We went through hoops and loops bago makarating sa kung saan man nakatira itong batang to. I'm not sure kung gaano kalayo to mula doon sa convenience store or sadyang mukha lang malayo because I've never walked this far, this is the first time. Isama pa ang so bright at tirik na tirik na araw. Imagine, 3 o'clock in the afternoon, wearing a shirt and thick jacket ft. scorching heat. Ending, mainit-init at pawisang pandesal.
I'm certain that this is near the University, nadaan ko nung pauwi na kanina yung eskinitang pinasukan namin kani-kanina lang.
Maraming tambay na nagkalat. Mga mukhang lasing na at mukhang ilang araw ng hindi naliligo. Mga typical lasinggero sa kanto.
"Witwiw. Ganda mo, Miss!" Wala akong limang piso!
"Are you lost, bebe gurl?" Yes, tulungan mo naman akong hanapin kung saan nagkulang ang nag-alaga sayo at lumaki ka ng ganyan.
"I lost my number. Can I have yours instead?" Police number. Want mo?
"Ikaw ang binibini na ninanais ko 🎶." Ikaw naman ang ginoong ninanais kong sapakin.
Hindi ko na lang isinantinig ang mga naisip kong 'counterback' dito sa nga lasing. Mahirap na, lasing tong mga to, maganda lang ako. Isa pa, baka mahalata nitong Cresha na sinusundan ko siya kapag gumawa ako ng gulo. Medyo malayo siya sa amin kaya siguro hindi niya naririnig ang mga bulok na banat ng mga lasing.
Muntik nang maubos ang maikling pasensya ko bago makalagpas sa mga lasing. Nowhere to be seen na yung Cresha. Malas naman oh!
"Looking for me?"
"Ay! Lasing na pandesal!" Anak ka ng nanay mo! Aatakihin ako sa puso nito.
Gulat akong napatingin sa kaliwa ko. Yung Cresha. Shit. Kailan pa siya nandito? Bakit ni hindi ko naramdaman paglapit niya? Kinakalawang na ba skills ko?
"I'm asking you po. Are you looking for me?"
Kinilabutan ako sa tanong niya. Paano niya nalaman!? Lagot na.
"H-ha? Paano mo naman nasabi?" Hindi dapat ako kabahan. Bata lang to, na mukhang matanda na, agent ako.
"Kasi po I heard what those mga lasing said. They used to mock new faces they will see lalo na kung mukhang may ibubuga. Kaya po nung hinanap ko kung sino yung tinutukoy nila, I saw you and I clearly remember na ikaw po yung kanina sa convinience store." Hindi siya nakangiti, hindi din nakasimangot. Mukhang hinahalukay niya na ang buong pagkatao ko sa paraan niya ng pagtingin.
Ibubuga? Ano ko dragon? Well, minsan kapag nagagalit nagiging dragon pero hindi ako bumubuga ng apoy, hangin lang, kanin din.
"Pero paano mo nga nasabing ikaw ang hinahanap ko? Pwede namang nagkataon lang."
Wala na yung kabang naramdaman ko kanina. Ngayon, puno na ng pagtataka. Ang dami niyang sinasabi at lahat nang yon, may point. Saang balon niya ba hinuhukay lahat ng sinasabi niya?
"No po. That's too much of a coincidence if ever so I believe na sinadya na po ito. Also, kung iba po ang pupuntahan niyo, you could come anytime. Lastly, you don't look like you're familiar with what you've been seeing. Surely, kung may balak kayong puntahan, you should know what kind of place is this." Seryoso paring paliwanag niya. Inosente ang mga tingin pero at the same time, parang alam niyo kung sino ako.
Hindi ko alam ang sasabihin. Maraming tanong na namumutawi sa kin. Katulad ng, ano bang klaseng lugar to? Dapat ba kong kabahan? Sino tong batang to? May kinalaman ba siya kay Augustus? Bakit parang ang dami niyang alam? Mali ba ako ng rutang tinahak?
"Ate?" I was taken aback when she suddenly snapped her fingers. Para akong biglang nakahinga. Nawala na rin ang kaninang mabigat na atmosphere.
"H-ha?"
"Nagulat ko po ba kayo? Sorry po. I was practicing lang po. I want to be part of the theater's club at our school and I will be playing as an investigator." She suddenly smiled and believe me, her smile kinda creep me out. "I did well po ba, Ate?"
"Ah? Oo. Ang galing mo." Wala sa loob na usal ko.
"Though, I'm serious with my questions po. What are you doing here, Ate?"
Hindi maganda ang dating sa akin nung Ate. It gives me chill. Never, during my missions na kinabahan ako ng ganito. I'm always calm, even it's a life and death situation. Pero ngayon, ayaw magfunction ng utak ko. Nalulutang ako. Naluto yata sa init ang utak ko, baka naging pandesal na.
"Ay! Utak pandesal!"
Natatawa niyang pinagmasdan ang gulat na expression ko. Happy ka?
"You're tensed po eh. You look kinakabahan. Okay lang po ba kayo? Maybe, you should drink water. Baka po nadehydrate ka sa init, kanina pa po tayo dito nakatayo. Let's go to our house, Ate." Ayan na naman yung Ate!
Nagpatiaanod na lang ako sa paghila niya. Wala naman sigurong masamang bagay ang kayang gawin nitong batang to. Besides, meron akong baril at pocket knife. I also know some basic martial arts. I'm safe, but I shouldn't be relieved. This kid is something.
Dinala niya ako sa isang simpleng two-storey house. Hindi siya ganun kalaki pero mukhang sapat lang para sa isang pamilya. May bakuran din pero walang kahit anong tanim na bulaklak. Isang bonsai na nasa paso lang ang meron, mukha pang malapit nang mamatay.
Pagpasok sa bahay, bubungad sayo ang staircase. Sa pinakadulo, may makikita kang portrait. Si Cresha at isang lalaki.
Sa kanan, ang sala, kaliwa ang kusina, mukhang second floor ang mga kwarto. Maganda at malinis ang bahay. Mukha ding mamahalin ang mga gamit. Mayaman yata sila at kung papansinin mo, mukhang sila ang pinakamayaman sa lugar na to. Ang mga katabi nilang bahay, two-storey nga, mukhang luma o sira ang ikalawang palapag. Pero marami ding maayos at mukhang may kaya. Eskinita ang pinasukan namin pero mukhang tong undeveloped village.
"Ate! Meryenda ka muna. Then, hatid na kita sa kung saan ka pupunta."
Sumunod ako sa kanya sa kusina. May nakahanda nang platito na may cake at juice sa isang pitcher.
Nang magsimula akong kumain ay naging tahimik kami, hindi siya nagtatanong at kumakain lang. Mukhang mamaya niya ako raratratin.
"I was actually looking for Augustus Mendoza. Nakita ko kasi siya nung minsan na dito sa eskinitang to pumasok. Magpapagawa sana ako ng portrait, balita ko kasi, magaling siya magdrawing." Inunahan ko na siya, mas maganda na to. Mahirap na kapag nagtanong siya, baka may bagay akong masabi na hindi dapat. Sana lang maniwala siya at sana lang kilala niya.
"You're not his classmate po no?"
"How did you know!?" Gulat na tanong ko.
"My kuya never drew at class. Hindi siya magaling magdrawing." Kuya? Siya nga! Shit. Tama ako!
"Kuya? Kapatid mo? Ano, uhm, asan siya ngayon?"
"Yes po. I don't know." Kampanteng sagot niya habang may kung anong kinakalikot sa phone. Andun na eh, hilig sa pabitin nitong batang to.
Hindi na lang uli ako nagtanong dahil siguradong magtataka na siya. Magpapadrawing lang ang dahilan ko mamaya bigla ko matanong kung anong trabaho, edi nagkabukingan na. Baka isipin pa niya, interesado ako sa kuya niya. Duh, no way, high way, bibingka, puto, limang piso.
Nasa kaligtnaan ako nang pagappreciate sa cake nang bigla na lang siyang tumayo at magyaya na umalis.
"It's almost 5 na po, you should leave. Let's go na, Ate."
Eh, may curfew? Bakit ang aga?
Sa ibang eskinita kami dumaan at bawa't madadaan naming bahay, may malalaking aso. Mukha ding haunted dahil makaluma lahat nang bahay. Mas nakakatakot ang vibes dito kaysa dun sa mga lasing.
"Cresha."
Kinilabutan ako sa paraan ng pagtitig at pagtawag nitong lalaking nasa harapan namin. Nakangti siya pero mababakas parin yun pagiging seryoso niya sa buhay, mga tipong kapag biniro mo, babaon ka sa lupa. Katakot.
"Kuya." She smiled after saying it and those smiles look different. Really different.
![](https://img.wattpad.com/cover/236865704-288-k936729.jpg)
YOU ARE READING
Steal
ActionI'm a secret agent. He's a thief. One item. One mission. Together, as a team. We steal. - Photo used in the cover is not mine. Credits to the rightful owner. -