52

31 9 0
                                    

Mabilis lumipas ang oras at 6 pm na. Hindi pa rin ako nakakaalis ng bahay namin, pinanghihinaan kasi ako ng loob. Pakiramdam ko hindi ko kayang harapin siya, lalo pa't dalawa lang kaming maghaharap mamaya.

Nung sa bookstore nga halos maging jelly ace na ang tuhod ko at mag tila karerahan ng mga kabayo ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito nung magkita kaming dalawa at magharap kaya hindi imposibleng muli iyong maulit mamaya.

Napabuntong hininga ako ng malakas at saka tumayo. Kailangan ko 'tong panindigan. Kung anong sinabi ko, ginagawa ko. Hindi ako pwedeng umatras dito. Kailangan kong patunayan sa kaniya na wala na akong nararamdaman para sa kaniya.

Tama, haharapin ko siya at bahala na si batman kung anong kahihinatnan ko mamaya sa harapan niya.

Hindi rin nagtagal ang byahe, nakarating din agad ako sa lugar kung saan kami magkikitang dalawa. Nasa malayo pa lang ako ay naaninag ko na agad siya. Nakaharap siya sa akin at diretsong nakatingin. Pasimple lang akong umiwas ng tingin at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kanya ay nararamdaman ko na agad ang kabang bumabalot sa aking dibdib, bumibilis na ang tibok ng puso ko habang papalapit ako nang papalapit sa kinaroroonan ni Rome ngayon.

Nang tuluyan akong makalapit sa kaniya ay muli akong bumuntong hininga at lakas loob siyang hinarap. "Ano bang gusto mong pag-usapan natin?" Malamig kong tanong sa kaniya.

Kahit napakabilis na ng tibok ng puso ko ay pinipilit ko pa ring lakasan ang loob ko, pinipilit kong ipakita sa kaniya na hindi ako naapektuhan sa presensya niya, pinapakita ko sa kaniya na nagkakamali siya, na kayang-kaya ko siyang titigan ng diretso sa mata nang walang kahit na anong emosyon, na para bang wala lang siya para sa akin.

Binigyan niya 'ko ng ngiti, "Ayoko na magpaligoy-ligoy pa, Cynthia. Madami akong gustong sabihin sa'yo pero gusto kong simulan sa salitang..." Mas lalo pa siyang ngumiti at lumapit sa akin. "Na-miss kita. Na-miss kita Cynthia, sobra."

Hindi ako umimik, hindi rin ako nagpakita ng kahit na anong reaksyon ukol sa kaniyang sinabi. Nanatili lamang akong plain na nakatingin at nakikinig sa sinasabi niya.

"Alam kong hindi na mababago ang nangyari kahit mag-sorry ako, pero Cynthia... kahit ilang sorry pa 'yan, handa akong sabihin mapatawad mo lang ako. I'm really really sorry, Cynthia. I was too stupid to hurt you, aminado ako doon at pinagsisisihan ko 'yon. Hindi dapat kita niloko—"

"Buti alam mo." Natigil siya sa pagsasalita nang magsalita ako. "Alam mo Rome? Sa sinasabi mong 'to binabalikan mo lang ang nakaraan, mas lalo lang akong nagagalit sa'yo dahil sa pagpapaalalang ginagawa mo. Wala ka naman magandang sinabi eh, puro sorry at nakaraan lang ang narinig ko. Kung gusto mo talagang mapatawad kita, 'wag mo na 'kong guluhin at lapitan pa. Layuan mo na 'ko Rome, please lang." Lintanya ko.

Pansin kong natigilan siya sa mga sinabi ko. Agad akong nag-iwas ng tingin nang makita sa mga mata niya ang sakit. I bit my lower lip para pigilan ang sarili. Huminga akong malalim at itinuon ang atensyon sa iba.

"Wala na bang ibang choice? Wala na bang ibang paraan para lang mapatawad mo 'ko nang hindi kita nilalayuan? Kasi Cynthia, shit lang. Kung akala mo hindi ako nasasaktan dahil sa nagawa ko sa'yo pwes aaminin ko, aaminin kong sobra na 'kong nasasaktan sa pangtataboy mo sa akin, ang gusto ko lang naman..."

Muli ko siyang hinarap, "Anong gusto mo? Diretsuhin mo na 'ko, Rome nang makaalis na 'ko dito." Kalmadong sambit ko.

Nakasalukuyan siyang nakayuko, unti na lang at mapapaupo na siya habang ako ay nanatili sa pwesto ko't nakatayo.

Dahan-dahan niyang inangat ang ulo sa akin, diretso niya 'kong tinitigan sa mata. Pakiramdam ko tuloy ay anumang oras pwede na 'kong malunod sa lalim ng pagkakatitig niya sa akin.

Naglakad siya papalapit sa akin at wala akong anumang ginawa. Hindi ako umatras, nanatili lang ako kung nasaan ako nakatayo kahit gustong-gusto ko nang lumayo.

Mas lalo akong naestatwa nang bigla na lamang niya akong yakapin at bumulong sa aking tainga, "Ang gusto ko? Gusto ko lang naman mapatawad mo 'ko at... bumalik ka na sa buhay ko, bumalik ka na sa akin, Cynthia. Bumalik na tayo sa dating tayo..."

Nang dahil sa sinabi niya ay hindi ko na namalayang naitulak ko na pala siya. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon, ang akala ko... ang akala ko hindi niya na 'ko mahal...

Napailing-iling ako, hindi, mali ang iniisip mo Cynthia. Hindi ka niya na mahal, kasi kung mahal ka niya hindi niya magagawang lokohin ka.

Hindi na 'ko nagsalita pa, pakiramdam ko kasi ay nawalan na 'ko ng dila hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili ko na tumatakbo palayo sa kaniya.

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon