A/N: Augustus Cliff Mendoza's POV (。’▽’。)♡
-
Kumunot ang noo ko dahil sa nadatnan pag-uwi.
My sister, Cresha, playing some kind of board games with the least person I'm expecting to be here. Hindi siya basta na lang bibisita dito ng walang dahilan. Then, what is he doing here? What does he need?
"What are you doing here?"
Ngumit siya nang makita ako at tumigil saglit sa paglalaro.
"Cliff, my friend! Looking good, huh. Saan ka galing? Date?" Tanong niya habang pinagmamasadan ang kabuuan ko.
Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Alam niyang nakipagkita ako sa kapatid niya tapos tatanungin ako kung saan galing? Magkapatid nga sila, parehong may sira ang tuktok.
Hindi ko siya sinagot at dumiretso sa kusina para uminom. Sumasakit na nga ang ulo ko sa Alvarez na yon, dumagdag pa itong panganay na mas may sira. Problema to.
"My friend, mukha kang sabog. Ano bang nangyari?" Natatawa niyang tanong tsaka humila ng upuan at hinarap ako.
Hindi uli ako sumagot. Siguradong hahaba nanaman ang usapan na to at baka umabot pa kami sa inuman. Huwag na, may klase pa ako bukas. Palibahasa siya, wala, tambay.
Hinarangan niya ako at sapilitang pinaupo sa upuan, tinapatan ng flashlight at pinasingkitan ng mata. Eto na, magsisimula na siya kakadaldal at magiimbestiga na sa kung anong nangyari. Dapat kasi sumama siya nang hindi ako ang kinukulit niya ngayon.
"So tell me, my friend. Kapatid ko ba ang may gawa niyan?"
Napangiwi siya nang tumango ako bilang sagot. Hindi ako sigurado kung natatawa siya o naaawa. Pero dahil may sira din ang isang to, siguradong natatawa siya.
"Walanjo, my friend! Nagpasapak ka sa babae!? Kinakalawang na yata ang skills mo?" Natawa siya, tawang walang bukas.
Napabuntong hininga na lang ako at napahilot sa sintido. Siguradong aabutin kami ng bukas kung kada tanong niya, tatawa siya. Ang hirap talaga kausap ng taong to.
Pinunasan niya ang gilid ng mata na may namuo na yatang luha. Inayos ang sarili pero natatawa pa ring tinignan ako. Mukhang handa nang bitawan ang susunod na tanong.
"Seryoso na. Ano nang balita? Ayos na uli kayo?"
We're not in good terms to begin with.
"No."
I still hate the guts of your sister. Masyadong mayabang ang kapatid mo, Fenrir. Akala mo, alam niya ang lahat. Masyado ding mainitin ang ulo. Dapat tinuruan mo siyang kumalma dahil siguradong ang init ng ulo niya ang magpapahamak sa kanya.
"Ayusin niyo yan."
Tinapik niya pa ko sa balikat bago bumalik sa paglalaro.
Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin sa ayusin dahil wala namang dapat ayusin. Hindi kami magkaibigan ng kapatid niya sa simula pa lang. Magkaaway kami, magkalaban ang mundo ginagalawan namin kaya hindi kami magkakasundo.
-
"Cliff."
Napaangat ang tingin ko mula sa binabasang libro papunta sa tumawag sa akin. Si Fenrir.
Hinayaan ko siyang umupo sa sofang katapat ng sa akin. Inayos niya ang dalawang tasa ng kape at ilang biscuit sa coffee table. Inayos niya din ang chessboard na mukhang lalaruin namin. Siguradong mahaba-habang usapan to.
YOU ARE READING
Steal
ActionI'm a secret agent. He's a thief. One item. One mission. Together, as a team. We steal. - Photo used in the cover is not mine. Credits to the rightful owner. -
