sambit ko at napakurap siya, hindi makapagsalita. "Kaya kung ako sayo, Rome? Kalimutan mo na 'ko at hayaan si Jennifer na mahalin ka hanggang sa matutunan mo rin siyang mahalin." Matapos kong sabihin iyon ay muli sana akong maglalakad nang mapatigil ako sa tanong niya.

"H-Hindi mo na ba 'ko m-mahal?"

Huminga ako ng malalim at saka siya sinagot, "Hindi na." Sambit ko at tuluyang pumasok sa loob, iniwan si Rome mag-isa sa may labas.

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon