"So, that's it. That sums up the whole plan." Masayang pag-anunsyo ko dahil sa wakas, natapos din ang pagplaplano.
Tumayo ako at nag-inat. Grabe, nakakangawit ang naka-upo lang.
Tinignan ko ang relo at nagulat nang makitang pasado alas-dose na. Halos anim na oras din pala kaming nag-usap. Hindi ko namalayan dahil masyado kaming tutok sa ginagawa.
Saan kaya maganda kumain ng lunch? Gusto ko ng lomi.
Sinundan ko lang siya ng tingin ng magsimula siyang maglakad papunta sa kusina para itabi yung mga platito at tasa. In fairness ha, sa anim na oras na yon, hindi ako nagutom. Nagbigay kasi ng meryenda kanina yung kapatid niya bago pumasok, cookies. Hanep sa sarap.
Nagulat ako nang magdire-diretso siya sa taas at mukhang nagmamadali. Anong nangyari don?
Pagkababa ay mas lalo akong nagulat nang makitang bihis na bihis na siya, mukhang may pupuntahan.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko habang hinahanap ang remote ng tv nila.
"Afternoon class." Sagot niya at nagmamadaling magsuot ng sapatos.
Ipilit niya talagang pumasok. Napakabait namang estudyante.
"Huwag na. Besides, hindi pa tayo nakakapag-usap tungkol sa mga gamit na dadalhin."
Tumigil siya saglit sa pagsisintas at bumaling ang tingin sa akin. "Why? Are we having camping there?"
Joke ba yan? Kasi kung oo, ang mais. Panget niya magjoke, kasing panget ng bulok niyang escape plan.
"Oo, kaya magdadala ka ng marshmallows dahil magbobonfire tayo."
Tumingin muna siya saglit bago sumagot. "Okay."
Napapadyak ako sa inis dahil sa sagot niya. Wala na akong pasensyang natitira! Buti nga at hindi kami nagrambol kanina, sagutan lang pero walang batuhan ng tasa.
Umupo ako sa sofa at pinagkrus ang mga braso. Bahala siya. Basta ako, dito lang. Hindi pa ganon kaayos ang plano namin at marami pang kulang.
Nakatitig lang ako sa tv nang bigla siyang sumulpot sa harap ko, kunot ang noo. "What are you doing?"
Napairap ko sa tanong niya. Hindi ba obvious?
Nang hindi ako sumagot ay bumalik siya sa pagsisintas habang pinagsasabihan ako.
"Go home or go to class."
Umiling ako. "Ayoko."
Humiga pa ako sa sofa at inayos ang unan sa ulunan, handang matulog. Nagbago na isip ko, matutulog na lang ako. Siguradong hindi niya matitiis na iwan ako dito sa pamamahay nila. Mukhang maganda pa man din maglibot dito sa loob ng bahay nila.
Wala pang isang minuto pagkalabas niya ay bumukas uli ang pinto at tumambad sa akin ang pawisang Augustus. Ano to? Nagmarathon?
"Oh? Akala ko - "
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin nang bigla niya akong hilahin papunta sa gilid nung ref nila.
"Ano - "
For the second time around, he cut me off. Now, using his hands. Kadiri, baka kung saan niya to hinawak.
Inamoy ko yung kamay niya at hindi naman amoy tae o kanal kaya medyo nakampante ako. Malay ko ba kung nakikipaglokohan nanaman siya.
Gusto ko sanang kagatin ang daliri niya pero parang wrong move yon. Mukha kasi siyang kinakabahan at hindi mapakali. Hindi siya nanginginig pero malalim ang paghinga at lingon ng lingon. Napapano ba to?
Nagsisimula na akong mangawit dahil hindi maganda ang pwesto namin dito sa gilid. Siya, nakasandig sa pader at ako, nakasandig sa kanya. Hindi na din ako komportable dahil iniinit na ko at nangangati ang lalamunan ko. Ano ba kasing nagyayari?
Nahigit ko ang paghinga nang biglang bumukas ang pinto ng dahan-dahan at may magsalita.
"Clifford."
Ang creepy nung sound tapos nakapatay pa ang ilaw na hindi ko man lang namalayan. Hindi naman ako nainform na may shooting ng horror film ngayon.
Yung fake name ni Augustus ang tinawag niya o fake name nga ba? Basta hindi ko alam. Sa ngayon, etong horror film muna ang aalalahanin ko.
Hindi ko masyadong maaninag ang itsura nung pumasok dahil pilit akong hinihila ni Augustus sa pinakagilid ng ref. Isa lang ang sigurado ko sa ngayon, tao yung pumasok, babae. Walang haling biro dahil nakita ko pang hawak niya yung frame sa gilid ng tv.
Naglakad siya papunta sa coffee table na malinis na ngayon at umupo sa sofa. Buti na lang talaga at inayos na namin ang mga gamit don. Mahirap na, baka magnanakaw din to.
"Clifford?" Patanong na tanong nung tao.
Ewan ko kung kinakausap niya kami o ano. Kanina kasi, parang sigurado siya. Tapos ngayon, parang nagtatanong. Baka may sapak din.
Siniko ko ang nasa likod kong mukhang okay na. Sinesenyasan ko siyang puntahan na yung tao dahil hindi ako fan ng horror films at baka importante ang sasabihin nito. Baka scam plans nila ang sasabihin.
"Do everything you can to eliminate that girl." Wala siyang kausap pero parang kausap niya si Augustus at ako ang tinutukoy o baka nakakakita to ng multo.
Huminga ako ng malalim. Feeling ko, tumigil saglit ang tibok ng puso ko sa kaba. Nagstop din sa pagprocess ang mga brain cells ko sa gulat. Walang halong biro, ibang takot at kaba ang nadarama ko sa mga oras na to.
Hindi naman ako ang tinutukoy dahil walang binanggit na pangalan pero feeling ko, ako talaga yon. Pahamak talaga itong pagiging feelingera ko.
"I'll be expecting news about that later."
May ibinabang kung ano yung tao bago nagsimulang maglakad paalis. Dinig na dinig ang linilikhang ingay ng takong niya sa tuwing lalapat sa sahig. Yung tipong sa mga horror movie.
Ilang minuto pa ang nakalipas bago ako binitawan ni Augustus at lumapit sa coffee table para kuhanin yung binaba nung babae. Isang recorder.
Humila muna ako ng isang upuan at doon umupo. Nanlalambot ako at ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Go home."
Napalingon ako sa kanya at nakitang binabaklas niya na yung recorder. Ginagawa nito?
"Ano yon?" Tanong ko sabay kuha ng tubig sa ref, naghanap na din ako ng makakain. Nagugutom na ko.
"Go home." Pag-uulit niya pa.
"May pag-uusapan pa tayo."
Tinigil niya ang ginagawa at hinarap ako. Mukhang suko na sa pakikipagtalo. Dapat lang, hindi rin siya mananalo laban sa akin.
"Huwag kang makulit, umuwi ka na." Aba, at ako pa ngayon ng makulit?
"Bakit ba pilit mo kong pinapauwi? Kanina ka pa eh."
"This place isn't safe." Seryosong saad niya.
Natawa ako. Alam kong seryoso siya pero kasi, nakakatawa lang. Pakikipag-alyansa pa lang sa kanya, delikado na. Kaya kung dadagdagan pa ng delikado, edi mas masaya.
Pinakita ko sa kanyang hindi ko sineseryoso ang mga sinasabi niya. Bahala siya dyan.
"Fine!" Napalingon ako sa kanya nang bigla na lang siyang sumigaw. Kanina pa siya ah, napapano ba talaga to?
"Sa apartment mo. Doon tayo mag-uusap." Sabi niya at nagsimulang umakyat sa taas.
Bakit sa apartment ko? Nakakapagduda ha. I should be prepared, baka this is one of his scam plans, pero okay na din to. Ngayon, teritoryo ko naman. Hmmm, good choice. Hindi nga lang para sa kanya.
Sana lang, hindi mo pagsisihan ang desisyon mo Augustus.
Napangiti ako sa naisip. Oh lala.
YOU ARE READING
Steal
ActionI'm a secret agent. He's a thief. One item. One mission. Together, as a team. We steal. - Photo used in the cover is not mine. Credits to the rightful owner. -
