The dance went well. They are now on the stage at ipinapakilala na sila ng mc. My high hopes went down when the mc said the name of the guy. He's not Augustus but heck, he really look like Augustus.
Kailangan ko na bang tigilan ang araw-araw at minu-minutong pagtitig kay Augustus? Sobra na ba kaya eto, naghahallucinate nadin ako?
But, I still have my hopes high, thirty percent of my hope are still standing. Everyone can use fake name, lalo na sa ganitong pagkakataon na hindi pansinin ang mukha. Hindi pa siya nagtatanggal ng mask and that's the only confirmation that I would accept. Kapag nakita kong hindi siya si Augustus. Matatahimik na ako at ang mga laman loob ko.
"Oh? Ano ka ngayon, girl?"
"Maganda pa din." Sabi ko sabay flip hair. Attitude tong taong to kaya kaylangan sabayan
"Gaga. Edi pahiya ka kung sakaling gumawa ka ng confrontation scene sa gitna kanina?" Nakairap na tanong niya.
Hindi ko na lang siya sinagot at pinagpatuloy ang pagtitig dito sa doppelganger ni Augustus hanggang sa makaupo siya sa lamesa sa kabilang side. Mamaya ka sakin doppelganger ni Augustus. Magtutuos tayo pagkatapos nitong party.
Nagpatuloy ang party hanggang sa magsiuwian na ang ilang bisita. Konti na lang ang natira, mga malalapit na business partner at mga relatives. Nauna nang umuwi si Zenia dahil an tagal daw ng painom, magsosolo na lang daw siyang uminom sa bahay nila. Mukhang nakalimutan na niyang ikwekwento ko dapat ang napag-usapan namin ni Gino. Bahala siya, sayang ang chika.
Katabi ko ngayon si Arñia at mukhang ngayon na ang tamang panahon para komprontahin ko siya tungkol sa nangyari kanina. Kung bakit sobrang grande ng entrance niya, halatang pinaghandaan.
"Anong nangyari?" Nagsalin ako ng wine sa baso niya at sa akin.
Kailangan niya to, pamapalakas loob. Kailangan ko din, para mapaghandaan ko ang bombang ibabagsak niya sa harapan ko. Siguradong hindi simpleng wardrobe malfunctuon ang sasabihin niya. I can feel it.
"Wala." Sagot niya habang titig na titig sa baso at nilalaro ang wine sa loob. Halatang malalim ang iniisip at mukhang walang balak umamin.
"Kung may tao man na maniniwala sayo ngayon, hindi ako yon. Hindi mo ko maloloko, Arñia Vasquez. Maski pitik ng daliri mo, alam ko ang ibig sabihin."
Natawa siya sa sagot. Aba, loko to ah. Tawanan ba naman ako, seryoso ako dito.
"Wala talaga."
"Isa pang wala talaga, ihahampas ko sayo tong bote ng wine." Naiinip na saad ko. Alam naman sana niyang maikili ang psensya ko.
"Seryoso ka?" Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil sa naging tanong. Parang siraulo din to eh. Napasukan yata ng lamig ang utak kaya ngayon ay hindi na gumagana.
Nagulat ako nang tunggain niya ang bote ng wine na akala mo umiinom ng energy drink. Anong trip nito?
"Pinuntahan ko si Gino." Panimula niya na hindi ko na ikinagulat pa. May hinala ako sa pinuntahan niya at ngayon nga, eto siya, kinukumpira na tama ang hinala ko.
"Hindi daw kasi siya dadalo sabi ni mom. First time to. Iniisip ko kasi, kahit na wala na kami, baka pumunta siya. May pinagsamahan din naman kami eh." Tumawa siya para pigilan ang pag-iyak at tumungga uli ng energy drink. Palitan ko kaya to ng bacardi o smirnoff para mas magkaroon siya ng energy?
Huminga muna siya ng malalim bago ipagpatuloy ang kwento. Walang talab ang energy drink. Mukhang babagsak na, ang mga luha niya.
"Kaya pumunta ko sa bahay nila para sana ayain siya. Baka sabihin niya kasi, hindi ko siya inaya kaya hindi siya pumunta. Alam mo naman yon, adik." Oo, adik yon si Gino kaya huwag mo nang iyakan.
Nagsasayang ka lang ng luha dahil mahal ka pa non! Ewan ko ba sa inyo, mga tanga. Pareho kayong tanga. Mahal ang isa't-isa pero nakipaghiwalay. Tapos ngayon, iiyak kayo pareho at ipaparinig sa akin ang mga kwento ng pag-iibigan niyo. Hustisya naman sa aking single.
"Pero parang nawala lahat ng balak kong sabihin sa kanya dahil sa nadatnan kong eksena sa gate ng bahay nila. Nakikipaghalikan siya." Ganon na lang ang panlalaki ng mata ko at ang pagkasamid ako dahil sa narinig.
Ha? Bingi na ba ko? Hello?
"Nakikipaghalikan siya ... dun sa ... dun sa ex niya. Sa sinabi niyang hindi ko dapat pagselosan kasi nga ex na yon! Na ako na daw yung ... yung mahal niya." Dinig na ang malakas niyang iyak at mukhang may tama na o sadyang wala ng pakialam sa paligid.
"Ako yung mahal! Ako ... tanga naman neto! Mahal ako eh! Bobo mo. Mahal ako! Mahal ... bobo, mahal niya ko!" Paulit-ulit na sigaw niya sa akin at may kasama lang pagyugyog.
Aba nga naman, kung hindi ko to kaibigan, sinapak ko na to. Naalog ang mga kinain ko kanina. Kapag ako nagsuka dito, walang sisihan.
"Oo na! Sige! Edi ikaw na ang mahal! Oh eto, nang malaman mong mahal ka talaga niya." Gigil na sigaw ko din sa kanya. Kapag lasing ang kausap, walang kakalma. Kailangan sumigaw!
Kinuha ko sa bulsa ang singsing na binigay ni Gino noong sabado.
Maganda yung singsing. Simple lang, may rose sa gitna at napapalibutan ng vines yung mismong ring. Mukhang pinasadya dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito at merong nakaukit sa loob ng singsing. 54, yun ang nakalagay. Hindi ko nga alam kung ano yon. Kung winning number sa isang raffle, lucky number, o last two digits ng bago niyang number. Malayong anniversary nila dahil kahit anong gawin mong pagtitig sa kalendaryo, walang lilitaw na 54.
"Ano to?" Kumalma na siya. Nagpupunas na siya ngayon ng luha pero tumutungga pa din ng energy drink.
Binigyan ko siya ng, hello-uso-buksan-wag-bobo look.
Naiyak siya nung nakita ang laman. Kinuha agad at sinuot sa palasingsingan. Tsaka parang tanga na ngingit-ngiting kinuha ang phone at nagpicture picture. Mukhang nakalimutan na ang presensya ko. Aba ayos din.
Nagpaalam ako sa kanyang pupunta lang sa restroom para magretouch at naiihi na rin ako. Of course, kailangan laging fresh ang beauty. Baka mamaya, makasalubong ko na lang bigla ang aking future boyfriend. Hindi si Augustus ha. Maalala ko, wala na nga pala yung doppelganger ni Augustus. Nawaglit lang sahlit ang tingin ko, wala na pagbalik. Iba din, Augustus ang datingan.
Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko ang taong kanina ko pa hinahanap. Augustus doppelganger, andito ka lang pala. Palabas siya ng restroom at mukhang paalis na kaya nagtago muna ako saglit at sinundan siya. Malapit sa fire exit siya nagtungo. May kausap na siya sa phone at malakas ang boses niya kaya dinig na dinig ko.
"What? Kill the celebrant? The Vasquez?"
Natapilok ako sa narinig, nawalan ng balanse at nawindang ang beauty. Ano to? Am I hearing some potential murder of my friend? Kanina pa ako nakakarinig ng mga nakakalokang revelations.
"Yeah, nandito yung Alvarez. Papatyin ko na din ba?"
Muntik na akong masubsob sa narinig. Anak ng sinabawang bat. Ako ba yung Alvarez na tinutukoy niya? Hindi sa nagaassume ako pero ako na lang ang Alvarez ngayon dito. Kanina pa umuwi ang pamilya ko, thirty minutes ago.
"Mukhang hindi ako nakilala. Bobo yata tong Alvarez."
Agad na nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Siraulo to ah. Kanina, balak akong patayin tapos ngayon naman, tinawag akong bobo. Aba, isa-isa lang naman. Besides, quota na eh, kanina pa ko tinatawag na bobo ni Arñia. Makakatikim sa akin to ng upper cut at ipapakita ko sa kanya kung gaano kagaling sumapak ang bobong to. Lagot to sa akin.
YOU ARE READING
Steal
AkcjaI'm a secret agent. He's a thief. One item. One mission. Together, as a team. We steal. - Photo used in the cover is not mine. Credits to the rightful owner. -
