Chapter 2

11 5 2
                                    

What way you'll take won't really matter in the end. So, I decided to take a little 'segway' and some 'detour'. Safest route are always boring so dun ako sa merong 'fun'. I'm sorry, Chief. Basta magtiwala ka na lang sa agent mong ilang taon nang namamayagpag. I'll make sure that he'll fall.

Last day na nang enrollment kaya maraming students dito sa loob ng campus. I wonder if isa siya sa nga nandito. Wala man lang kasing picture na sinend. I wonder if he's gwapo tuloy. Jowa material kaya? Oh. Wait. Kagabi lang I hate the plan tapos ngayon I'm wondering if he's 'jowa material'? Tama yata si Chief, iba na ang buhol ng bituka ko.

Malapit na ako sa registrar nang marinig ang bagay na pinakaayaw ko. Ang mga 'feeling magandang maarte lang naman na queen bee'. Nakakairita, pinaarte lang ang tawag, chismosa lang naman.

"Gosh. Have you heard? Augustus Mendoza is a thief!" Kuda ni babaeng mukhang chismosa sa kanto.

Augustus Mendoza?! Thief?! What the hell? Kalat na rin dito? So that's legit.

"What? Crush ko pa man din siya." Kuda ni baklang mas maganda pa kay chismosa sa kanto.

"Bakla ka. Ibig kong sabihin. Magnanakaw siya, magnanakaw ng halik!" Si chismosa sa kanto uli.

Ha?! Hatdog ka babaeng chismosa sa kanto! Muntik ko pang tanungin kung saan at paano niya nalaman. Fake news naman pala.

Sa inis ay tinitigan ko ng masama yung chismosa at padabog na nilayasan. Bahala siyang mag-isip kung bakit ako nagalit.

-

"Thank you, Miss Alvarez. Welcome to Marquez University! Study well!"

Study well? Si Augustus Mendoza ang hanap ko, hindi bagong kaalaman.

"Thank you, Miss Paliana Serano."

Nice name. Paliana, parang planggana. Oh, sounds almost exact. Mukha rin siyang planggana, malapad. O my, so funny. But I'm still naiinis. I should find where that Augustus is, as soon as possible.

First step, check. Now, all I need is to have a copy of the names to make sure na kaklase ko si August. Then, I could almost relax. Next week, I'll start conducting my plan. Not Chief Rouge's plan, though.

Starting from here, things will go according to what I want. Ako lang ang pwedeng magtake ng 'detour'.

-

"Agent Sun!"

Umalingaw-ngaw ang malakas na sigaw ni Chief pagkapasok ko pa lang ng HQ. Mukhang kanina niya pa ako inaabangan dito at halatang naubos ko na ang pasensya niya. Sorry naman, I got lost at the campus eh.

"Hmmm, Chief? Bad mood ka?"

"Oo! Dahil nanaman sayo! Ano to ha? Wanted poster ni Augustus Mendoza? Nag-iisip ka ba? Asan na yung plano? May plano tayo. Yung plano ang sundin mo!" Galit na galit niyang iwinawagayway yung papel sa mukha ko. Ni hindi ko na nga makikilala yung poster sa sobrang lukot. Halatang galit.

Actually, naisip ko na mas mabilis kung si Augustus na mismo ang lalapit sa akin so gamit yung mga informations na hawak namin. Nagpagawa ako ng wanted poster and I came here to pick it up. Malay ko bang nandito si Chief.

"The plan was boring kasi Chief. Kilala mo naman ako - "

"OO! Kilalang-kilala kita at alam kong hindi ka nanaman susunod sa plano! Kaya nandito ako para sabihin sayong, inaalis ko na sayo ang misyong to!"

Anak ng. Ngayon pa? Nakagawa na ako ng mga pekeng certificates, nakapag-enroll na din. Isa pa, paano yung sa kapatid ko? Mababalewala na lang yun? Hindi pwede.

"Sorry pero hindi ako papayag, Chief. Ipagpapatuloy ko ang misyong to. Kung hindi ka papayag, magquiquit na lang ako." Alam kong suicidal to pero mas makakagalaw ako ng mabuti kung walang lilimita sa mga ginagawa ko.

"Ibabasura mo ang ilang taong paghihirap mo para lang dyan sa pride mo? Umayos ka nga!" He stared at me in disbelief. He look like he really wasn't expecting me to say that.

Alam kong alam niya na hindi na lang pride ang nagpapanatili sakin dito.

"Hindi lang dahil sa pride ko, okay!? Nakalimutan mo na ba yung sinabi mo? Yung dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa kinatatayuan ko!? Para malaman ko kung sinong lintik ang may pakana nang pagkamatay ng kapatid ko! Lintik naman oh. Eto lang, Chief. Kahit eto lang, ibalato mo na sa akin to. Sisiguraduhin kong matatapos agad to. Hindi ko hahayaang sa mga oras na to ako babagsak. Hindi pwede."

Pagkatapos ng sigawan namin ay ako na ang unang lumayas. Naghahalo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Galit, lungkot, inis, nakakabaliw.

Oo, alam kong nag-aalala lang siya pero hindi ko naman hahayang ngayon pa matalo. Katotohanan na ang nakataya dito. Ano man ang mangyari, wala na tong atrasan.

Dumaan muna ako sa isang convinience store para magpalipas nang sama ng loob. Hindi maganda ang mga posibleng mangayari kapag galit ako. Paniguradong isang pitik na lang, sasabog ako.

Bumili lang ako ng tatlong bag ng cookies at dalawang pack ng mentos. Hindi ko alam kung bakit pero kumakalma ako pag malamig ang paligid o may kinakain akong malamig. Ganto sana, chill lang. Kastress naman kasi si Chief. Kaya single pa din eh. Stress na stress sa buhay, mukha na tuloy matanda.

"Cresha? Ikaw nga. How have you been?"

"I'm good. Doing well naman po sa studies, Ate."

"That's good to hear. By the way, saan na mag-aaral si August? Balita ko lumipat na siya."

Automatic na naging alerto ang pandinig ko nang marinig ang magic word, 'August'. Alam kong maliit ang chance na si Augustus na hinahanap ko at ang August na hinanap nitong babaeng to ay iisa. Pero hindi ko dapat isantabi ang chance na yon. Malay mo, destiny na pala talaga ang anglalapit sa amin. Now, that's gross, ang cheesy.

"Marquez University na po. He got a scholarship there eh."

Marquez University? Okay, tumaas na ngayon ang chance by 5%. Dali na, mag-usap pa kayo.

"Oh, then I'll see him on Monday. Mauna na ko. Take care, Cresha. Bye."

Teka! Anak ng. Anong bye ka dyan? Badtrip naman oh.

"Bye, Ate Ale! See you po!"

You've gotta be kidding me. Kung kailan hiniling ko silang mag-usap pa, tsaka naman nagpaalam. Hay, buhay, tinapay, isawsaw sa mainit na kape.

StealWhere stories live. Discover now