34

32 8 0
                                    

Tahimik lang akong naglalakad, malalim ang iniisip. Nakakailang buntong hininga na rin ang pinakawalan ko mula kanina.

Tama ang naisip mong paraan para makalimot, Cynthia. Tama 'yon.

Totoong selfish ako pagdating sa mga taong mahal ko at sa tingin ko hindi iyon alam ng mga kaibigan ko. Ganito lang ako pero may pangit din akong ugali at iyon ang pagiging makasarili.

I am Cynthia Sebastian, illegitimate child, yes. Napagkaitan ng pagmamahal ng magulang dahil lagi silang nasa legal na pamilya nila. Kaya hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung nagiging selfish ako pagdating sa mga mahal ko.

Ayoko ng may kahati. Ayoko na.

Kaya ngayong nangunguna ang galit ko para kay Rome, magmo-move on na 'ko nang sa ganun ay hindi masira ang pagkakaibigan namin ni Jennifer at maging masaya silang dalawa ni Rome nang hindi na 'ko nasasaktan.

Napatigil ako sa paglalakad nang bigla akong mabunggo sa isang matigas na pader, dali-dali akong nag-angat ng tingin at doon ko nakitang hindi pala pader ang nabunggo ko kundi tao!

"Ay hala sorry po, sorry." Paghingi ko ng tawad sa nabunggo ko, nalaglag kasi ang mga dala nito kaya busy siya sa pagpupulot.

Nang matapos siya sa pagpupulot ay inangat niya ang tingin sa akin. Nang magtama ang mga mata namin ay literal na nanlaki ang mga mata naming dalawa.

"Lucas!? / Cynthia!?" Sabay naming bulaslas at tinuro ang isa't-isa.

Ang gulat sa mukha ni Lucas ay napalitan ng pagkamangha, "Whoa! Hindi ko ineexpect na magkikita tayo ulit after ng... you know hehe." Napakamot siya sa kaniyang ulo.

"Ah eh, oo nga eh."

He's Lucas, he's a good friend. Matalik na kaibigan ni Rome na naging kaibigan ko na rin. Sa isang buwan naming pagsasama ni Rome bilang mag-jowa ay saksi si Lucas doon. May gc kasi kami at madalas siya ang takbuhan namin kapag nagkakatampuhan kami ni Rome, noon.

Nung nangyari na nakita ko sa fb na may kalandiang ibang babae si Rome ay sobra akong nasaktan at nagalit, sinubukan kaming pag-ayusin ni Lucas pero hindi umepekto dahil natatabunan ng galit at sakit ang puso ko hanggang sa nagkahiwalay na nga kami ni Rome.

"Kumusta ka naman, Cynthia?" Tanong niya sa akin. Sabay kaming naglalakad ngayon dahil sabi niya iisa lang naman daw ang pupuntahan namin.

Tipid akong ngumiti, "Okay lang naman ako. Eh ikaw ba? Wala ka nang paramdam ha!" Mahina ko siyang hinampas sa balikat.

Natawa naman siya, "Naging busy lang ako kaya nakalimutan na kitang kamustahin, pero ngayong nagkita na ulit tayo gusto ko kumain tayo! Hindi ka pwedeng tumanggi kasi ang tumanggi may tae sa pwet!" Napahalakhak siya sa kaniyang sinabi.

Napailing-iling na lamang ako. Wala paring nagbago kay Lucas, mapa-chat o personal man ang hyper at kulit niya talaga.

"Oo na, wala naman akong choice eh." Maging ako ay natawa.

Gumuhit ang ngiti sa labi niya at saka ako mahinang kinurot sa ilong. "Malakas pa rin ako sayo, naks!"

Tinapik ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin, "Aray! Masakit ha!" Biro ko at hinimas-himas ang ilong kong pinisil niya.

"Sus, ang hina lang nun 'no!" Sambit niya sabay gulo sa buhok ko.

Napanguso tuloy ako, "Umayos ka nga, Lucas! Ipirmi mo 'yang kamay mo!" Saway ko sa kanya.

Pero ang loko ay tinawanan lang ako at saka umakbay sa akin, "Halika na nga, baka mamaya umiyak ka eh hahahaha!"

Mas lalo lang akong napanguso. Aish, bully ka pa rin Lucas Mercantile—ay Mercant lang pala hshshs.

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon