72

27 9 0
                                    

Lucas Mercant

Lucas: Oy! Ang boring naman!

Cynthia: Pinagsasabe mo?

Cynthia: Kung boring ka na, kumuha na lang ng mga pagkain diyan at umuwi na kayo

Cynthia: Naiinis pa rin ako sayo kasi hindi mo sinabi na si Rome pala ang isasama mo!

Cynthia: Alam mo naman ang nakaraan namin, Lucas di'ba?

Cynthia: Saksi ka doon.

Lucas: Sorna, gusto ko lang naman magka-ayos kayo ngayong new year

Lucas: Cynthia mahal ka pa rin ni Austin at pinagsisisihan niya na ang nagawa niya sayo

Lucas: Nung nawala ka sa kaniya nagpabugbog pa 'yon sa akin dahil hindi niya daw matanggap na nauwi kayong dalawa sa ganun. Napakatanga niya daw dahil niloko ka pa niya

Lucas: Kaya sana bigyan mo naman ng chance si Austin, Cynthia. Bigyan mo siya ulit ng chance para patunayan ang sarili niya sayo

Cynthia: Lucas

Cynthia: Pwede bang 'wag na natin 'to pag-usapan? At please lang, 'wag na 'wag mong sasabihin sa mga kaibigan ko, specially Jennifer ang about sa amin ng kaibigan mo

Cynthia: Ayokong masaktan si Jen

Cynthia: Isa pa, nakapagdesisyon na rin ako

Cynthia: Desidido na akong hindi balikan si Rome

Cynthia: After ng new year balak kong magpakalayo-layo muna, gusto kong makalimot. Gusto kong makalimutan si Rome

Cynthia: Nang sa ganun ay hindi na masaktan si Jennifer at kalimutan na din ako ni Rome

Cynthia: Nang sa ganun ay matutunang mahalin ni Rome si Jennifer habang wala ako at kinakalimutan siya

Cynthia: Para sa pagbabalik ko? Walang masasaktan :)

Lucas: Cynthia...

Lucas: Final na ba 'yan? Sure ka na? Hindi na magbabago ang desisyon mo?

Cynthia: Yes, final decision ko na 'to at wala ng makakapagpabago ng desisyon ko

Lucas: Sino kasama mong lalayo?

Cynthia: Ako lang

Lucas: Gusto mo ba talagang kalimutan si Austin at mawala ang pagmamahal mo sa kanya?

Cynthia: Oo, gustong-gusto ko Lucas

Lucas: Kung ganun sasama ako sayo, Cynthia

Lucas: Tutulungan kitang makalimutan siya

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon