Pinalagutok ko muna ang nga daliri at ang leeg. Nagstretching na din ako at nakangising lumapit sa doppelganger ni Augustus.
Sinukat ko muna ang distansya tsaka pumwesto na parang magkakarate. Well, magkakarate talaga ako. Sisipa ako ng bungong walang laman.
"Hiyahhhhh!" Sigaw ko sabay sipa sa likod ng doppelganger.
"Fuck - "
Nakangising lumapit ako sa ngayon ay nakasubsob nang doppelganger ni Augustus. Kahit mask niya ay natanggal na. Now, I'll be able to know who you are.
"HAHAHAHAHAH. Oh, ano ka ngayon? Edi bagsak ka."
Hindi siya sumagot kaya itatayo ko na sana siya nang mapansin ang phone niyang ilang dipa ang layo sa kinaroroonan namin. Malapit yon sa pintuan ng fire exit. Nakadapa kaya hindi ko kita ang kung ano mang nasa screen. Pero sigurado akong ongoing parin ang call, kailangan ko na lang tignan kung sino ang kausap nitong walang utak na doppelganger.
Tinapakan ko ang kamay niyang hahablot sana sa phone. Kaso nga lang, dumaplis lang. Sayang, butas sana kamay nito kung sakali.
Padapa ang paghablot ko sa phone para kung sakali mang hindi ko madakma, mahaharangan ko. Diba, brilliant.
Ganon na lang kabilis ang paglaho ng ngiti sa aking mukha nang makita ang nasa screen ng phone niya. Gusto kong durugin ang phone niya sa gigil.
Galit akong tumingin sa ngayon ay nakatayo nang doppelganger. Handang komprontahin dahil sa nakita sa phone niya. Ngunit mas lalong nag-alab ang galit ko nang makita ang itsura niya. Without mask, without bangs na tumatabing sa nga mata niya, without fucking anything na pwedeng magtago sa itsura niya, sa identity niya. Huh! I was fucking right all along!
He is Augustus Cliff Mendoza! Fucking mask! Fucking fake name!
Kumunot ang noo ko, itinikom ang bibig at huminga ng malalim. Walang paglagyan ang galit, inis at pagtataka ko sa mga oras na to. Ang gandang palabas naman nito. Sana nainformed ako, para ginalingan ko ang acting!
"Ano to? Ha? Augustus? Clifford? O kung sino ka man. Kung ikaw si Augustus o isang doppelganger, wala na akong pakialam. Ano to? Ha!?" Natatawang tanong ko habang pinapakita sa kanya yung screen ng phone niyang tumilapon.
Candy crush ang nakaproject sa screen. Malapit nang manalo at ilang moves na lang ang natitira.
Hindi ito ang inaasahan ko. Caller ID o call history. Mas matatanggap ko pa. Pero ito? Ano to, joke? Nasaan birthday party pa ba ko o wow mali? Prank ba to? Naglolokohan na lang yata kami dito. Sana sinabi niya para nakapaghanda ako ng hollow blocks na isasampal sa kanya.
Kumunot ang noo niya, pinapakitang wala siyang alam sa mga pinagsasabi ko. Palakpakan, ang galing umakting. Hampasin ng oscar award yan!
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, tinapakan ang nahulog na mask at yun ang pinanggigilan. Pinanatili ko ang isang metrong distansya sa pagitan namin. Mahirap na, baka kapag ako napikon, bigla ko siyang dambahin at magwrestling kami dito.
"Look, Augustus. Tama na ang lokohan, mag-usap tayo. Tao sa tao. Siraulo sa siraulo." Huminga uli ako ng malalim at mas lalong humigpit ang hawak sa phone niyang kanina ko pa gusto ibato.
Sa ngayon, wala na akong pakialam sa narinig na balak niya kong patayin. Ang katauhan niya ang mas dapat kong malaman ngayon.
"Unang tanong. Sino ka ba ha? Walang halong biruan. Seryoso na. Mag-aminan na tayo ngayon din. Sino ka, Augustus?"
Ilang segundo. Isang minuto. Hindi parin siya sumasagot. Sige, pagbigyan natin. Baka nashock sa tanong ko o natulala sa ganda ko. Uulitin ko ang tanong.
"Sino ka?"
"Augustus Mendoza." Simpleng sagot niya, hindi pa din hinihiwalay ang tingin sa akin. "A thief." Pagpapatuloy niya na nagpawindang sa brain cells at beauty ko.
Siraulo nga. Parang kinukimpirma niya na rin na tama ang impormasyong hawak ko. Na isa siyang, magnanakaw. Ngayon, ebidensya na lang ang kailangan ko. Pero, hindi dapat ako magpadala sa mga salita niya. Who knows, baka malakas lang ang saltik niya o may plano siyang iba. Walang kahit sino na ganito kadaling aamin sa krimen niya.
"You know. I could report you to the police if ever that's true." I won't really report him. I still need him.
Nawala ang inosente niyang tingin at napalitan ng villain smile. Halatang may kung anong bagay na nabubuo sa utak niya.
"Go on." Confient niyang sagot. "Good luck on finding evidence. Just tell me if you can't find some. I'll give you one."
Pagak akong tumawa sa sinabi niya. Ang funny ni yabang.
"Really? You think so?" Tanong ko sa kanya habang nag-iisip kung saang part ng katawan niya ibabaon ang bala ng baril at kung anong tactic ang gagawin ko.
Magtumbling kaya muna ako para naman may konting show. Syempre, hindi lang siya ang dapat bigyan ng oscar award. Ako din.
Ngumiti lang siya at hindi na sumagot pa. Ge, ngiti lang. Hindi ka na makakangiti ng ganyan mamaya kapag binungi na kita. Wala ng commercial ng toothpaste ang kukuha sayo!
Huhugutin ko na sana ang baril nang maramdaman ang malamig na nguso ng baril sa mismong noo. Inangat ko ang tingin at nakita siyang seryosong nakatitig sa akin. Walang bakas ng inosenteng Augustus na ang gusto lang ay mag-aral. Now, I wonder. Is this his true color? Am I facing the real Augustus? No more innocent facade?
"Who do you think will bleed first?" Tanong niya habng nakatutok sa akin ang hawak niyang baril.
Natawa ako, tawang parang nasiraan na. Kung hindi ba naman obvious, malamang ako. Eh, siguradong konting tulak na lang sa daliri niya, dugo ko ang maglalawa dito. Ang funny ng joke niya ha.
"Matalino ka, Augustus. Nakakadisappoint na hindi mo alam kung sino ang unang mabubutasan ng parte ng katawan." Tumawa uli ako kahit walang nakakatawa.
Bakit ba? Kailangan ko to eh, pampatanggal kaba dahil kanina pa ko naiihi. Restroom ang dapat kong pupuntahan hindi isang action scene na ang dalawang bida ay nag-aaway para sa oscar award.
Nagttitigan pa kami. Walang kumukurap at feeling ko, wala ding humihinga. Charot, edi deds na kami kung sakaling wala humihinga. Huh! Naiihi na talaga ako!
"Shine! Asan ka ba!?" Isang malaks na sigaw na nagmumula sa kung saan ang pumutol sa staring contest namin. Damn it! mananalo na ko eh, sayang.
Ramdam ko ang lakas ng impact ng paghampas ng pwet ko sa sahig dahil sa pagtulak ni Augustus. Anak ng kangaroo ay kid. Ang sakit non ha!
"Andyan ka lang pala. Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nakaupo dyan sa sahig?" Takang sa akin ni Arñia pagkakita niya.
Hindi ko siya sinagot at matagal na tinitigan ang fire exit na dinaanan ni Augustus. Bakit siya umalis? Bakit hindi niya itinuloy ang balak? Anong dahilan? Wag niyang sabihin na natakot siya sa celebrant? Hindi ako tanga at mas lalong hindi ako pinanganak kahapon para paniwalaan ang bagay na yon. Meron dahilan kaya siya biglang umalis. Meron at siguradong malalim.
Walang takot niyang itinutok sa akin ang baril at mukhang desidido din siyang patagusan ng bala ang sa bungo ko, kani-kanina lang. Tapos bigla, dumating lang ang celebrant, nagbago na ang takbo ng isip niya? Bakit? Kilala ba nila ang isa't-isa? May koneksyon ba sila sa isa't-isa? Dapat ko na bang pagdudahan ang kaibigan ko?

YOU ARE READING
Steal
ActionI'm a secret agent. He's a thief. One item. One mission. Together, as a team. We steal. - Photo used in the cover is not mine. Credits to the rightful owner. -