"Try me." I said, smiling.
Natutuwa ako sa mga nangyayari. Pakiramdam ko, I've got the upper hand now.
Mas humigpit ang hawak ko sa baril nang humarap siya. Iba ang dulot sa akin ng bawat galaw niya, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung dahil sa nangyari sa party o dahil sa alam ko kung anong kaya niyang gawin o dahil sa pagkatao niyang hanggang ngayon, palaisipan. Siguro, yung pang-apat ang sagot, all of the above.
"Put the gun down." He commanded me, still calm as ever. Oh c'mmon, duling ba siya o bulag? Hindi niya ba nakikita ang threat na nasa harapan niya? Hello? Yung pamatay kong beauty hindi niya nakikita?
Nang mapansin niyang ayaw kong ibaba ay humakbang siya papalapit na ikinagulat ko. Aba, walang takot?
"Tigil! Binabalaan kita, Augustus. Isang hakbang pa." Umatras ako at lumapit sa bakod. Handang talunin kung sakaling hindi umayon ang mga magaganap sa plano.
Hindi siya kumurap. Nanatiling nakatitig at syempre, kalmado. "Inside, let's talk inside." Sabi niya at nauna nang pumasok sa loob ng bahay nila.
Napabuga ako ng hangin nang mawala siya sa paningin ko. Hanep na mga titig yan, nakakaintimidate.
Inayos ko ang sarili bago pumunta sa kung saan man siya dumaan. Nakita ko siya likod ng bahay nila, nakasandig sa pader at mukhang hinihintay ako. Ano to? Gentleman act naman? Galing din.
Pagkakita sa akin ay nauna na siyang pumasok. Sumunod naman ako at pinanatiling handa ang sarili dahil baka bigla na lang may lumipad na bala sa kinatatayuan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang walang balang lumipad sa direksyon ko at matiwasay akong nakaupo sa upuan na nakapalibot sa mesa nila.
Nakatalikod siya sa akin. Nagtitimpla ng kape at kumukuha ng kung ano sa ref. Pagkababa niya ng dalawang tasang kape ay hindi ko agad kinuha ang isa. Kahit ang tinapay ay hindi ko inabot. Kahit gutom ako at sinabi kong maghanda siya ng snacks, ayoko. Who knows? Baka may lason yan, edi deds agad ako? Hanep, it's a no.
"Akala ko pa nagugutom ka?" Kunot-noong tanong niya habang humihigop ng kape. Ang tapang ng amoy nung kape, nakakaengganyo.
Pinagkrus ko ang mga braso at saka siya tinignan. "Wala akong time sa biruan, Augustus. Marami akong tanong at kailangan sabihin."
"Go on. I'm listening." Balewalang saad niya at nagpatuloy sa paghigop sa kape at dahan-dahang pagnguya sa hawak niyang cracker.
Kinuha ko ang mga litrato na nakaipit sa jacket at tsaka pabatong inihagis sa harap niya. Magkatapat lang kami at abot namin ang isa't-isa kung sakaling maisipan naming biglang magsaksakan. Though, he slightly got the upper hand right now. Pwede niyang ihagis sa akin ang tasa ng mainit na kapeng nasa tabi niya.
Ilang minuto niyang pinagmasdan ang mga litratong hinagis ko. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya dahil nananatiling blangko ang tingin niya. Dahan-dahan niyang pinagmamasdan ang larawan tsaka hihigop ng kape.
"What's this? Party souvenirs? Quite unique." Nag-angat siya ng tingin sa akin at halata sa itsura niyang alam niya ang ibig sabihin ng mga litratong yon.
Oo, souvenir yan! Souvenir ng huling party na madadaluhan mo bago ka makulong.
"Teaser pa lang yan, I got the video. Lahat malinaw, kahit boses natin." I was talking about the scene we made at the party. Where he pointed a gun at me.
Having a hidden camera is always handy.
Kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay, halata sa itsurang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Finally, the change of reaction that I've been waiting for.
"Let's have a deal." Panimula ko. I know that he won't speak. Hihintayin niyang ako ang magpropose ng kung ano mang naiisip ko.
"I will delete the video. If you will help me do some business." I'm now smiling widely. Lahat ng bad vibes sa katawan ko, naglaho.
If only Chief Rouge is here, he will be happy as I am. I know he would be proud of me. This is actually the first time na nagamit ko ng maayos ang hidden cam ko. Also, this is one of the toughest mission and yet, nagawa ko in just a week and several days. O my, I'm smelling my next mission.
"You know, kung sakali man na ibigay ko to sa pulis, may chance na makulong ka. Pwede kitang kasuhan at pwedeng maungkat lahat ng binabaon mong sikreto. So? What do you say? Is it a deal? Hmmm, Augustus?" I don't really know what secrets he had under his sleeves but I need to take the risk.
This isn't the blackmailing I'm looking forward to. Iba ang nasa isip kong gagamitin but I'm desperate. Desperado na kong masagot lahat ng katanungang bumabagabag sa akin.
"No." I was surprised with his answer, really. Is he even thinking!? Narinig niya ba ako!?
Huminga ako ng malalim at hinilot ang sintido. I'm also expecting this but this is the least scenario in my mind. Iniiisip kong papayag agad siya! Silly me, of course not.
"You may now go if you have nothing else to say." Tumayo siya at nagsimula nang ligpitin ang tasa at mga tinapay.
Linukot niya din yung mga litrato at tinapon sa basurahan sa gilid. Sayang, that's a souvenir.
Tinitigan ko lang ang ginagawa niya at nag-isip ng bagong tactic. Badtrip, wala akong extra plan. Iniisip ko kasing aayon lahat sa plano. Damn.
I smiled when I remember something.
"Where's your sister?"Mas napangiti ako nang mapansing napatigil siya sa paglapit sa lababo. Bingo.
Humarap siya, mas lalong kumunot ang noo at masama na ang tingin sa akin. Finally, more reactions from him.
I don't really want to use his sister dahil walang kinalaman yung kapatid niya. Besides, she's kind and I don't want to ruin the image of her kuya, kung ano man ang naiisip niyang ugali ng kapatid niya. I just need to do this.
"Cresha Arisse? Am I right? Is she here?" As if on cue, may narinig kaming mga papalapit na yabag.
Bumukas ang ilaw sa sala. Sinong may gawa? His kind little sister, Cresha Arisse Salazar Mendoza. She's here, what a pleasant surprise.
"What are you doing here po?" She asked, staring at me.
Should I say that I'm here to blackmail her kuya? That her kuya threatened me and now, I'm the one threatening her kuya? I don't know what to say so I glance at Augustus. Signing that he should be the one to reason out.
"Not that important. She's just asking about our assignment in web designing. Sleep more. Gigisingin na lang kita mamaya." Ngumiti pa siya and believe me, his smile can decieve anyone, again.
Hindi na villain smile, lead smile na! Panalo na to.
"Okay po. Don't fight po."
Pinanood lang namin siyang kumuha ng tubig sa ref, isalin sa baso at inumin, umalis sa ksuina at hanggang sa hindi na namin siya makita. Tsaka ko lang hinarap si Augustus na naghihilot na din ng sintido. Ooh, stress na siya.
"Now? Is it a deal? Hmm, Augustus?" Alam kong alam niya na ang mangyayari once na tumanggi siya.
I'm not sure if may alam ang kapatid niya or wala but still, I need to take the risk. Isa pa, feeling ko, walang alam ang kapatid niya. I just hope that I'm right.
YOU ARE READING
Steal
AcciónI'm a secret agent. He's a thief. One item. One mission. Together, as a team. We steal. - Photo used in the cover is not mine. Credits to the rightful owner. -