Ngumiti lang siya at aalis na sana nang may maalala akong itanong. She said that handa siyang umatras lalo na kung ni pangalan ng kalaban ay hindi niya alam. What about him? He's the only person involved in this mission as of now.
"Do you think ... it was Augustus?"
Huminto siya, hindi lumingon pero alam kong narinig ako.
"No." How could you say so?
Hindi na ko nagtanong pa at hinayaan na lang siyang umalis dahil kakamustahin niya pa ang lagay ng pinsan niya. I told her to update me. Syempre, nag-aalala din ako dun sa pinsan niya. Her cousins and I are really close, lalo na sa inuman.
For now, I need to confront the person I had in mind. I don't know if he's capable of doing such thing but who knows? Siya na msimo ang nagsabi. I don't know who he is or what he is capable of.
I texted Augustus that we should meet at the coffee shop near our university. Buti na lang din talaga, may number siya sa ID. I just hope that this is legit, dahil nung sinubukan kong tawagan, out of coverage area.
-
He came minutes after I am and believe me, I didn't expect this kind of look.
Ilang beses pa kong napakurap nang makita ang suot niya. Mint green hoodie, ripped jeans, his glasses, white shoes and white cap. I never knew that wearing a hoodie in the afternoon could make you look like this. Grabe, ang lakas ng dating. Aaminin ko, he look great in simple and light colored clothes. Now that's a real jowa material, just erase the past scenes he's involve and he look perfect.
"Nice. You look handsome." I said when he sit across mine.
Now, we look like a couple having an afternoon date. Dapat kasi sinabi niyang he will be wearing nice clothes para nagpalit ako into dress. T-shirt, ripped jeans at pambahay na tsinelas lang tuloy ang sinuot ko.
"Thanks." Aba, iba din. Hindi itinanggi o kaya nagpahumble man lang?
Hinayaan ko muna siyang magorder dahil marami pa naman kaming oras. Ten pa magsasara tong coffee shop and quarter to five pa lang. We still have a lot of time to have some snack before facing the incoming disaster.
I just watch him as he flip the pages of the book I've been reading. Ang gwapo niya talaga tignan tapos nakakacurious pa ang katauhan. A while ago, he look and sounded dangerous, now, he look like a simple and kind guy. Ang lakas talaga makapanloko ng salamin niya.
"Stop staring, Shine." I was surprised when he mentioned my name. Hanep, ang sarap sa ears. Pwede isa pa?
"Again."
"What?" He asked still eyeing the book I've been reading.
"Say my name." My beautiful name.
"Quit fooling around. I still have a lot of things to do so tell me what you need." Ay, sungit.
I was about to tell him the reason when he signed me to stop. Ano nanaman ba!?
Masama ang tingin ko sa papalapit na waitress na siyang dahilan kung bakit ako pinatigil ni Augustus. Hindi naman yung waitress ang dahilan, yung order namin. But still, siya pa din.
Nang maibaba na yung order namin ay nagsimula nang lantakan ni Augustus yung strawberry shortcake at strawberry frappé na order niya. Really!? We ordered the same food? Don't tell me, he also like strawberries? Tumatanggap din kaya siya ng suhol na strawberries?
"I told you, quit staring. I might think that I really look handsome in your eyes." Confident na sabi niya.
Natawa ako. Ibang klase talaga. He really look innocent. My, I should start slapping myself with the fact that he is dangerous. Mahirap na, baka hindi ko mamalayang natalo na ko.
"Yeah, you really do and I'm not fooling around this time. Ang gwapo mo future jowa."
Hindi niya ko pinansin kaya naman nilabas ko na ang bagay na kanina ko pa gusto ipakita. The creepy picture.
Inabot niya ang litrato at poker face akong tinignan. Mukha siyang walang kaalam-alam kung bakit ko ipinakita ang litrato. If this is one of his innocent acts, then I must say that he is quite great. Araw-araw mas gumagaling siya sa acting.
"What's this? Another kind of souvenir?"
Natawa ako. Ang funny ha. "Maybe, you recognize one of them?"
Patanong kong sagot.
If ever he know something, this is surely suicidal.
"Why would I?" Balik na tanong niya.
"Ewan ko. Bakit nga ba?"
Kung gusto niyang ganito, sige, pagbibigyan ko. Marami akong oras makipaglokohan pero sa oras na malaman ko ang katotohanan, luluhod siya sa harapan ko.
"I told you. Quit fooling around." This time he's not eyeing the book anymore. Seryoso na siyang nakatingin sa akin.
Huminga ako ng malalim, naghahanda sa kung ano mang maririnig.
"Okay. Are you the one behind this? Sa pagkaaksidente ng pinsan ng kaibigan ko?"
Zenia clearly said that you weren't the one behind this but we can't be sure. I don't know if Zenia said that beacuse she don't want me to confront you or she knows something. Inililigtas ka ba niya o inliligtas niya ko?
Ngumiti siya, pinagkrus ang mga braso, tiniklop ang libro at sumandig sa upuan.
"What if I told you that I am? Anong magagawa mo?"
Natigilan ako sa sinabi niya. I'm expecting this but again nagulat pa rin ako. This isn't the scenario I'm expecting. Iniisip ko na kailangan ko pa siyang tutukan uli ng baril o kailangan pa naming magrambol bago siya umamin. He really keep on surprising me with his acts.
Nang medyo makarecover sa pagkagulat ay pagak akong tumawa. Tipong kitang-kita na ang bulok kong ngipin sa likod. Joke lang. Mas maganda pa kaya ang ngipin ko kaysa dito sa kaharap ko!
"Eto."
Pinakita ko sa kanya ang kamao ko na ilang segundo lang ay nakameet and greet na ang pretty face niya.
Dinig na dinig ang bulungan ng mga chismosang katabi namin. Halatang nagulat sa ginawa ko. Well, hindi lang si Augustus ang kayang makapagpakita ng surprising acts.
"Hala! Bakit niya naman sinapak si gwapo?" Kung ikaw kaya sapakin ko? Want mo?
"LQ kaya sila?" Q lang walang love! Walang forever!
"Grabe, angas ni girl." Thank you! Autograph, want mo?
Natatawang pinunasan ni Augustus yung dugo sa gilid ng labi niya. Aba, mukhang tuluyan nang naalog ang utak dahil sa sapak ko.
"Calm down, I'm just joking." Natatawa pa ring sabi niya habang inaayos ang nagusot na damit.
Ah joking pala! Eh kung ibaon ko kaya siya sa lupa? Want niya?
"Hindi ako nakikipagbiruan. Isa pang ganyan, Augustus. Ibabaon kita sa lupa kasama ang mga bulok mong joke." Nanggigigil na sagot ko.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagtawa. Napapasaya ko na siya, iba na to.
"Babangasan uli kita kapag hindi ka pa tumigil sa kakatawa." Banta ko at pinakita pa ang kamaong namumula dahil sa tigas ng panga niya.
Hindi ko lang pinapahalata pero nasaktan talaga ako sa pagsapak sa kanya. Kasing tigas yata ng bakal ang panga niya. Badtrip, ako pa yata ang mas nasaktan sa ginawa ko.
Linabas ko ang isang envelope na naglalaman nang printed copy ng mission namin. Tutal nandito na lang rin kami at marami pang oras, might as well pag-usapan na din namin ang 'business' na tinutukoy ko.
I'm looking forward to work with you, Augustus Mendoza, the untouchable thief.
YOU ARE READING
Steal
ActionI'm a secret agent. He's a thief. One item. One mission. Together, as a team. We steal. - Photo used in the cover is not mine. Credits to the rightful owner. -
