Chapter 11

5 1 0
                                    

Friday. Walang nangyaring kakaiba nitong mga nakaraang araw. Ganun pa din. Papasok ako, pagmamasdan siya, hihintayin ang dissmisal tapos susundan siya. Never pa ako nakaabot muli sa bakuran nila. Basta hanggang eskinita lang ako at nakikita ko siyang pumapasok sa bahay nila. Matinik kasi ang mga tingin sa akin nung mga tambay. Parang sa oras na tumapak ako sa bakuran nila Augustus, sasakmalin na ko. Sheesh, ang creepy.

Ang nakapagtataka ay kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako kinokompronta. Halata namang interesado ako sa kanya dahil talagang pinaparamdam ko. Kaso wala talaga, para siyang walang pakialam sa akin o sa mga bagay na ginagawa ko. Yes, sa akin lang. Dahil nung minsang nilapitan siya ni Gino, ang ganda pa ng approach niya. Nakangiti siya. Nakangiti!

Yung ngiti niya ngayon, ibang-iba sa ngiting nakita ko noong unang beses kaming nagkita. Sobrang iba. Hindi na nakakapagduda yung ngiti niya ngayon, mukha na lang siyang simpleng estudyante. Ang gulo-gulo niya, sobra siyang misteryoso.

May isa pang bagay na nakakapagtaka. Ang mga credentials na pinasa niya ay kulang-kulang. Sinubukan ko kasing hanapin yung form of enrollment niya pati narin yung mga pinasa niyang ceritifcates. Ang tanging nakalagay lang don, transferee. Wala na! Kahit yung ilan sa mga certificate niya, nakalagay lang na pasado siya ng 1st year. Walang school, kahit address, pangalan niya lang. Eh, parang mas gawa pa sa rekto yung sa kanya kaysa sakin.

-

Last period na. Pagkatapos nito, sa monday ko na uli makikita si Augustus. Kung, hindi ko siya pupuntahan sa bahay niya.

As usual, titig na titig ako kay Augustus. Bawa't paglapat ng tip ng pen niya sa papel, bilang ko. Pero hanggang ngayon, hindi niya parin ako pinapansin. Kahit nga yung iba naming kaklase, halata na ang lagi kong pagtitig sa kanya pero hindi niya pa din ako pinapansin.

"Sige, pagbibigyan kita ngayong linggo pero next week, kapag hindi mo pa ko pinansin. Asahin mong magkakaron ka ng instant girlfriend." Mahinang bulong ko sa sarili habang nangingiti at tatango-tango pa.

Kaso, masyado yatang malinis ang tenga ng prof namin o sadyang masyado lang malakas kasi tahimik ang paligid.

"Mind sharing your thoughts, Ms. Alvarez? You seen happy while looking at Mr. Mendoza."

Nagtawanan ang lahat ng kaklase namin at syempre, pinakamalakas ang kay Gino at Zenia. Napatigil din sa pagsusulat si Augustus pero nanatili siyang nakatingin sa papel niya. Bingo. Ngayon, kailangan ko na lang magpapansin. Kaya, imbis na mahiya. Nakaisip pa ako ng banat.

"Sorry Ms. I just noticed that my future boyfriend is always good at class." Natahimik ang lahat at maya-maya'y nagsigawan sila. Ang prof naman namin ay napangiwi na lang, halata sa itsurang hindi bumenta sa kanya ang pick-up line ko. "So I've been thinking if he could tutor me at some subjects I'm bad at." Pagpapatuloy ko.

Buti na lang at hindi ako masyadong nag-eexcel sa ilang subjects nitong mga nakaraang araw, dahil na din sa mas tutok ako kay Augustus kaysa sa pag-aaral. Well, I'll try striving hard next week para naman hindi sayang ang pagpapagawa ko ng mga pekeng papeles dyan sa kanto.

Pansin ko ang pagtaas baba ng adam's apple niya, humigpit din ang pagkakahawak niya sa pen at mas lalong kumunot ang noo. O my, bumingo na yata ako. Now, this is more exciting. Lagot ako nito kay Chief, stay low daw but I'm now making myself the top trending. Talk of the town na ako nito mamaya, na siguradong pangungunahan ng dalawang may sapak na katabi ko.

"Enough, class!" Pagbawal niya sa mga kakalse naming patuloy parin sa hagikgikan na akala mo mga teenager pa. Ay, hindi makamove on? Ang tagal ng aftershock ng banat ko?

Masami na ang tingin sa akin ng prof namin. Mukhang nasasagd ko na ang pasensya niya. Sorry, Ms. Mission lang.

"You could do that thinking later, Ms. Alvarez. For now, focus on class. Bagsak ka na nga, nakukuha mo pang magdaydream na magiging boyfriend mo iyang si Mendoza. Maging kasing taas sana ng pangarap mo ang score mo sa quiz bukas." Ako naman ngayon ang napangiwi sa sinabi ng prof namin.

Nagpatuloy na siya sa pagdidiscuss at full time na akong nakikinig pero may pagkakataon pa ding na kay Augustus ang paningin ko. Hindi na siya nagsusulat. Nakakunot na lang ang noo niya habang nakatingin sa harap. Matindihang nakakacringe na banat lang pala ang kailangan para pansinin mo ko eh. Huli ka. Araw-araw na ko nitong bibingo.

"Long quiz, 100 items! Class dismiss."
Titog na titig sa akin ang prof habang nag-aayos siya ng gamit. Sorry na nga po eh.

-

"Anong naisip mo para bumanat ng ganun kadiri? Hindi ka ba nagcringe sa sarili mo kanina? Seriously, mukha kang desperadang teenager na gustong mapasakanya ang crush." Natatawang tanong ni Zenia habang nag-iikot kami dito sa mall.

Bibili daw siya ng regalo para sa ex ni Gino. Hindi namin kasama si Gino. Hindi sa ayaw niya. More like, ayaw namin siyang pasamahin. Mahirap na, baka umabot kami sa inuman dahil sa pag-alala niya sa mga memories niya with ex. Dito kasi siya madalas makipagkita sa ex niya kapag pupunta sila sa kung saan. Mahirap na. Baka hindi pa kami makaattend bukas at hindi ko maibigay yung singsing. Edi, nagwala yung bata.

"Asahan mong sa lunes, mas madami pa kong baon na nakakacringe na mga banat." Nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi ko. Mukhang ngayon pa lang, nandidiri na siya sa nga pwede kong sabihin.

Nagpatuloy kami sa paghahanap ng regalo. Ewan ko ba sa kanya. Sabi ko, simpleng damit na lang ang ibigay o kaya heels. Kaso, ayaw paawat. Gusto niya, pinakaunexpected yung ibibigay niyang gift.

"Anong regalo yan!? Sira ka ba? Ang panget. Palitan mo ng kulay." Pagkutya ko don sa kulay black na teddy bear na balak niyang ipangregalo.

"Ayos na to, girl. Black kasi patay na patay ang puso non kay Gino."

Feeling ko, lumampas sa tuktok ng ulo ko ang cringe level na naramdaman. May sakit yata to kaya ganito ang mga linyahan. Ay hindi pala. Matagal na palang ganito to, may sapak.

"Siraulo. Ang cringe. Palitan mo o uuwi na lang tayo! Maghanap ka na lang sa bahay niyo ng kahit anong mamahaling wine tapos yon ang gawin mong gift."

Inabot ko sa kanya ang kulay brown na teddy bear. Eto, mas ayos. Mukhang isinawsaw sa abo at dinikitan ng uling yung gusto niya eh.

-

Naglinis lang ako ng mga baril at ng buong bahay pagkauwi. Nakakatamad, wala akong Augustus na pwedeng matyagan dahil hindi siya umuwi sa bahay nila. Merong tracking device sa bag niya, kaso nawala yung signal kanina lang. Hindi ko alam kung dahil sa umulan kanina at nabasa o nakita niya at tinanggal o sinira.

Nitong mga nakaraang araw ay wala siyang ibang pinuntahan kundi bahay at eskwelahan. Wala na. Nakakapagtakang ngayon nawala ang tracking device kung kailan saktong wala din siya sa bahay nila. Paano ko nalaman? Hinack ko ang cctv na nasa poste malapit doon sa eskinita para alamin kung umuwi siya dahil biglang nawala yung signal. Pinanood ko at nakitang hindi siya pumasok sa eskinita at hanggang ngayon, wala pa din.

Malayong coincidence lang to. Sabi nga ng kapatid niya, sinadya na to at mukhang sinadya nga ni Augustus.

Ang tanong ngayon. Bakit? Paano? And last but not the least, nasaan siya ngayon?

StealWhere stories live. Discover now