"Fucking deal, Alvarez." Gigil na sagot niya.
This is nice. Nagsisimula ko nang makita ang tunay na Augustus. I'm looking forward to see the whole Augustus. His real facade.
"Shall we seal it with a ... " I trailed off, giving suspense. " kiss?" Pagak akong tumawa. Ang funny ng joke ko.
"Sure."
Nabilaukan ako sa sinabi niya, nanlalaki ang matang nilingon siya. Nakasandig siya sa lababo habang nakangising nakatingin sa akin. Siraulo.
"Sapak, you want?" Tanong ko sa kanya habang pinapakita ang kamao kong nangangati nang lumipad sa pagmumukha niya.
"No. What are you even doing here? Pumayag na ko, you may now go." Kunot-noong tanong niya, mukhang naiirita na sa presence ko.
Sinenyasan ko siyang umupo sa upuang katapat ko. Marami pa kaming dapat pag-usapan.
"You don't even know what business I've been talking about. Gusto mo agad akong palayasin? Also, I have some questions about your identity. That's one of the main reason why I'm here."
"Illegal or legal, I don't fucking care. I don't need to explain who I am, to you. So, leave." He look serious at mukhang any moment, sasapakin niya na ko.
"Ano bang problema mo?" Nakakunot ang noong tanong ko, nagtataka.
Problema nito? Kanina lang, pumayag na siya. Ngayon naman, galit na galit? Nakakain ba siya ng panis na kung ano at sumama ang timpla ng tiyan tapos naapektuhan ang utak? Ayos na kami ha. Seal it with a kiss na nga. Ano pa bang gusto niya? Seal it with a hug and kiss? Aba, abusado na siya kung ganon.
Magsasalita pa lang sana ako nang hilahin niya ako patayo at sapilitang palabasin. Madiin ang pagkakahwak niya sa braso ko, mukhang galit talaga. Ano nanaman bang ginawa ko!?
Sapilitan kong hinila ang braso mula sa pagkakahawak tsaka binunot ang baril sa hita at agad na tinutok sa kanya. Baka sakaling kapag nguso ng baril ko ang nakausap niya, mananahimik. Nangigigil na ko, ang tapang eh.
"Kinakausap kita ng matino eh, tapos kakaladkarin mo ko? Pumayag ka tapos magagalit ka? Sira ka ba, ha?"
Parang sira kasi talaga eh. May problema yata to sa utak.
"Mamaya tayo mag-usap, after class." Eto nanaman tayo sa walang kamatayan niyang after class!
Hindi pwedeng mamaya pa to. Hindi ko pa kabisado ugali niya. Mamaya, takasan ako nito. Eto na eh, hindi ko na siya pwedeng pakawalan hangga't hindi ako nakakasigurado.
"Isang after class mo pa, bala ko ang sasalubong sayo." Mainit na ang ulo ko at sa mga oras na to, kapag sinabi ko, gagawin ko.
"You won't do it. Kailangan mo ko." Seryoso at siguradong sagot niya.
Isang segundo. Dalawang minuto. Tatlong minuto. Wala pa ring nagsasalita at nakatitig lang kami sa isa't-isa. Manhid yata to. Binaril na't lahat, poker face pa din.
Yes, binaril ko siya. Balikat lang naman and sinigurado kong dadaplis lang. Para lang malaman niyang seryoso ako at ang susunod na balang lilipad ay sa fatal area niya na tatama. Nakikita ko nang dumudugo ang sugat niya pero hindi pa rin siya natitinag. Straight body at poker face, parang wala siyang pakialam kahit gumawa na dito ng lawa ang dugo niya. Anak ng pandesal. Hindi yata siya magnanakaw eh, actor yata. Ang galing sa pag-arte! Bilib din.
"First shot, daplis. Second, fatal na."
Hindi siya kumurap at mukhang hindi na rin yata humihinga. Lagot, nasa balikat niya yata ang puso niya. Delikado na to.
Lumapit ako, yuyugyugin na sana siya nang mabilis niyang hilahin ang baril ko at binato sa kung saan. Hinila ang dalawang braso ko at linagay sa likod ko. Pagkatapos ay may hinugot siyang kung ano at tinutok sa lalamunan ko. Kumurap ako, hindi inaasahan ang mga pangyayari. Ang punyal kong dapat gagamitin sa kanya, magiging sanhi pa yata ng pagkadeds ko.
Lumunok ako, himinga ng malalim, at kumurap-kurap. Legit, kinakabahan ako. Madiin ang pagkakahawak siya sa braso ko, nanggigigil at konting usog na lang sa kanang kamay niya. Magmemeet and greet ang punyal at lalamunan ko.
"Hindi mo ko kilala, Alvarez. Hindi mo alam ang kaya kong gawin kaya umayos ka. Pumayag ako sa kung anong gusto mo dahil may hawak kang alas laban sakin pero hindi ibig sabihin, madidiktahan mo na ko sa kung anong dapat kong gawin." Bulong niya sa kaliwang tenga ko.
Malakas ang boses niya pero mas malakas ang tibok ng puso ko. Never akong kinabahan ng ganito. Feeling ko, katapusan ko na talaga.
Nabawasan kahit papano ang kaba ko ng itulak niya ko at pumasok siya sa loob na parang walang nagyari.
Humugot ako ng malalim na hininga, kumurap-kurap at hinilot ang sintido. Hanggang ngayon, kinakabahan pa din ako, nanginginig ang bawat daliri hanggang sa talampakan. Malakas pa din ang tibok ng puso ko at parang anytime, kakawala na sa rib cage ko.
Napasabunot ako sa buhok at napatitig sa punyal na ilang dipa ang layo sa akin. Tama si Chief, delikado tong taong to at sa mga oras na to, nag-aalangan na ko kung tama pa ba tong pinasok ko.
Tumayo ako at pinagpagan ang damit na nadumihan. Saglit kong tinitigan ang dinaanan ni Augustus.
Nangingiti kong pinagmasdan ang brooch at sinulyapan muli ang dinaanan niya. Mas lalo mo akong binibigyan ng rason para maging interesado sa pagkatao mo. I want to know you more, Augustus Mendoza.
I want to know his true facade. Masyadong nakakagulat lahat ng ginagawa at pinapakita niya, nakakathrill. I'm looking forward to his skills at kung anong bagong reaksyon at ugali ang ipapakita niya sa akin.
-
Wala akong maintindihan sa klase. Hindi dahil sa pinagmamasdan ko si Augustus kundi dahil sa nagyari kaninang umaga. Paulit-ulit nagplaplay sa utak ko ang mga sinabi niya. Napapaisip ako sa kung sino talaga siya, napakamisteryoso.
Pagkatapos ng klase ay nagpaalam na ako kay Gino at Zenia na may pupuntahan lang. Hindi ko na sila hinayaang makapagtanong pa dahil nagmamadali na talaga ako. Pupunta ko sa HQ ngayon at ibabalita kay Chief ang good news. Oh lala, I can hear him shouting in joy.

YOU ARE READING
Steal
ActionI'm a secret agent. He's a thief. One item. One mission. Together, as a team. We steal. - Photo used in the cover is not mine. Credits to the rightful owner. -