"Mission accomplished."
"As expected from you, Sun."
Of course. In every game, I don't consider losing an option. It's either I win or they lose, nothing in between. I'll make sure that I will always win, I won't fall.
-
Nakangiti at taas noo akong pumasok ng HQ. Siguradong alam na nilang successful nanaman ang mission namin kagabi.
"Congrats, Agent Sun!"
"Galing mo talaga, Sun!"
"Painom ka naman!"
"Mas magaling ka talaga sa kapatid - "
Agad nag-init ang ulo ko nang marinig ang sinabi ng isang pabidang lagi namang palpak.
Wala akong segundong pinalipas, agad kong itinutok sa pabidang nasa harap ang bagay na makapagpapatahimik sa kanya. Dahil kung hindi, siguradong dadanak ang dugo at may sasabog na bungo.
"Alam mo. Pabida ka masyado eh. Baka gusto mong ako ang tuluyang maglubog sayo? Dito mismo sa kinatatayuan mo."
Hindi siya sumagot at mahahalata mong nagsisimula na siyang matakot. She should be. Alam niyang kapag mainit ang ulo ko, hindi ko alam ang salitang biro.
"Agent Sun."
Natigil ako sa paglalaro ng baril nang marinig ang boses na yon. Si Chief Rouge. This pabida is safe, atleast for now.
"Ligtas ka ngayon. Pero sa susunod na mangyari pa to, sa lupa ka babagsak at hinding-hindi ka na makakatayo pa. Hmmm?" Bulong ko sa kanya at iniwan siyang maluha-luha.
Tsk. Puro lang naman pala satsat. Pabida pero kapag pinakitaan mo na nang baril, nagiging paawa.
"Agent Sun."
"Oh?"
"Nahihilo na ko sa kakalakad mo. Maupo ka nga!"
Ako din naman, kanina pa nahihilo. Simula kasi nung pinapunta niya ako dito sa opisina niya ay hindi na ko mapakali. Bibigyan niya daw ako ng bagong misyon, sobrang importanteng misyon.
"Eh kasi naman, Chief! Pakaba ka eh. Ano ba kasing misyon?"
Nakaupo na ko pero hindi parin mapakali. Kinakabahan talaga ako at hindi ko alam kung bakit.
"Iba yata ang buhol ng bituka mo ngayon kaya ka kinakabahan?"
Napangiwi ako sa sinabi niya. Bakit kami napunta sa usapang siyensa? Ano siya, doktor?
"Seryoso ako, Chief. Pakaba ka talaga. Spill the tea na kasi."
"You heard that lately, there have been continuous act of larceny. It was done by the so called 'the untouchable thief'." Seryosong saad niya.
"Yes, Chief. What about it?"
Does he want me to catch the thief? Do what? Also, since when did we decide to catch some petty thief?
"We got a tip about the thieve's identity."
So he want me to do what? This suspense is irritating me.
"We want you to cooperate with him. The two of you, in a mission."
What? Did I hear things right? Kailan pa kami nakipagteam up sa isang magnanakaw? Mamaya trap pala to. It's a no.
"What the hell? It's a no. C'mon, Chief. Give me a better work to do and that's totally an absurd idea. Sinong magnanakaw ang makikipagkasundo sa isang ahensiya ng gobyerno? Trap to, Chief." Pailing-iling pang sabi ko.
Though were not really allies with the government. We just do jobs for them and they pay us a large sum of money.
"Then let's make that thief fall in his own trap." Confident siya at yun ang mas lalong nagpapakaba sa akin. Siguradong may kakaibang ideya nanaman ang dumadaloy sa utak nito.
"Isa pa, Chief. Gaano naman karami at kasigurado yang mga nakalap niyong impormasyon para magmukha kang sobrang confident?"
"Sapat lang para mapalapit ka sa kanya."
Ha?!
"Chief. Hindi boyfriend ang hanap ko! Isa pa uli. Kung sapat lang yun para mapalapit ako. Anong gagawin ko para madikit sa kanya?" Badtrip, ang panget ng term.
"We want you to dig deeper, know his crimes and use it to blackmail him. If this will be a success, your brother's death will be your next mission."
Nawala lahat ng kaba at sandaling na blangko ang isip ko. If my brother's death is on the line. Then, I will surely go through holes to make sure that this will be a success.
No matter what it takes.
I was about to go out nang magsalita nanaman siya.
"Alvarez."
Minsan niya lang ako tawaging Alvarez lalo na kapag nasa HQ dahil kapag ginawa niya yon, dapat na kong kabahan. It's either may hindi siya nagustuhan sa ginawa ko o babalaan niya ko tungkol sa isang tao, which is dalawang beses pa lang nangyari.
"Before you proceed on your mission. I want you to be careful. This thief could be your downfall. Remember my warning, Alvarez."
Napangiwi ako sa sinabi niya, mas malala to sa mga nakaraang pagbabanta niya. Parang hindi ako yung agent niyang ilang taon nang namamayagpag.
But he shouldn't be worried. I'll make sure that every card I could get will be their downfall, not mine.
-
It was past midnight when I recieve an email containing the gathered info about that so called 'untouchable thief'. May kasama na ding instructions sa kung anong hakbang ang dapat kong gawin.
Name: Augustus Mendoza
Year: Incoming 2nd year college student
Course: Information Technology
Birthday: September 14
Status: SingleWhat?! Eto lang ang impormasyon na meron kami? Anong maitutulong nito sa pagblablackmail sa magnanakaw na yon?!
Well, may maitutulong ang pangalan niya lalo na yung year at course dahil pwede akong magmanman sa kung saan man siya nag-aaral. Pero yung birthday?! Pati yung status?! Aanhin ko yun? Makikibirthday ako?! Jojowain ko siya kasi parehas naman kaming single?! Ha?!
"Once you knew where he is studying, you will study there. Then, be friends with him and make sure that he'll fall for you in no time. Being 'madikit' you would be able to know his deepest secrets. That's the cue where you'll do the blackmailing."
Agad na nag-init ang ulo ko sa nabasa. Sabi na eh, may kakaibang ideya nanaman ang dumadaloy sa isip ni Chief. Hatdog ka, Chief!
Isasara ko na sana nang mapansin kong meron pang nakasulat sa dulo. Ano ba yan, dami pang pasegway irereto lang pala ako.
"Ps. This is the safest route we could take. So if ever things go wrong, you could back out immediately. Don't go against the way."
Safest route? Hmmm.
Don't go against the way? Hmmm.
We'll see, Chief Rouge. We'll see.

YOU ARE READING
Steal
AksiI'm a secret agent. He's a thief. One item. One mission. Together, as a team. We steal. - Photo used in the cover is not mine. Credits to the rightful owner. -