Halos alas-kwatro na nang matapos ang party. Bagsak na ang lahat maliban sa amin ni Gino at nung dj. Si Zenia, bagsak sa dance floor, kayakap ang isang bote ng Jack Daniel's. Nakatulog na, himala at hindi nagwala o nag-aya ng away at karera.
Nauna naming ihatid si Zenia sa mansion nila. Muntik pa kaming hindi pauwiin nung pinsan niya. Alagaan daw namin. Hindi pwede, ayaw kaming pinagsstay ni Zenia sa mansion nila. Hindi daw kami dapat abutan ng pagsikat ng araw sa mansion nila. Weird pero sinusunod na lang namin.
Matagal ang byahe at pareho kaming tahimik. Walang nagtangkang magbukas ng topic para pag-usapan. Kahit kanina sa bar, tahimik kami. Siguro dahil na rin sa pareho kaming maraming iniisip. Ako, misyon. Siya, ex niya. Isang malaking sana all may lovelife.
Nagtaka ako nung lumampas kami sa condo ko. Pero mas pinagtaka ko nang tumigil kami sa harap ng convenience store kung saan ko nakita si Cresha. Kung saan nagsimula ang lahat ng tanong ko.
Pagkapasok ay dumiretso siya sa section ng mga alak. Kumuha ng ilang bote ng San Mig at ilang bag ng chips. Hindi ko alam kung para saan, pang tapos sa inuman kanina o iinumin dahil may pag-uusapan kaming seryoso. Feeling ko, dahil feelingera ako, yung pangalawa. Baka hihingi uli ng advice tungkol sa lovelife.
Humanap na ko ng mauupuan at tinanaw siya sa counter. Tatlo lang kami ngayon dito sa loob ng convenience store, ako, Gino, at yung kaherang patulog na. Ang tahimik, ang lungkot ng paligid.
"Alam kong may pasok ka bukas pero kailangan ko ng kasama ngayon. Kahit isang oras lang."
Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yon. Humila siya ng upuan sa harap ko at doon naupo. Mahahalata sa itsura niya ngayong kailangan niya talaga ng kausap.
"Marami pa kong oras. Kahit hanggang bukas pa, sasamahan kita."
He smiled. "Salamat."
Nakakaanim bote na siya at natataling tahimik. Kumakain lang ako ng chips at pinagmamasdan siyang tutungga ng bote tapos dudukdok, tutungga tapos dudukdok, repeat and repeat. Minsan tatawa tapos biglang matutulala. Isang oras na kaming ganito at nagsisimula nang sumikat ang araw. Nagugutom na din ako dahil maliban sa hindi ako nagdinner, puro chips at alak ang laman ng tyan ko. Inabutan na din kami ng palitan ng shift nung kahera.
"Mahal ko eh."
Nawala ang tingin ko sa kahera at napunta kay Gino nang bigla siyang magsalita. Eto na, simula na. Lasing na eh. Hindi kasi nakuntento sa San Mig. Bumili siya ng Soju at ginawang tubig. Bale, limang San Mig at isang Soju na ang nainom niya. Mataas nga ang tolerance nito sa alak pero kanina pa to umiinom ng tubig, ng alak pala.
"Mahal ko yon. Ayaw ko sa iba. A-ayaw ko." Nakadukdok pero mahahalata mo sa boses na naiiyak na siya.
"A-ayaw, a-ayaw ko ..." Tumigil muna siya saka tumingin sa akin at tumngga uli. " ... maka-kasal sa i-iba." Pagpapatuloy niya sa naudlot na sinasabi.
Napatigil ako sa pagnguya, nabitin sa ere ang kamay kong puno ng pagkain. Nakainom ako pero matino pa, hindi ako naghahallucinate. Malinis ang tenga ko, tama ako ng dinig. Sigurado ako don.
"Ayoko. Parang ta-tanga na-naman tong, tong buhay ko. Si-sino ba ha!? S-sino!?... " Tumigil na naman siya para tumungga uli, hinayaan ko na lang. Kapag matino to, hinding hindi magsasabi ng problema. Feelingero din to eh, feeling matibay. "Sinong tae, tae a-ang ... nagpa-pauso ng arranged ma-marriage? Yung arranged marriage. Ha!?" Galit pero natatawang tanong niya.
Eto ang hirap sa buhay mayaman. Business yata lahat para sa kanila, kahit personal na buhay. Masaya na din akong hindi kami ganon kayaman. Ayoko ng ganito, ang hirap.
"Maglalayas ako. Lalayas na lang ako. Lalayas ako." Paulit-ulit na bulong niya sa sarili.
Ilang beses niya na yun nasabi at hanggang ngayon, hanggang sabi pa din. Wala eh, kahit sa ibang planeta siya tumira, mahahanap siya ng pamilya niya. Connections. Bagay na hindi nga maluluma at talaga laging nagagamit.
Tuluyan nang sumikat ang araw kasabay ng pagbagsak nitong kasama ko. Bagsak na. Siguradong pagkagising nito, wala nanamang maaalala sa mga pinagsasabi niya.
Kinuha ko na lang ang susi sa bulsa ng jacket niya at hinatid siya sa bahay nila. But na lang talaga, hindi ako uminom. Kung hindi, baka bukas pa kami nakaalis dun sa convenience store. Siguradong ibabaon ako sa lupa ni Chief at ng nanay ko kapag hindi ako pumasok bukas.
Naabutan ko si Tito na naghihintay sa labas, may hawak na isang tasang may kape, mukhang kanina pa siya. Buti hindi si Tita ang naabutan namin, siguradong magkakaroon ng instant talkshow.
-
Hinagis ko na lang sa kung saan ang susi ng kotse pagkarating ko sa condo. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Ang daming ganap ngayon sa buhay ko, problema ni Gino, biglang paglitaw ni Zenia, ang misteryosong magkapatid na Mendoza, ang misyon, nakakabaliw.
Wala pa akong matinong plano. Sabagay, wala pa namang sinasabi si Chief kung ano ba yung mission talaga namin. May kukunin ba kami? Gagawin? Anong special skill ang kailangan?
Umupo ako saglit at tumitig sa basong puno ng tubig na nasa harapan ko. Kailangan ko muna ng konting break. Ang dami ko masyadong iniisip. Hindi ko na alam kung anong uunahin.
-
Nagising ako sa malalakas na katok. Mukhang galit na galit at may balak sirain ang pinto. Teka, hindi usong maghintay? Tapos, may doorbell, pinili pang kumatok. Balak yata talaga sirain yung pinto ko.
Inis na bumangon ako sa kama at tinignan kung anong oras na. Alas- diyes na ng gabi. Anak ng. Anong kailangan ng kung sino man to, sa akin, sa dis oras ng gabi? Kapag ito trip lang o kaya kapag sinabi ng kung sino man to na manghihiram lang siya ng kaldero, ipupukpok ko sa kanya lahat ng kawali dito, pati rice cooker at microvawe.
"Sandale! Tumigil ka na! Nakakaistorbo ka ng natutulog!" Nangigigil na sigaw ko. Gabing-gabi na eh, nakakaistorbo ng beauty sleep.
Hinihingal na Gino at Zenia ang nakita ko pagbukas ng pinto. Nakahawak pa sila sa mga tuhod at pilit na naghahabol ng hininga. Oh, ano to? Nagmarathon sila? Gabing gabi. Anong trip ng mga to? Masyadong tinamaan sa mga ininom na alak kaya tuluyan nang nasira ang utak?
"Ginagawa niyo dito? Gabing-gabi."
Naglakad ako papunta sa kusina para kuhanan sila ng tubig. Kawawa naman.
"Y-you ... " Bumuga muna si Zenia ng hangin bago nagpatuloy sa pagsasalita. " ... o-okay. Y-you okay?" Pagpapatuloy niya, halatang pagod pa din. Ano ba talagang nagyari sa dalawang to?
"Oo naman. Bakit naman hindi? May nangyari ba? Masamang panaginip? Death threats?" Nagtataka kong tanong habang nagsasalin ng tubig.
"Sh-shiro." Sagot ni Gino nang medyo makasagap ng hangin.
Shiro. My brother's name. He died at a car accident 5 years ago. But I don't believe that it was an accident and that's what I'm trying to figure out. He's an agent and in this line of work, everyone could be your enemy.

YOU ARE READING
Steal
ActionI'm a secret agent. He's a thief. One item. One mission. Together, as a team. We steal. - Photo used in the cover is not mine. Credits to the rightful owner. -