Chapter 4

7 4 2
                                    

Pagkatapos nilang tawagin ang isa't-isa ay bigla na lang silang umalis at heto ako, naiwang nakatanga mag-isa. Hanep, iwan ba naman ako dito? Hello? Hindi man ako part ng family niyo naging bisita naman ako.

Buti na lang at mula dito sa kinatatayuan ko ay tanaw ko na ang convenience store. Ganun parin ang itsura maliban sa isa, nawawala yung kotse ko! Nacarnap pa yata.

Lalayas na sana ako para magreport sa pulis nang huminto ilang dipa mula sa akin ang isang itim na Ferrari na kamukhang-kamukha ng kotse ko, pati plaka. Hinintay kong bumaba ang kung sino mang lintik na carnaper na nagdridrive ngayon.

"Baba! Bumaba ka diyan, carnaper!" Gigil na kinalampag ko ang harapan ng kotse, wala akong pake kung kotse ko pa to.

Natatawang bumaba ang isang panget na nilalang. Halatang masaya sa ginawang kalokohan. Badtrip.

"Chill. Hindi ka na mabiro, babe."

"Lol. Babe mo mukha mo! Naging tayo ba ha? Hindi nga kita sinagot eh. Layas diyan, bata."

Presenting, Gino Gray. Ang former manliligaw kong playboy na 2 taon ang agwat sa akin. Buti na lang hindi ako nagpadala sa mga banat niya non. Kaya niya lang pala ako niligawan para mapalapit sa ex niya na ngayon na si Arñia, family friend kasi namin, ayun ending, bugbog siya sakin. Tapos eto kami ngayon, hindi magkasundo, hindi magakaaway, basta magkakilala.

"Aww. Miss you too, babe. Tara, dinner? Libre ko."

Hindi ko siya pinansin at lumayas na. Maglalakad na lang ako, sa kanya na yang kotse tutal siya din naman nagbigay non. Peace offering daw, ngayon ko lang nagamit dahil ngayon ko lang nahanap yung susi na ibinaon niya sa garden namin. Mahal daw yung kotse kaya dapat paghirapan ko. Siraulo, palibhasa iniwan.

Siguradong may ginawa siyang hokus pokus para magamit yung kotse ko o baka naghire ng kung sino para buksan. Ibang klase, future carnaper.

"Babeee! Sorry na! Kain tayo." He said, still laughing.

"Kumain ka mag-isa mo o kaya suyuin mo yung ex mong iniwan ka! Dadaanan ko yang kotse ko bukas, alagaan mo yan." I smiled when I wasn't able to hear his laugh and he's now cussing non stop. Well, that's his karma for playing women's feeling. Serves him right.

-

Halos dalawang kilometro din ang layo ng convinience store kung nasaan ako ngayon, sa condo ko. Mahabang lakaran pero maganda na din to, kailangan ko nang mahabang oras para mag-isip. Masyadong ginugulo ni Augustus at ng kapatid niya ang utak ko. Masyadong misteryoso at mapagduda ang mga kilos nila, kahit ekpresyon, ang hirap basahin. Lahat ng sinasabi, parang double meaning. Nakakaparanoid.

Sobrang misteryoso ng buong pagkatao ni Augustus. May ilang impormasyon akong alam pero sigurado akong wala pa yon sa isang porsyento sa buo niyang pagkatao. Kahit ngayong alam ko na ang itsura niya, parang walang naitulong, mas lalo akong naguluhan.

To be honest, he look so different than what I've imagine. In my imagination, he's skinny with beard, eyebags, short, long hair, and ugly. Okay, I now, ang mean ng ugly. Pero kasi, that's what thief usually look like. I know, I shouldn't be deceived with his looks but I can't help it, he look too kind.

If I will describe his looks through one word, I'd say, gwapo. Really, hindi na ko magiging in denial, yung eyes niya palang, sumisigaw na ng kagwapuhan. He's a 'jowa material'.

His glasses that really makes him innocent, this neat hair, pointed nose, kissable, pinkish lips, those jet black eyes that beholds thousand of secrets, lastly, the mole under his right eye. Ibang klase ang atake, Augustus is really mysterious and intruiging.

Now, I'm dying to know who he really is. Who is Augustus Mendoza? What secrets does he hold? Could it be too much that it will make him fall or the other way around? Could you really he my downfall? How come, Chief sees him as a danger? Does he hide something dark behind those glasses, those smile?

Saglit akong tumitig sa ulap at pilit na saglit iwaksi sa isip ang lahat ng katanungan. Masyado niyang ginugulo ang isip ko, to the point na nakakalimutan ko na kung bakit ko tinanggap tong misyon at kung ano yung misyon. I'm too engrossed with his mysterious personality, too engrossed to the idea of knowing him more, not because of the mission but because of him, just because of him and that's a bad idea. I should focus of knowing the skeletons on his closet.

-

Diretso higa sa kama ang ginawa ko pagkatapos ang halos tatlong oras na pagbababad sa harap ng laptop. Pagod ako, ngawit ang kamay, nangalay ang hita, namanhid ang paa at masakit ang mata.

Hindi ko akalain na magiging mahirap ang misyon na to. Blackmailing is easy, knowing someone is easy, this mission is supposed to be easy but maybe I got too easy. Sa tatlong oras na pagbababad ko, wala ni katiting na impormasyon ang nakita ko tungkol kay Augustus, kahit sa kapatid niya. Lahat ng social media, different username, different countries, nagtry ako maghanap pero wala pa rin. Kahit sa dark web, nagtry ako pero wala. Nagpatulong na din ako sa ilang magagaling na kakilala pero wala, lahat olats.

Ilang beses kong ginulo ang buhok sa sobrang inis. Badtrip, mukhang solusyon lang ni Chief ang uubra. Pero matagal pang proseso yon at suguradong magdududa na siya kapag lumapit ako. Unang araw ng pagkikita namin, kapatid niya ang kasama ko, tapos bigla, makikipagclose ako sa kanya? Baka kahit bobo, malaman na may balak ako. Garantisado ang pagbagsak ko pag nagkataon.

-

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang alarm. Hindi ko namalayang dito ako sa study table nakatulog.

Sinimulan ko nang mag-ayos ng gamit para makaligo na. Sabado ngayon at ngayon lang ako may oras para makapamili ng gamit. Kahit naman misyon to, kailangan ko pa ring ipakita na seryoso ako sa pag-aaral. Mahirap na, kapag ako nabuking, sa kangkungan ako pupulutin.

Nagtaxi lang ako papunta sa kung saan nakatira si Gino. Kukuhanin ko ang kotse ko. Siguradong pina car wash niya na yon kahit malinis pa naman. Ganon yon, mahilig talaga magwaldas ng pera. Nasiraan yata talaga ng bait simula nung iniwan ng girlfriend.

Pagkarating sa bahay nila ay wala siya. Pumunta daw Baguio, bibili ng strawberry pero pabalik na din daw kaya hintayin ko na, bilin niya daw yon. O diba? Sabi ko na, nasiraan na siya ng bait. Malakas na ang tama, malala na.

Hindi din naman ako nagmamadali kaya mas mabuting hintayin ko na lang siya. Isa pa, alam kong may sasabihin ang nilalang na yon. Ganun naman eh, papansin siya pero mas papansin kapag may kailangan. I wonder if what does he need. To the point na, bumili pa siya ng suhol. Strawberries, my favorite. Ang tanging suhol na tinatanggap ko.

StealWhere stories live. Discover now