"Ayaw ko. No. Ekis. Nah. No way. I strongly disagree. It won't happen again, not even in you dreams." Sabi ko na may kasam pang pagkrus ng kamay at patuloy na pag-iling.
Yes, it really won't. Broken lang talaga si Gino non kaya ako sumama.
"I'll kill you if you wouldn't come. Isa pa, balita ko mag-aaral ka na. We wouldn't have time again to do this. C'mon, wag kang killjoy." Nakangusong saad niya, nagpapaawa. Hanep, gamitan ba naman ako ng acting skills? Pero ayoko pa din.
"I, Shine Glea Taranza Alvarez, strongly disagree with your proposal. Nothing and no one can change my mind. Even, death threats, strawberries, or any kind of strawberry products. I then, rest my case - "
Isang kasa at ang malamig na nguso ng baril ang nakapagpatigil sa akin.
"Eh kung isama kaya kitang irest dyan sa case mo? Bet mo?" Tanong niya na sinundan ng kanyang famous 'evil laugh'.
Ramdam ko ang mabilis na pamumuo ng pawis sa gilid ng noo ko. Nagsisimula na akong kabahan dahil alam at sigurado akong seryoso siya. Kapag sinabi niya gagawin niya lalo na kung gusto niya talaga.
Presenting, Zenia Velasco. My partner in crime, my girl best friend which is I didn't expect. Agent din, katulad ko. Mas mataas ang ranggo at syempre, mas magaling, mas matanda din. Isa din tong malakas ang sapak, kapag sinabi, ginagawa. Mahilig rin manakot, lalo na yung nga nililigawan ng mga pinsan niya. Lastly at ang pinakadelikado, mahilig mambanta, laging may 'I'll kill you' at kapag hindi ka sumang-ayon. Say good bye, to the world.
Akala ko naman nagbago na siya, since ilang buwan ko na ring hindi nakikita ang side niya na to. Akala ko lang pala, ang dami talagang namamatay sa maling akala at ayokong sumunod. I still need to know who the hell is Augustus Mendoza.
"Oh chill. Sige na, magbibihis lang ako. Kalma ka lang dyan." Sabi ko at dahan-dahang lumalapit sa kanya para kuhanin yung baril.
"Okay! Wear your best outfit. Maghahanap muna ako ng foods."
Nakahinga na ako ng maluwag nang ngumiti siya at tinulak pa ako para magbihis. Siya ang isa sa mga taong gusto ni Chief na layuan ko. He told me that being friends with her could make me go nuts. To be honest, akala ko OA lang si Chief magdescribe, na baka may galit lang siya kay Zenia. Turns out, he was right, nakakabaliw maging kaibigan si Zenia. That was at first, ayos naman na ngayon, minsan.
Hindi niya na ako hinayaang magdinner. Basta niya na lang ako hinila sa kotse niyang bago nanaman yata. Ngayong taon, pangpito na to sa mga kotse niyang nakita ko, lahat bago.
"Bago? Regalo ng fling mo?" Napangiwi ako.
"Yes, bago. Yes again, binili nung bago kong fling. Well, break na kami actually. Though,we've been together for a week, not bad." Confirmed. She's still the same.
Isang malaking sana all. Ako, minsan na nga lang maregaluhan, tinaguan pa ng susi.
-
Isang oras halos ang binyahe namin bago marating ang isang exclusive bar. Wala na, bangag nanaman ako nito bukas.
Hindi ako madalas uminom, lalo na kung may mission kinabukasan. Mababa lang ang tolerance ko sa alak at talagang hindi ko na naiisip ang ginagawa at sinasabi ko kapag lasing ako. Bagay na ayaw ko na sanang mangyari pa kaya ayoko sumama kaso, gusto ko pang mabuhay.
Last time kasi, broken si Gino, nag-aya uminom. Bilang kakilala niya ko at kaibigan din niya si Zenia, sinamahan namin. Kasama din ni Gino yung pinsan ni Zenia. Ako yung pinakanalasing. Ending, nagwala ako sa bar, naghamon ako ng away sa lahat ng makikita kong dumadaan. Lahat ng yon, caught on cam. Nakakahiya. Simula non, konti na lang ang iniinom ko.
Party girl tong kaibigan ko. Totally my opposite, ewan ko ba kung bakit kami naging magkaibigan. Siguro, dahil na din sa palagi kaming magkasama sa misyon. Ewan. Pero masaya naman ako na siya ang naging kaibigan ko. Walang halong kaplastikan ang taong yun. Kung galit siya sayo, ipapadama at sasabihin niya. Kung gusto niya sayo, expect na walang tahimik na araw at gabi.
"Girl. I totally like that guy. You know, he's the celebrant ata, but that is not what's important right now. He's rich." Sabi niya habang sinisimulan na akong hilahin papunta sa direksiyon ng isang maliit na lalaking puno ng alahas ang katawan. Ang panget, mukhang hindi pa nakaalpas sa jeje years.
"Ano bang meron ngayon dito?" Basta niya na lang ako hinila. Ni hindi niya sinabi kung anong meron.
Ang mas malala pa, cellphone at ilang cash lang ang nadala ko. Which is, mukhang hindi sasapat kung kakailanganin naming nagtaxi kapag pareho kaming nalasing. Well, pwede ko namang ibenta yung bago niyang kotse. Siguradong mahal yun.
"Hindi ba obvious?" Umiling ako. Malay ko ba kung reunion pala to at naggagate crash kami.
"Duh. Birthday." She said rolling her eyes. Hindi ko na lang pinatulan. Mamaya kapag nalasing na siya, lagot sakin to.
Also, she's the one of the two girls, beside my mother, sister, grandmother and some relatives na hindi ko nasusungitan. Maliban sa she's hella scary when mad, even when she's not mad, lagi lang akong barado dito. Isa pa, when I'm about to shout at her, lagi niyang sasabihin na bibilan niya ko ng strawberries. Ako namang itong si uto-uto, nagpapadala. Wala eh, weakness ko strawberry.
-
Nowhere to be seen na siya. Malamang nagsasayaw na yon sa dance floor o kaya nagfafafa hunting na.
Hindi pa ko lasing, hindi tipsy, matino pa. Tinawagan ko na din si Gino para sunduin kami dahil hindi ko na din maalala yung daan. Mamaya, maligaw pa kami.
Sobrang bored ay naglaro na lang ako ng sodoku. Well, may ilang lumalapit para magpakilala pero agad kong tinatapos yung usapan. Mas gusto ko pang maglaro ng sodoku, tatalino pa ko. Pero kung sasabihin nilang kilala nila si Augustus, edi sige, usap kami.
"Babeee!" Ayan na. Hindi pa lasing pero kung umasta, akala mo nakaubos na ng ilang bote ng Bacardi.
"Pwede ba? Tigilan mo ang kakatawag sakin ng babe, nakakaasiwa. Tsaka, babalikan mo pa yung ex mo diba?"
Naiinis na ko sa pagtawag niya ng babe. Paano kung marinig yun ng future jowa ko? Edi, olats na. Ayaw ko pa man din siya ang mapagkamalan bilang jowa ko, ang panget kaya. Dehado ako, panget siya, maganda lang ako.
"Oo, naman. Babalikan ko yon. Kapag yun nangyari, hindi na kita tatawaging babe, ate na." He's now starting to devour the chips at tinutungga yung alak na akala mo tubig lang.
Napangiwi ako sa sinabi niya. Nakakaasiwa ang babe, pero mas nakakaasiwa ang ate. Badtrip, kadiri.
"Huwag na lang sige. Kahit ano na, wag lang ate. Utang na loob, ako na nakikiusap sayo."
Nagpatuloy lang kami sa panonood kay Zenia na ngayon ay naglulupasay na sa dance floor. Hindi pa siya lasing nyan dahil kapag yan nalasing, biglang magyayaya ng karera.
Nakakailang shot na din ako ng kung anong alak na binibigay nitong katabi ko pero matino pa ko. Matino pa din siya dahil mataas ang tolerance nito sa alak. Pinaglihi yata ni Tita sa alak kaya ganito ang kinalabasan.
"Teka, pano ka pala nakapasok dito? Exclusive party daw to." Gulat na tanong ko nang mapagtantong nasa party nga pala kami ng kung sino.
"Connections. Bagay na hindi maluluma at laging nagagamit." Bakas sa mukha niya ang pagmamalaki sa mga connections niya. Yabang, meron din ako nyan.
Yeah, I shouldn't even ask. Siya pa, eh halos lahat yata nasa high society kilala niya. Kung nila hindi business partner, ex fling niya.
Itanong ko kaya sa kanya kung kilala niya si Augustus? Hindi ako naniniwalang 'untouchable thief' siya at kami pa lang ang may alam sa pagkatao niya. Isa pang pinagtataka ko, bakit ngayon lang kami nagkaroon ng impormasyon sa kanya? Strange.
Surely, he's been pulling some strings behind the curtains and no one knows what it is.
What are you up to Augustus Mendoza?

YOU ARE READING
Steal
ActionI'm a secret agent. He's a thief. One item. One mission. Together, as a team. We steal. - Photo used in the cover is not mine. Credits to the rightful owner. -