Chapter 10

4 1 0
                                    

"Ano!? Anong, wala? Ha!? Bakit wala!? Hindi ko maintindihan, bakit?" Naiiling at desperadang tanong ko kay Zenia dahil sa sinabi niya.

Ano to? Joke? Fuck.

"No plans. Wala tayong gagawing hakbang." Mas kalmadong sagot niya.

Napahilot ako sa sintido sa sobrang irita dahil sa narinig. Huh! Wala daw plano. Wala daw kaming dapat gawin tungkol sa nangyari kaninang madaling araw. Wala. Zero. Olats. Uupo lang kami at maghihintay.

"Bakit nga!? Paano natin malalaman kung si Kuya talaga yon o hindi? Paano kung ... kailangan niya pala ng tulong? Paano kung ... " Napatigil ako sa pagsasalita at humugot ng malalim na hininga. Fuck. Hindi ko na alam. Napaparanoid ako. Ayokong mag-isip ng mga possibleng nangyari o mangyayari. Dahil baka bigla na lang ako magwala dito at huntingin kung saan mang lupalop naroon si Kuya ngayon.

Ang misyon. Si Kuya. Lahat na lang. Walang progress.

"So inaasahan mong uupo lang ako dito at magkakape? Kakain ng popcorn sa isang tabi na akala mo naghihintay ng movie? Ano!?" Nanggigigil na tanong ko sa kanila.

Hangga't maari, ayoko sumigaw. Nag-iinit ang ulo ko pero mas hindi kami magkakaintindihan kung paiiralin ko ang galit. Pero tae, hindi ko magawa. Feeling ko, kumukulo ang tubig sa katawan ko. Ang bilis din ng tibok ng puso ko at sobrang higpit ng pagkakatikom ng mga kamao. Makakapagpatahimik ako ng kung sino man sa lagay na to.

"Kalma, babe - "

"Utang na loob, Gino. Huwag mo ngayon sagarin ang pasensya ko dahil siguradong isang pitik na lang, magwawala ako dito. Katahimikan muna." Pilit kong binababaan at pinapakalma ang boses ko. Kalma. Huh! Hinga, self.

"Mamaya na tayo mag-usap." Pagtatapos ko sa usapan at agad na lumayas sa coffee shop.

Hindi ko magawang kumalma. Nanginginig ako sa galit, inis, lungkot, halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makapag-isip ng matino. Kahit paghinga ay feeling ko, sobrang bigat.

-

Isang supot ng strawberry at isang gallon ng strawberry ice cream na ang naubos ko. Medyo kumalma na ko. Medyo nakakapag-isip na din ng mas maayos kaysa kanina.

Alam ko, impulsive yung ginawa ko kanina. Bigla na lang umalis nang hindi sila hinahayaang magpaliwanag. Naunahan lang talaga ako ng galit. Pero ngayon, medyo ayos na at may isang dahilan akong naisip kung bakit gusto ni Zenia na magchill lang kami dyan sa isang tabi. Delikado ang bagay na yon. Kapahamakan ang naghihintay sa amin oras na alamin namin kung anong rason nung nangyari kaninang madaling araw.

Kilala ko si Zenia at Gino. Alam kong hindi nila hahayang may mapahamak sa amin at hindi nila, namin, hahayaang kumilos ang isa sa amin ng mag-isa. Alam ko ding may alam na silang dalawa na hindi nila pinapaalam sa akin kaya ganun na lang ang suggestion nilang gawin. Hindi agent si Gino pero marami siyang alam. Paano niya nalalaman? Hindi kami sigurado pero sigurado kaming kahit madalas siyang may topak, mabuting tao si Gino. Kahit nga ang pagiging agent naming dalawa ni Zenia, alam naming aware siya.

Bumili pa ko ng tatlong gallon ng ice cream. Dalawang strawberry at isang chocolate. Peace offering. I know, may mali ako so I really need to make up.

-

"Kulang yan. Matapos mo kaming layasan kanina? Alam mo bang muntik na akong magtawag ng pulis at ipahanap ka? Ano? Yan lang ang ibibigay mo? Uso manglibre ng dinner uy! Akin na nga yan!" Sabi niya sabay hablot nung plastic na may strawberry ice cream.

Marami pang sinabi, kukunin din pala. Ang arte ha.

"Oo na, sagot ko na dinner. Ano? Sa labas tayo kakain o ikaw na magluluto?"

Nandito ako ngayon sa mansion nila. Dito kasi kami noon madalas tumambay kapag tapos ng klase. Minsan nga, maaabutan mo na lang ang isa sa amin dito na nakatambay at nakikikain. Though, never kaming nakitulog. Remember, ayaw ni Zenia. Huwag na huwag daw kaming aabutan ng pagsikat ng araw dito at hanggang ngayon, hindi pa din namin alam ang dahilan.

"Malamang sa labas na. Napagod na nga ang tao, paglulutuin mo pa. Ang sama mo ha!"

OA naman. Wala pa ngang 2 oras na nagmoment ako.

"Arte mo. Tsaka, huwag ka ngang sumigaw. Katinis ng boses mo, akala mo nasa malayo yung kausap mo." Kaya hindi malayong mabingi ako dito sa taong to.

"Whatevah."

"Teka, nasaan pala si Gino?" Tanong ko nang mapansing kami lang ang nandito kanina pa. Asan yung batang yun?

"Asa bahay nila. Nagtatampo sayo, binara mo kasi kanina. Maghanda ka na ng kotse o isang bungkos ng cash bilang panuyo kung gusto mo talagang magkaayos kayo." Sagot niya na mukhang hindi kapanipaniwala.

Siguradong masaya pa yun kasi nainis nanaman ako. Ang panget ko daw kasi kapag naiinis. Funny. Akala mo naman gwapo.

Pagkatapos namin magdinner sa isang restaurant kasama si Gino ay nagkanya-kanya na kaming uwi. Yes kasama yung bata na pinilit pa namin. Kumain na daw siya, kasama yung pamilya ng ex niya. Oh eh di good mood siya. All smiles at sa sobrang good mood, siya na ang nanlibre. Nakalimutan na nga yata ang nangyari kanina.

Napag-usapan din namin na magfocus muna kami sa mga plano namin, more like sa plano ko tungkol kay Augustus. Alam ni Zenia ang tungkol kay Augustus, hindi ako sigurado kung sinabi ni Chief pero may chance na ganun nga ang nangyari. Si Gino, alam din. Malamang ginamit nanaman ang alas niya, connections. Ewan ko kung hanggang saan ang kayang abutin ng koneksyon but I'm sure of one thing. Gino Gray is not an enemy. That's for sure and nothing could break that belief of mine.

Hindi din namin napag-usapan pa yung tungkol kay Kuya Shiro. Go with the flow na lang ako. I'm sure that there's perfect time for that. Basta sa ngayon, meron kaming alas.

-

Pagkatapos maprint ang latest picture ni Augustus ay agad ko yung idinikit sa ginawa kong profile niya. Lahat ng taong malapit sa kanya ay nakaconnect gamit ang black na marker. Ang mga kaklase naman naming napansin kong nagtakang lumapit sa kanya ay nakaconnect gamit ang white na marker.

Wala pang picture ang nag-iisang nakakonekta gamit ang kulay black, si Cresha. Ang kay Augustus naman ay picture niya sa ID na kinuha ko pa sa mismong database ng school. He look so innocent, wearing his glasses and his smile. Mukha siyang responsableng estudyante na excited mag-aral. Really deceiving.

May bagong email na sinend si Chief. Naglalaman ng dagdag na impormasyon tungkol sa misyon.

"The Galien Ruby. Owned by a famous jewel collector, Francine Fulgencio. The ruby has the estimated price of 10 billion. It is a one of a kind jewel crafted exclusively for the 18th birthday of Francine Fulgencio. It was reportedly stolen last May. The thief's identity is still anonymous and there are no lead on how the burglary was conducted."

"Ms. Francine Fulgencio contacted us and offer a large amount of money to retrive the stolen jewel. She said that we should retrieve the jewel as soon as possible."

"Note: Agent X will be accompanying you throughout the mission. The plan is up to the two of you (even if I don't want to, I don't have any choice). You can do anything, just make sure that you will still be following the rules."

I'm correct. My instinct never disappoint me. Zenia is really Chief's back-up, sugo nga siya. Ang dami pang sinabi na babala sa akin na kesyo delikado si Zenia, kesyo masungit, kesyo mainitin ang ulo, in the end, gagamitin niya din pala ang pagkakaibigan naming dalawa. Really brilliant, Chief Rouge. I should learn his tricks some other time.

"P.S. Don't go anywhere alone, for the mean time. Don't be too reckless, just stay low. Remember everything that I have said. You should be cautious at all times, especially around him. Good luck."

StealWhere stories live. Discover now