23

30 8 1
                                    

Alexa Guivarra

Alexa Guivarra went online.

Alexa: Oy? Ayos ka lang, Cynthia?

Alexa: Kanina ka pa walang imik, okay ka lang ba?

Alexa: Ang ewan ko sa tanong ko kahit halata namang hindi ka talaga okay, hayyy.

Alexa: Okay lang 'yan Cynthia. Wala eh, ganyan ang sitwasyon niyo. Ang kailangan mo lang gawin ay labanan at tapusin 'yon.

Cynthia: Pero paano? Paano ko lalabanan at tatapusin ang sitwasyong kinakaharap ko ngayon?

Cynthia: Magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay lang ako dahil ang totoo ay hindi.

Cynthia: Hindi ako okay, lex. Hindi talaga.

Cynthia: Sa t'wing nakikita ko silang dalawa ni Jen na magkasama hindi maiwasang manikip ng dibdib ko kasi masakit eh. Ang sakit.

Cynthia: Ang sakit makita harap-harapan na yung lalaking minahal ko noon, magpahanggang ngayon ay masaya na hindi sa piling ko... kundi sa piling na ng kaibigan ko.

Alexa: Sige lang, ilabas mo lang 'yan.

Cynthia: I really hate him, lex. I hate Rome!

Cynthia: But I love him too.

Cynthia: I hate him, I love him. Wth hahahaha

Alexa: Cynthia...

Alexa: Nakikita mo naman siguro kung gaano na ka-close sina Austin at Jen di'ba?

Cynthia: Oo

Alexa: Natatakot ako sa posibleng mangyari, Cynthia. Paano kung dumating ang time na hindi na lang paghanga ang maramdaman ni Jen kay Austin?

Alexa: Paano kung tulad mo... mahalin niya rin si Austin?

Alexa: Then mahal mo din siya. Ano na lang ang mangyayari sa inyong dalawa, Cynthia?

Alexa: Sinong mas mahalaga?

Alexa: Ang kasiyahan ng kaibigan mo, o ang pansariling kasiyahan mo?

Alexa: Kayanin mo kaya pagdumating ang time na mawala si Austin sayo at mapunta siya sa iba?

Alexa: Mapunta siya kay Jennifer? Kakayanin mo kaya?

Cynthia: Lex...

Cynthia is typing...

Cynthia Sebastian went offline.

Alexa: Haist :')

Kakayanin Kaya [TMAU Series #2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon