Nakangiting pumasok ko sa office ni Chief Rouge. Ah, it feel so good to be back. Finally, after a week or so, nagbabalik nanaman ako dito at may dalang magandang balita.
Napaangat ng tingin si Chief nang malakas akong tumikhim. "Oh, Agent Sun. Report?"
"Yes, Chief. You will surely be happy with my report."
Hinila ko ang upuan sa tapat ng mesa niya tsaka naupo. Pinagkrus ko ang mga hita at masayang tumingin kay Chief na naghihintay sa good news.
"Okay na."
Kumunot ang noo niya at halatang hindi naintindihan ang sinabi ko. "Ang ano?"
"Nablackmail ko na si Augustus. He'll be helping me in the mission. So, give me the additonal details and instructions. Para matapos na to." Atat na sabi ko. I can feel the excitement running through my veins.
"That fast!? Parang ang bilis mo naman yatang maconfirm ang identity niya? Are you even sure with your informations?" Takang tanong niya.
Eto nanaman siya, parang walang tiwala sa agent niyang ilang taon nang namamayagpag. Syempre, sure ako. Wait, hindi nga pala. Blackmail agad ginawa ko. Shit. Probelma to. Pero sure naman akong delikado siya. Pwede na kaya yon?
"Actually, hindi ako sure sa identity niya. Blackmail agad ang ginawa ko hehe." Alanganing sagot ko. Mali pa yatang blackmail agad ang ginawa ko.
Kasi naman, masyado na kong naiirita at naiintriga sa kung sino si Augustus. Nakakacurious masyado ang pagkatao niya. Tapos ganon pa yung mga pinapakita niya.
"What!? Are you even thinking!?" Galit na sigaw niya at napatayo pa. Oh, this isn't the shouting that I've been expecting.
"Of course!" Sigaw ko din. Sinasabayan ang pagtaas ng boses ni Chief. Kung painitan lang rin naman pala ng ulo. Aba, game ako!
"I am thinking. Kaya nga blackmail agad ang ginawa ko para mas mabilis mapalapit sa kanya at malaman ko kung sino siya." Kalamado nang saad ko. Joke lang yung sigaw, ako may mali dito kaya dapat magpakahumble ako ng saglit.
Napahilot siya sa sintido at halatang ayaw tanggapin ang rason ko, edi huwag. Wala na din siyang magagawa, nablackmail ko na eh. Sana lang, tama kami. Pero hayaan na, thief man siya o hindi, okay lang. May skills naman siya, skills na talaga namang pamatay.
"Anong ginamit mo para mablackmail siya?" Kalmado na siya pero masama pa din ang tingin sa akin.
Pinakita ko ang video nung party, nung nagrambol kami ni Augustus malapit sa fire exit. Hindi siya nagulat sa mga nakita. Poker face lang siya habang pinapanood yung rambol namin. Aba, actor din pala itong si Chief?
Pabagsak siyang umupo sa swivel chair niya, mukhang nastress. Ano nanamang ginawa ko!?
"Chief? Ano? Ayos ba?"
"Kahit naman hindi, wala na kong magagawa." Napangiwi ako sa sinabi niya, parang sinsabi niyang ang panget ng diskarte ko.
"I'll send you the additional instructions later. You may now go." Pagtatapos niya sa usapan.
Bakit ba lahat na lang ng kausap ko ngayon, pilit ako pinapalayas? Naligo naman ako, nagtoothbrush din. Maayos naman itsura ko, mukha naman akong maganda. Monday na monday, ang laki ng problema ng mga tao.
Palabas na sana ako nang magsalita nanaman si Chief. Heto nanaman siya sa marami niyang paalala na hindi ko naman sinusunod.
"Please include Agent X in your next step. Hindi simpleng magnanakaw ang kalaban mo Alvarez. Hindi mo alam ang kaya nilang gawin. Sige na, mag-iingat ka."

YOU ARE READING
Steal
ActionI'm a secret agent. He's a thief. One item. One mission. Together, as a team. We steal. - Photo used in the cover is not mine. Credits to the rightful owner. -