22

30 8 1
                                    

"Jusmiyo, ba't ba ang tagal niyo?"

'Yan ang bumungad sa amin ni Jennifer nang makarating na kaming tuluyan sa tapat ng simbahan. Nakakunot ang mga noo nila Alexa at Martina habang nakapamewang na nakatingin sa amin.

Napakamot ako sa aking ulo, "Aba sorry naman, kasalanan ko bang matagal akong maligo?"

Napatango-tango naman si Jennifer, "Ako may inasikaso pa bago umalis so... yeah, I'm late." Sambit niya at saka natawa.

"Nako, kung wala lang tayo sa simbahan kanina ko pa kayo binato ng sandals ko." Kunot-noong wika ni Alexa na hawak-hawak ngayon ang kanyang paa.

"Indai! Sino ba naman kasing nagsabi sa'yong mag-heels ha? Isa ka ring gaga eh!" Natatawa kong ani.

Napa- 'shh' naman si Alexa sabay tingin sa simbahan, "Bawal magmura! Nasa harap tayo ng bahay ni Lord God." Saway niya na animo'y inosente at hindi marunong magmura.

Napailing-iling na lang si Martina at Jennifer, "Tara na nga, malapit na mag-alas tres! Sabi ko kay mom, mga 7 pm naka-uwi na 'ko." Wika ni Martina.

Napatango naman kami at saka magsisimula na sanang maglakad papunta sa sakayan palabas nang may humarang sa aming dadaanan.

"Pwede akong sumama?"

Nagulat ako sa aking nakita, pansin kong pati ang mga kaibigan ko ay nagulat din. Napatingin sa akin si Alexa pero umiwas lang ako ng tingin.

"A-Austin? Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong ni Jennifer dito.

Tama, si Austin Rome Mendez lang naman ang bigla-biglang nanghaharang sa amin para lang sabihin na gusto niyang sumama. At bakit naman kaya? Tsk.

Napangiti siya at pasimpleng napatingin sa akin, ibinaling ko naman ang tingin sa iba para lang hindi magtama ang tingin naming dalawa.

"Uhh... sasama lang ako, at saka nasabi mo pupunta din kayong SM di'ba? May bibilhin din kasi ako doon, baka pwede akong sumama since iisa lang naman ang pupuntahan natin." Rinig kong aniya.

"Ay kaso Austin... mamaya-maya pa kami pupunta ng SM eh, may pupuntahan pa kami bago pumunta sa SM." Ani naman ni Alexa.

Napatango si Martina, "Oo nga, Austin."

"Ganun ba?" Napatango-tango siya. "Okay lang! Hihintayin ko na lang kayo para sabay-sabay tayong pumunta ng SM."

Nagkatinginan kaming apat sa sinabi ni Rome, bakas sa aming mga mukha ang pagkalito at pagtataka. Pero si Martina ay napatingin kay Jennifer saka ngumisi, napakunot naman ang noo ni Jen.

Hinarap ni Martina si Rome, "Kung gusto mo talaga sumama... then okay! Pwede ka ng sumama sa amin." Nakangising pagpayag ni Martina.

"Talaga? Salamat." Nasabi na lang nito saka dali-daling pumunta sa may pwesto ko. Akala ko sa akin siya tatabi pero tumabi siya kay Jennifer na ngayon ay hindi na maitsura ang mukha.

Akmang mang-aasar pa sana si Martina nang hilain na siya ni Alexa at takpan ang bibig nito. Hindi ko tuloy maiwasang matawa ng mahina, ngunit sa t'wing mapapadpad ang tingin ko kila Jennifer ay pakiramdam ko nawawalan ako ng gana.

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon