Chapter 5

8 4 1
                                    

Hindi naman ako masyadong nainip dahil ilang minuto lang pagkatapos sabihin nung mayordoma nila ay dumating na si Gino. All smiles habang may bitbit na tatlong supot ng fresh strawberries. Tatlong malalaking lalagyanan ng strawberry jam at limang peanut brittle. Iba din, all in kung all in kung mag pasalubong. Para tuloy gusto ko nang kabahan sa kung anong hihilinging kapalit nitong batang to.

"Babeee! Strawberries! Your favorites." Yes, nakikita ko. I have eyes.

"Oh, anong kailangan mo?" Naiintriga na ako, sa dami ng pasalubong niya, siguradong mahalaga ang papagawa niya.

"Aww. You know me talaga, babe. Well, may papashoot to kill ako."

Saglit na nagloading sa utak ko yung sinabi niya. Mukhang kailangan na siyang maiadmit sa mental, sobrang lala na nya. Mahirap na, baka bigla na lang to magwala.

"Okay. I'm out. Kaya kong bumili ng sarili kong strawberries." Akma na akong tatayo nang bigla niyang ibato sa direksyon ko ang isang maliit na kahon. Thanks to my fast reflexes, nasalo ko ang kahong mukhang napaglipasan na ng panahon sa sobrang luma. Ano to? Engagement ring?

"Ano to? Engagement ring?" Natatawang tanong ko. Iba yata ang ihip ng hangin.

"In your dreams, babalikan ko pa yung ex ko. Buksan mo kaya, wag kang manghula."

Natigil ako sa nakita pagbukas, nagbibiro lang ako.

It was a ring.

"A promise ring." I looked up when I heard what he said.

Alam ko na kung para kanino nanaman to.

"Look, I dont want to hurt you pero magpakatotoo na tayo. Wala na kayo. It's been months already at may bago nang nanliligaw kay Arñia at mukhang nagkakamabutihan na sila. So what's the point? Para saan pa tong mga to? I know it's hard but, move on. You need to move on, Gino."

Yes, we don' t call each other as friends, hindi din magkaaway but we always have each other when we're at lowest. It's just that, ang awkward kapag sinabing magkaibigan kami knowing the past 'landian' we had.

"I know, wala na kami at malabong maging kami uli pero kasi, gusto ko parin siya. Tsaka, malay mo, may chance pa. Na baka, maayos ko pa kung anong nasira. Ayoko magmove on. Ayoko, Shine. Dito lang ako, mananatili sa kung nasan ako ngayon. Mamahalin ko siya."

Napabuntong hininga na lang ako at nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam ang sasabihin. Alam ko, wala ako sa posisyong sabihan siya na magmove on, feelings niya yon. Pero ako yung nahihirapan para sa kanya, tuwing may okasyon at monthsary dapat nila, nagbibigay siya ng bulaklak at mga regalo na pinapadaan niya sa akin. Tinatanggap ni Arñia pero hindi ko alam kung pagkaalis ko ay itatapon din niya. Ang hirap ng ganito, naiipit ako, kaibigan ko at kakilala.

"Sige. Ikaw bahala." Pilit ang ngiting sagot ko. "Pero sa susunod, ikaw na ang magbigay nang mga to. Para naman alam niyang pinipilit mong ayusin kung anong nasira." Dagdag ko pa.

"Salamat."

Pagkatapos niyang iabot sa akin yung mga pasalubong ay dumiretso na siya sa taas.

Napabuntong hininga na lang ako at saglit na tumitig sa ceiling. Bahagya kong hinilot ang sintido. Nakakastress ang nga ganap. Sana lang, wala ng dumagdag pa.

-

Hindi ko alam kung anong kailangan ng isang IT Student. Dahil kung talino at skills lang naman ang usapan, wala na kong problema. That will be a piece of cake. Speaking of cake, naalala ko nanaman ang magkapatid na Mendoza. Ang sakit sa ulong, misteryosong mga Mendoza.

Ilang minuto pa akong nag-ikot at tamang kuha lang ng ilang pen, pencil, notebook, at mga kung ano-anong klase ng papel. Para lang may mailagay ako sa bag.

Pupunta ako mamaya sa convenience store na pinagtambayan ko kahapon. Baka sakaling nandun uli yung Cresha.

Shoot. Yung nga wanted posters nga pala ni Augustus. Kailangan nang maitapon dahil wala na yung saysay. Baka magduda lang siya kapag may nakitang poster. Tsaka, siguradong galit parin sa akin si Chief. Una, hindi ko sinunod yung plano. Pangalawa, hindi ko sinunod yung bilin niya. Pangatlo, kumikilos ako ng hindi nagrereport. Pang-apat, yung ano, wala na pala.

"Miss? Kukunin mo ba yan o lulukutin mo hanggang sa mawala yang kunot sa noo mo?" Inis na tanong sa akin ng kung sino man.

Napadilat ako at napatitig sa tinutukoy nitong katabi ko. Periodic Table of Elements yung hawak ko at sobrang lukot na nga pero hindi kasing lukot nung poster na hawak ni Chief kahapon.

"Ah, sorry. Kukunin ko na to."

Hindi pa rin nawala yung pagkakasalubong ng kilay nung staff. Nabadtrip yata sa ginawa ko. Ang taray ha, eh sa hindi ko nga napansing napanggigilan ko. Anong magagawa ko? Badtrip ha.

Pagkabayad ko sa lahat ng pinamili ay napansin ko na ang sama parin ng tingin nung lalaking staff. Hello? Hindi makamove on!?

Sinabayan ko na lang ang masama niyang titig tsaka mataray na rumampa palabas. Ganyan, dapat kung mataray ang kalaban, kalabanin. Kung mukhang mabait ang kalaban, kalabanin parin. Fighting!

Kumain lang ako saglit at nung mag 3 na ay tsaka ako pumunta sa convenience store. Tatambay lang at magmamanman. Hindi na dapat ako magpakampante, mukhang matinik ang isda, I mean, yung kalaban. Wala dapat lulusot sa aking mga keen eyes.

"Miss, gising."

Ha? Sino ka?

"Miss? Wag ka dito matulog."

Ano? Sinong tulog?

"Lasing ka ba? Naririnig mo ba ko?"

Hindi bro. Loud and clear.

"Missss!"

"Oh pandesal!" Gulat akong naptayo dahil sa biglang sumigaw sa mismong tenga ko. Aba, sino yon? Naghahamon ba ng away?

"Umuwi ka na. Huwag kang tumambay dito, delikado." Salubong ang kilay na sabi nung cashier tsaka nilayasan ako at bumalik dun sa counter.

Aba, anong ginawa ko dun? Pangalawa na siya sa mga nagalit sakin ngayon. Wala naman akong ginagawa ah, natutulog lang ako. Natutulog. Tulog. Natulog. Shit! Nakatulog ako! Anong oras na!? Ganon na lang ang panlulumo ko nang makitang past 5 o'clock na. Kaya siguro nagalit sa akin yung cashier, curfew na, pero legal age na ko.

Bagsak parin ang balikat na nagtungo ako sa kotse. Keen eyes, huh? Antok eyes dapat. Badtrip, sa sobrang pagkabored at pagkaantok ay hindi ko namalayang nakatulog ako. Grabe, nalulutang na talaga ako. Naluto nga yata yung utak ko kahapon. Kailangan ko muna ng break, pahinga muna sa work. Tambay muna sa bahay.

Pagkarating sa bahay ay agad akong sumalampak sa sofa at nagplay ng movies. This is life, chill lang. Sa kalgitnaan ng aking pagchichill ay ilang malalakas na katok ang gumambala sa akin. Kapag ito hindi importante, magpapasabog ako ng bungo.

"SHINE GLEA TARANZA ALVAREZ! LUMABAS KA NG LUNGA MO! MAY KAILANGAN TAYONG PAG-USAPAN!"

Uh. Oh. I smell trouble. A very unoleasant trouble. Wish me luck.

-

Next update: 8/25/20

A/N: Expect 2 new chapters for Steal and Dito lang. Thank you ♥

StealWhere stories live. Discover now