Chapter 21

2 0 0
                                    

A/N: Shine Glea Alvarez's POV (。’▽’。)♡

-

Pabagsak kong sinara ang ref pagkatapos kumuha ng makakakain. Nastress ako masyado naging pag-uusap namin ni Augustus. Ayaw niya kasi sa planong naisip ko. Napakalaki daw ng risk na pumalpak kami. Oh c'mmon, never nagfail ang plano ko. Kaso kahit ilang ulit ko yun sabihin, wala, ayaw niya talaga. Muntik ko na nga siyang mahampas ng lamesa sa sobrang inis.

Ending, wala kami nagawang matino, nag-away lang.

Inayos ko ang mga gamit at binasa muli ang mga karagdagang impormasyon na sinend ni Chief.

"Michael Nueñez, a business tycoon, leader of a syndicate, and a famous collector of rare items will be having an auction next week, June 22, Monday, at a casino. The Galien Ruby was said to be one of the items to be auctioned. Different high profile delegates will be there so keep your presence low. The plan is up to you and to your partner. Good luck, Agent Sun."

Pabato kong hinagis sa kung saan ang papel pagkatapos basahin. Ngayon pa lang, sumasakit na ang ulo ko. Paano ko naman mapapasunod si Augustus sa plano kung ngayon pa lang, gusto ko na siyang hampasin ng lamesa?

"Ayaw niya ba non? Surprise entrace? Yung tipong babagsak kami mula sa ceiling tapos bigla na lang namin kukuhanin yung ruby habang nagbibid sila. Then, babarilin namin lahat ng may kinalaman sa sindikato tapos aalis na kami na parang walang nagyari. Edi, problem solved." Pagkausap ko sa strawberry jam na nasa harapan ko.

Hatdog kasi eh. Kaarte, kesyo delikado daw. Bakit? Yung pagiging magnanakaw niya ba, hindi delikado? Yung pakikipag-alyansa niya sa akin, hindi ba delikado?

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang ceiling.

Ngayon pa lang nagdadalawang isip na ko. Sa lahat ng bagay, sa mga nangyayari.

Tama pa ba tong pinasok ko? Is teaming up with a thief a good choice? Or teaming up with him can bring me into more dangerous situation? Will he really be my downfall or the other way around? What lies does he hide behind those smiles?

-

Tapos na ang klase, as usual, pinagmamasdan ko pa din si future jowa. Although this time, may natutunan na ko, medyo. Sadyang top priority ko lang sa ngayon si Augustus.

His acts, emotions, movements, and all the things connected to him is what matter the most right now. I really need to know who he is, kahit kalahati lang. Mahirap na. Baka bigla niya na lang ako ipahamak sa huli. Better safe than sorry.

"Augustus." Pagtawag ko sa kanya bago siya umalis.

Tumigil lang siya sa paglalakad at hindi humarap.

"Parking lot. May pag-uusapan tayo."

Next week na ang auction, we only have several days left to plan our action. Kailangan ngayon pa lang, magkasundo na kami sa kung anong mangyayari. We can't move as a team kung sa pagplaplano pa lang, naghahampasan na kami ng lamesa.

Pagkatapos mag-ayos ng gamit ay dumiretso na kong parking lot. Naabutan ko siyang nakatayo malapit sa kotse ko. Mukhang kanina pa siya pero ganun parin ang itsura niya, plain.

"Sakay." Minuwestra ko ang passenger seat dahil nakatayo pa din siya at tinititigan lang ako.

Ano to? Naging statue na siya?

"Hoy! Sakay kako!"

Kumunot ang noo niya at mukhang hindi nagustuhan ang ginawang pagsigaw.

"No." He said, forehead still creased.

Ako naman ngayon ang kumunot ang noo dahil sa sinabi niya. Ano bang trip niyang mangyari? Huwag mong sabihing iniisip niya na baka dalhin ko siya sa kung saan. Lol, hanggang pangarap niya na lang yon.

"Anong no? Pupunta lang tayo sa condo ko. Doon tayo mag-uusap."

Hindi pwedeng puro sa coffer shop or sa bahay niya kami mag-usap. Condo ko ang pinakasafe na pwede naming puntahan, safe para sa akin. Wala yatang safe na lugar sa kanya eh. Village nga nila mukhang haunted, dami pang mga aso.

"No." Pag-ulit niya sa kaninang sinabi. Ah, hello? Narinig ko po.

"Wag ka nang magpapilit, okay? Sakay na kasi." Pramis, naiirita na ko.

Bakit ba kasi ayaw niya? Eh ako nga ang dapat kabahan. Lalaki siya, maganda lang ako na marunong ng konting martial arts at laging may baril at pocket knife na dala.

"No."

On the count of three, babalyahin ko na to.

"Isa."

Sige Augstus, sagarin mo pasensya ko.

"No."

"Dalawa."

Pasalamat ka alam ko ang dalawa dahil kung hindi, kanina pa kita binalya. Siguradong may baling buto ka na sa mga oras na to.

"No." Huh!? Sinasagad niya talaga pasensya ko!

"Tat - " Hindi ko pa natatapos ang tatlo ay tinalikuran niya na ko at nasimulang maglakad paalis.

Aba!?

Hindi ko siya hinabol, wag siyang pabebe. Besides, siguradong babalik din yun, may hawak akong alas laban sa kanya eh.

"Augustus!" Sigaw ko dahil medyo nakalayo na siya pero dire-diretso pa din at mukhang desidido sa ginagawa.

"Augustus Mendoza!" Mas malakas na sigaw ko pero wa epek! Ang tigas ng bungo niya ha!

"Augustus Cliff Salazar Mendoza, fututre jowa!" Kapag hindi niya pa ko nilingon sa lagay na to, hahampasin ko na siya ng lamesa.

The winner is, charan, walang iba kundi, siya! Hindi siya lumingon o kahit tumigil man lang! Confirmed, matigas talaga ang bungo niya!

Agad kong sinara ang pinto ng kotse at hinabol siya. Wala na, sira na image ko. Ang dami pa man ding nandito ngayon. Bahala na, pagkatapos naman nito, magtatago na lang ako sa lungga ko.

Hinawakan ko ang balikat niya nang tuluyan ko na siyang maabutan. Taeng yan, buti na lang, medyo athletic akong tao.

Huminga muna ako ng malalim bago paganahin ang machine gun.

"Ano bang problema mo ha? Kung ayaw mong sumakay, edi k. Pero sana sabihin mo kung bakit, hindi yung may pahabol effect ka pa. Ang init-init tapos dito mo pa piniling magdrama? Sana dun ka sa room nagdrama, para malamig." Mahabang lintanya ko habang kunot ang noong nakatingin sa kanya.

Nanatili siyang nakatitig sa akin at mukhang hindi man lang kumurap. Ewan ko ba dito, pangarap yatang maging statue.

"Okay." He said and starter walking away, again.

Umupo ako sa gilid ng kalsada at hinilit ang sintido. Kahapon pa siya at kung magtutuloy ang mga ganitong eksena, kailngan ko nang maghanap ng supplier ng patience. Saan kaya pwedeng bumili ng pasensya? Kahit gaano kamahal, papatusin ko na dahil baka masapatos ko na si Augustus.

-

A/N: Next update: 9/17/20

StealWhere stories live. Discover now