Chapter 8

7 1 1
                                    

"Shiro Fenrir Taranza Alvarez. Last seen at the lobby of this hotel. Wearing a black shirt, pants and black shoes. He's with two armed unfamiliar men. Both in mid 30's, wearing a black tuxedo. The appearance was between 9:45 and 10:00 PM, Sunday." Pagdidikta ni Zenia sa mga nakalap niyang impormasyon, base na din sa cctv footage na nakuha namin.

We've been playing the video for 2 hours already and were certain about things. First, the one on the video really look like my brother. How come? He's alive? All those years, he was alive? Second, somethings wrong. Something is definitely wrong. I don't know what it is but there is fucking wrong. Third, this could be a warning of something bigger. Fucking big. Walang dahilan ang bigla na lang pagpapakita ni Kuya after 5 years, kung siya nga talaga ang kapatid ko o kung sino man. This is something, something big that we should be prepared of.

"I thought Kuya Shiro's dead. We held a burial and that was 5 years ago. Anong ginagawa niya dito? Standing at the lobby with two armed mens. I don't know want to suspect your brother, babe. Pero, kung buhay siya at gusto niyang magpakita, bakit ngayon lang? Isama pa ang bagay na may kasama siyang dalawang armadong tao? Anong pakulo to?" Napailing na lang ako sa naging tanong na yon ni Gino.

I also don't know. Fucking things, nagsisimula ng gumulo.

"So you guys thought something happened to me? Dahil sa biglang pagsulpot ni Kuya na may kasamang dalawang hindi familiar na lalaki?" I said, stating my conclusion.

This is the most plausible reason kung bakit gabi na ay pinili pa nilang kalampagin ang pintuan.

"Exactly." Sabay pa nilang sagot.

"Kuya won't do anything that could harm me. C'mon guys. You know my Kuya better than anyone else. Wala naman sanang ganyanan." He's kind and a sweet loving brother. He will never do things that could possibly harm us. Never.

"Yes, we know Kuya Shiro and he won't do things that could harm anyone. Pero hindi yung mga kasama niya, they don't look nice. What if they did something to Kuya Shiro? How are we supposed to know?" Zenia said, stating the possible reason which is hindi naman malayong mangyari. She has a point.

As for now, were not sure of anything. Even the fact that, that man is my Kuya. Yes, kamukhang-kamukha but were not sure. Paano kung nagpaplastic surgery lang yon. Pero bakit? Anong mapapala nila?

"We should, we should sleep first." Pagtatapos ko sa usapan. Pare-pareho kami kulang sa tulog, siguradong hindi pa nagfufunction ng matino mga utak namin. "Gabi na, hindi tayo makakapag-isip ng matino. Bukas na lang tayo mag-usap, pagkatapos ng klase ko. Coffee shop, sa tapat ng univ. Saktong 3 PM, walang malelate." Pagdadagdag ko sa unang nasabi.

Paalis na sana sila nang may mapagtanto ako para tawagin sila pabalik.

"Teka." Dahan-dahan silang lumingon at tinignan ako ng nagtatakang tingin.

"Oh? Problema girl?"

"Ten o'clock banda nakita dito si Kuya Shiro at ten o'clock din halos, nakarating kayo dito sa condo ko. Kahit na sabihin nating tumakbo o sumakay kayo mula sa mga bahay niyo. Hindi kayo makakarating dito ng ganun kabilis." Hello. Agent lang siya, bata si Gino, hindi sila si flash.

"Well, aayain ka sana namin uminom. Nagpagdesisiyunan naming dito na lang magkita sa lobby. Tapos yun nga, nung papasok na kami, saktong palabas sila Kuya Shiro. Hindi na namin nakompronta si Kuya Shiro kasi tumakbo kami agad dito."
Pakwekwento ni Zenia na may kasama pang pagmostra ng kamay.

Anak ng tae. Iinom nanaman? Ano bang baga meron ang mga to? Bakal? Ayos pa ko sa buhay ko. Maraming problema pero hindi naman ganon makakatulong ang alak. Hangover at butas na bulsa lang ang ibibigay niyan sa akin. Kahihiyan din pala.

"Uminom nanaman? May klase ako mga siraulo. Isa pa, wala akong balak palitan ng alak ang tubig sa katawan ko. Kayo na lang uminom." Napapangiwi kong sabi habang pinagmamasdan sila.

Wala kang makikitang bakas na bagsak sila sa inuman kaninang umaga. Samantalang ako, eto, medyo may hangover pa.

"Oo na, babe. See you mamaya sa coffee shop. Bye, antok na ko."

Nauna nang umalis si Gino dahil inaantok na. Iba din, kung sakaling umiinom sila ngayon. Siguradong buhay na buhay ang dugo nito.

"Ginagawa mo pa dito?" Tanong ko ng makitang nananatiling nakatayo si Zenia at pinapanood akong ayusin ang kalat na ginawa nila.

"Alam kong mag pinag-usapan kayong dalawa. Kwento mo sakin sa sabado pag-uminom tayo dun sa birthday party ng ex ni Gino. Malamang hindi yun pupunta dun." Ex ni Gino ang tawag niya kay Arñia. Ayaw niya sa totoong pangalan, ang alat daw. Baliw.

"Ikaw pa, eh lahat yata alam mo. Sige na, layas. Magkwekwento ko sa sabado."

Hinatid ko na lang siya ng tingin mula sa pinto hanggang sa elevator. Shoot. Yung kotse niya nga pala. Bahala na, ibigay ko na lang sa kanya bukas. Sigurado namang hindi niya yun hahanapin dahil sa dami ng kotse niya.

-

"Green light na! Bulag ka ba!?"

Sorry naman po, lutang pa din. Ilang oras lang tulog ko.

"Sorry po!"

Agad kong pinaandar ang kotse bago pa bumaba yung nasa likod ko at ayain ako ng away. Kung sa ibang araw, pwede pa. Huwag lang ngayon, late na ko.

Eight ang start ng unang klase ko at halos sampung minuto na ang nakakalipas simula ng mag alas-otso. Badtrip. First day, late agad. Hindi naman sa galit ng professors ako nag-aalala, kay Augustus. Hindi pwedeng bad shot ang first impression niya sakin. Paano ako magiging maganda sa paningin niya, kung sa ganitong lagay niya ko unang makikita?

Late na ko nakatulog at hindi pa nagalarm ang phone ko. Paggising ko, quarter to 8 na. Wala pa nga akong kain at nagsisimula nang kumalam ang sikmura ko.

Lakad takbo ang ginawa ko para marating ang building ng room namin. West wing daw. Badtrip, bakit hindi na lang lumipad at lumipat sa harap ng gate.

"TABE! DADAAN ANG LATE NA SA KLASE!" Sigaw ko dun sa isang magbabarkadang akala mo mga barrier dahil nakaharang sa pathway. Late na talaga ko!

"BSIT 2-A. BSIT 2-A. BSIT 2-A. BSIT 2 - Fucking yes! Nakita din kita! Ye - "

Natigil ang akmang pag bukas ko ng pintuan nang may naunang magbukas nito mula sa loob. Isang mukhang masungit na babae ang hinarap ako.

"What are you doing? Yelling at the door while I'm having a class?"

Nakakasindak ang tindig, pananalita at postura niya but I'm not even shaking in fear. I've been at worse scenario. Like, yung tipong gutom na gutom ka pagkagaling sa gala tapos pag-uwi mo, walang kanin or ulam. Ouch.

"I'm sorry, Ma'am. I'm a transferee here and I got lost so I got overwhelmed when I found my classroom." Paumanhin ko habang pasimpleng ginagala sa loob ang paningin.

Where are you? Where are you? Where are, oops. Spotted.

Target spotted. Mission: Augustus Mendoza.

Hi, Augustus! Hi, future boyfriend!

-

A/N: Special thanks to RosasDeMayu, arexisch, WeirdongNerd, and rarisaaaa ♥.

StealWhere stories live. Discover now