Chapter 9

10 4 3
                                    

A/N: Special thanks to solffolly, jymaureen, pugnaey, and RukiaTaichou ♥.

-

Lunch. Dalawang klase na ang natapos at ayos naman, maliban sa isang bagay. May dalawa akong kaklaseng siraulo. Ang lakas ng topak, tumawa ba naman nung nakitang pinagalitan ako ng prof. Nangingibabaw yung tawa ng bata kaya hanggang ngayon, masama pa rin ang tinggin ko sa kanya.

"Babeee! Sorry na. Huy! Eh, nakakatawa naman ka naman talaga. Ang sama ng tingin sayo ni prof."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papuntang cafeteria. Bahala siya diyan. Hindi ko siya kilala, siraulo.

"Yeah, girl. Prof really look mad at you a while ago." Pagsegunda naman ni Zenia. Ay, pagtulungan daw ba naman ako.

"Manahimik ka. Isa ka pa eh. Ano bang ginagawa niyo dito? Duda akong mag-aaral kayo." Tanong ko pagkaharap sa kanila. Naiirita na ko sa pagsunod-sunod nila.

Tinaasan ko ng bongga ang kilay para mas magmukhang mataray. Well, kahit naman daw hindi na. Effortless daw ako magtaray.

"So, tell me." Pinakatitigan ko si Zenia at pilit na hinahalukay ang kung ano mang nakabaon ngayon sa isip niya. "What are you doing here, Architect Zenia Ex Nobleza Velasco? Duda akong gusto mong maging IT, Achitect." Pagpapatuloy ko. Pinliit pasingkitin ang mga mata para mas nakakadagdag kaba.

Hindi siya sumagot, ngumiti lang, mga ngiting may tinatagong lagim. Aha! Sabi na eh, iba ang kutob ko sa biglaang pagpapakita ng dalawang to.

"And you!" Baling ko kay Gino na ngayon ay ngumangata na ng kung anong klaseng chips. Aba, iba din. Wala pa kami sa cafeteria, may nilalamon na agad.

"Mr. Gino Louis Serano Gray. What are you doing here? You said that you hate going to school. Kaya pagkatapos ng Senior High, nagtrabaho ka na lang sa company niyo. Ano to? Ha!?"

"For a change?" Patanong na sagot ni Gino.

Huh! Super lame excuse! For a change my foot.

"Gunggong! Hindi mo ko maloloko. Alam kong may plano kayong dalawa at sinasabi ko sa inyo ngayon pa lang. Huwag na huwag kayong haharang sa daraanan ko. Tabe!" Paghawi ko sa kanila. Iba din eh, kung makaharang, akala mo mga barrier din sa pathway.

-

Pasulyap-sulyap lang kay Augustus ang nagagawa ko dahil kanina pa ako naiirita sa dalawang siraulong katabi ko. Nagdadaldalan sila at ako, ang nasa gitna. Kung sana, matino ang pinag-uusapan nila, okay lang. Hindi eh! Nagpaparamihan sila ng fling at nagpapayabangan kung sinong mas mayaman. Sabi na eh, walang gagawing matino tong dalawang to.

Nagdidiscuss lang ng kung anong klase ng website ang prof sa harap. Wala akong maintindihan dahil ang buong atensyon ko ay na kay Augustus. Madali lang sa akin na pagmasdan siya dahil nasa kaliwa ko lang siya, katapat ni Gino. Pagkakataon nga naman. Sumasang-ayon sa mga plano ko.

Bawat pagpitik at lagatak ng hawak niyang pen ay pinagmamasdan ko. Bawat pagkunot ng noo, pagsasalubong ng kilay, pagkagat ng labi, pagkamot sa ulo, pagpisil sa tenga, paghagod ng buhok, pagtaas baba ng dibdib, paulit-ulit na pagtap ng kanyang mga daliri, pagtap ng kanyang mga paa na akala mo ay may sinusundang tugtog. Kahit ang dahan-dahan niyang paglipat sa pahina ng librong hawak niya, titig na titig ako.

Natapos ang klase nang wala akong naintindihan, wala ding nangyaring kakaiba. Nagdaldalan lang ang dalawa kong katabi at patuloy lang sa pagkikinig si Augustus.

Doon natapos ang unang araw ng klase ko. Walang progress sa plano, ni hindi ako pinansin ni Augustus. Diretso labas siya pagkadismiss ng prof. Ilag yata sa mga kaklase namin o sadyang nag-aapura. Tahimik siya, ni hindi niya ako sinulyapan kahit alam kong ramdam niya nang titig na titig ako sa kanya. Palpak, dapat mapansin niya ako kaso wala. Masyado yatang focus sa pag-aaral. Pero, duda ako dito, kakaiba ang kutob ko. Pero kung ito ang larong gusto niya, sige, pagbibigyan ko. Tutal, wala pa akong matinong plano. Tignan natin kung hindi niya pa ko mapansin.

"Hoy! Aba, girl. Baka gusto mong tumayo diyan? Hindi yung ngingiti-ngiti ka dyang akala mo may plinaplano ka nang murder. Sino ba imumurder mo? Kailangan ko na bang bigyan ng death threat? Sama naman kami dyan." Of course, Zenia. The Queen of Deaths Threats.

"Siraulo. Wala. May iniisip lang ako." Natatawang sagot ko.

Good mood ako dahil sa mga naiisip kong plano. I can't wait play some game.

Hintay ka lang Chief Rouge, malapit ko nang makuha ang loob ni Augustus. Sa oras na yon, sisiguraduhin kong magtatagumpay ako.

-

"Huwag na dito. Iba na lang, libre ko pa. Babe, utang na loob wag dito." Anak ng. Ano bang problema nito sa coffee shop?

"Bitaw! Oorder na ko." Ang tindi ng kapit niya sa akin magmula nung pumasok kami dito at ngayong papunta sa counter para mamili ng bibilin. Ano ba talagang problema nito? Hindi naman sana siya nakagat ng asong ulol sa daan kanina.

Nang hindi niya ako mapilit ay bumaling naman siya kay Zenia. Asa naman siya, eh mas matigas ulo niyan sa akin.

"Insan. Ikaw? Ayaw mo dito diba? Ibibili kita ng kotse. Kahit ilan pa. Basta hilahin mo lang si babe palayo dito." At sinuhulan pa nga po. Hindi na uubra yan. Kung fling ka niya, pwede pa.

Nalukot na naman ang mukha ko sa tinawag niya sa amin ni Zenia. Babe sa akin. Tapos, insan kay Zenia. Eh hindi niya nga kamag-anak sa kahit anong henerasyon si Zenia. Ewan ko ba dyan sa batang yan. Kapag yung mga pinsan niyang babae, tinatawag na Ate. Kaming dalawa lang ang hindi. Kahit nga yung mga kafling niya, tinatawag niyang ate kapag inaasar niya. Naiintindihan ko yung sa case namin, nakakailang, pero kahit naman nung hindi pa kami naglandian, first name basis na siya. Adik talaga.

"Madami akong kotse at kaya kong bumili. Isa pa, gutom na ko. Manahimik ka dyan bago pa kita itapon palabas." I told you so.

"Arghhh. Fine! Okay, fine! Umorder na kayo, libre ko." Sagot niya na may kasama pang pagtaas ng kamay na akala mo sumusuko na sa laban.

Ako na lang ang umorder at hinayaan silang magbrainstorm. Siguradong sa dumaan na magdamag, marami nang nabuong conclusion sa isip nila.

Hintay ka lang Kuya Shiro. Everything will be under my control, soon.

StealWhere stories live. Discover now