Chapter 15

3 1 0
                                    

Pasalampak akong umupo sa sofa pag-uwi. Haggard, tulala at mukhang sabog ako sa mga oras na to. Para akong nakipag-inuman sa kanto at ngayon ay lasing na lasing na uuwi. Wala akong kibo kanina habang magkasama kami Arñia. Masyado akong maraming iniisip. Mga bagay na ayaw kong isipin pero pilit na lumilitaw at sinasampal ako.

Buti nga at nakapagmaneho pa ako ng matino dahil feeling ko talaga, nakalutang ako sa alapaap.

Hindi ko na alam ang paniniwalaan. Hindi ko na din alam ang pagkakatiwalaan. Alam ko, hindi dapat ako magjump sa kahit anong conclusion. Pero kasi, yun na eh. Sa harap ko na mismo, kitang-kita ng dalawang mata ko. Kahit hindi kumpirmahin, halatang umiiwas si Augustus. Ang tanong lang, bakit? Bakit siya uniiwas? Para ano? Para saan? Sinadya ba to? Para pagdudahan ko ang kaibigan?

Ilang mahinang katok ang pumutol sa pag-iisip ko. Pasado alas-dose na ng madaling araw. Sino nanaman to?

"Ex ni Gino called." Panimula niya. Si Zenia.

"She said that you look like your not in your usual self. Something happened. You can tell me, I'll listen. Over a drink?"

Hindi ako sumagot, nanatiling nakatitig sa pintuan.

"I know you're still awake. So, if ever magabago ang isip mo. I'm just here." Yeah, I know.

"Go home." I finally had the courage to speak.

"I won't." Halatang desididong sabi niya. Mukhang hindi aalis hangga't hindi ako nakikita o nakakausap ng matino.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan. Nakaamba siyang kakatok at halatang nagulat nang makita ako.

Tikom ang bibig niya at halatang nagpipigil ng tawa. Siraulo din. Kanina concerned, tapos ngayon, mukhang gusto nang tawanan ako at magpagulong gulong sa saya.

Huminga muna siya ng malalim tsaka nagsalita. "Wanna drink?"

"Okay lang ako. Besides, may klase tayo bukas." Pinakita ko ang pilit na ngiti na kalaunan ay naging ngiwi.

Halata pa din kasi sa kanyang natatawa siya sa itsura ko ngayon. Hindi ko siya masisisi, mukha talaga akong sabog sa mga oras na to.

"Mag-uusap tayo, ngayon din." Kunot-noong saad niya, halatang hindi bumenta ang sinabi ko. Malamang, hindi naman ako nagtitinda.

Pagkatapos ng ilang minuto pagtitig at ilang bilin na hindi ko naintindihan ay umalis na siya. Dito pa nga dapat siya matutulog kung hindi lang tumawag yung pinsan niya at sinabihang huwag mamerwisyo ng kung sino ng ganitong dis oras ng gabi.

-

Hindi ako nakatulog. Daig ko pa ang maghibernate ng ilang buwan o ang lumaklak ng ilang pitsel ng kape. Gising na gising ang diwa ko. Ayaw makicooperate ng utak kong punong-puno ng veins. Hindi ako inaantok at sa tingin ko, kaya ko pang makipagwrestling sa kung kanino.

Seven o'clock na ng umaga. Kanina pa ako nakatitig sa kapeng tinimpla ko kaninang madaling araw na hanggang ngayon ay hindi ko pa naiinom.

Pinuntahan ko ang study room kung saan nakalagay ang profile ni Augustus. Feeling ko lahat ng to, nabalewala, walang kwenta. Wala sa mga nandito ang nakasama niya sa noong mga oras na yon. Mga oras na nagkakomprontahan na. Hindi ko na alam kung anong totoo. Maski ang pangalan niya, pinagdududahan ko. Akala ko, alam ko na ang pangharap na siya. Turns out na wala pa ko sa isang porsyento ng buong pagkatao niya. Who knows? Baka pati mukha niya, fake.

-

Inayos ko ang suot na damit, all black lahat. Buong araw ko tong pinagplanuhan at sisiguraduhin kong hindi ako papalpak. Sa pagkakataong to, may sagot na kong makukuha. Matinong sagot.

Inayos ko ang pagkakakabit ng earpiece sa tenga. Sinigurado ko ding malinaw ang camera na nakatago sa brooch kong feather. Pati ang pagkakalagay ng baril at punyal ay inayos ko. Mahirap na, baka maunahan nanaman niya ako sa pagkakataong to.

Four o'clock pa lang ng umaga, masyado yatang napaaga ang punta ko. Habang hinihintay na bumukas ang ilaw sa bhay nila Augutus ay pinagmamasdan ko lang ang bonsai nilang nadito sa bakuran. Ang kaisa-isahang tanim sa bakuran nila. Kakaiba ang itsura at mukhang hindi pangkaraniwang bonsai.

Hahawakan ko na sana ng may biglang magsalita sa gilid ko.

"Don't." Gulat akong napatingin sa nagsalita.

Augustus.

Tumayo ako at hinarap siya, pinagpagan ang tuhod na napuno ng dumi.

Malinaw kong nakikita ang mukha niya dahil malapit siya sa poste. Isa pa, nagstand out ang kulay ng balat niya dahil sa black na suot.

Siguradong hindi sa pagpunta ko dito siya nagsing. Mukhang galing siya sa kung saan, base na rin sa suot at itsura niya.

"Augustus Cliff Salazar Mendoza. What a pleasure to meet you." I said, sarcastically.

"Shine Glea Taranza Alvarez. The pleasure is mine." I was taken aback when he said my name, my full name.

This is the first time he called me and what's more surprising is he called me by my name. Also, he knew my second name which I don't use. My name in my ID and papers is Shine T. Alvarez. I must say that he did a great job.

"What brings you here?" Malumanay pa ring tanong niya. Sana ol, calm.

"What if sinabi kong I'm just strolling around? Maniniwala ka?" I said still sarcastic. I can't help it.

Ganitong wala akong tulog ay mas mabilis mag-init ang ulo ko.

"No." Tumawa siya kahit walang nakakatawa sa sinabi ko. "Who the heck would stroll around at four o'clock in the morning, wearing those kind of clothes in an unfamiliar place?" Uhm, ako?

"Then you now know the answer to your own question. Now, I'll ask you. What do you think brings me here?" Nakangiti na ko ngayon. Sign that I'm starting to be irritated.

"To confirm your suspicions, about my identity." Nadali mo boi!

"Bingo! Bravo!" Pumalakpak pa ako at pinakita sa kanya ang aking million dollar smile.

"Now, won't you invite me inside your housea and have a tea? Or snacks? You know, I'm kinda hungry." Mas nilakihan ko pa ang ngiti at pinakitang masaya ako, baka sakaling mairita sa ngiti ko.

But, he still look calm at parang kahit umapoy na sa init ang ulo ko o mapunit ang labi sa kakangiti, kalmado pa rin siya.

Makapagpaturo nga minsan kung paano kumalma. If ever makasurvive siya sa init ng ulo ko ngayon.

"Hindi dito at hindi tayo ngayon mag-uusap. Go home, we classes later." Agad siyang tumalikod at mukhang desididong huwag akong kausapin.

Hinugot ko ang baril sa hita at dahan-dahang itinutok sa kanya.

"Isang hakbang pa, Mendoza. Dalawang bala ang babaon sa katawan mo." Seryoso na ako ngayon, wala nang bahid ng ngiti at kaplastikan.

Wala akong pakialam kung teritoryo niya to o ng kung sino man. Wala din akong pakialam kung busy siya oh ano. Sagot ang kailangan ko sa oras na to at hindi ang pag-aalala niya sa klase.

"You won't do it." Ramdam kong sigurado siya sa sagot at walang makatitibag don.

"Try me."

StealWhere stories live. Discover now