Katulad noong nakaraan, nandito nanaman ako at pinagmamasdan ang bonsai nila sa bakuran.
He's lucky. Wala pa akong pinuntahan na ganito ang ginawa kong effort.
"What are you doing here, again?"
Tinanggal ko ang paningin sa bonsai na patay na yata at hinarap ang taong ilang araw ko ding hindi nakita.
Ibang-iba sa itsura niya noong huli akong pumunta dito ang itsura niya ngayon. He's wearing a white shirt and black pajamas right now, mukhang galing sa pagtulog at nagising dahil sa akin.
"We're skipping class."
"Why?"
"Plans."
We really need to plan our move and strategies dahil ilang araw na lang, auction na. Isa pa, hindi ko siya nakausap for the past few days.
"I'm not. I'm going to attend class."
"No, you're not." I said, starting to get annoyed.
Badtripin niya na ako sa ibang araw, huwag lang ngayon dahil hindi ko siya matatansya. Doble ang bilis ng pagkabadtrip ko ngayon.
"I am." He said, not breaking the eye contact.
Huminga ako ng malalim. Kalma self.
"Utang na loob, Augustus. Huwag mo ko ngayon artehan dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Ilang araw na lang at tapos na tong mission, makisama ka naman." Mahinang sabi ko na hindi ko alam kung narinig niya o hindi.
Masakit ang lalamunan ko at wala akong matinong tulog kaya umayos siya.
Tinitigan niya pa ako sandali at tila tinitignan kung seryoso ako o hindi. Seryoso ako dahil kung hindi, hindi ako magtitiis sa lamig dito sa labas at mag-aala akyat-bahay para lang makausap siya.
"Okay. Let's go inside."
Nauna na siyang pumasok at sumunod naman ako.
This time, mukhang hindi na kami sa kusina mag-uusap.
Dumiretso siya sa kusina mukhang kukuha ng kung anong makakain. Nanatili akong nakatayo at pinapasadahan ng tingin ang nag-iisang litrato na malapit sa tv. Litrato ng isang batang lalake, kamukha nung nasa portrait pero hindi si Cresha ang kasama. Mag-isa lang siya dito pero may punit na parte sa kanan.
Binaba niya ang isang tasa ng kape at isang platito na may cake. Pagkatapos ay sinimulan niyang ayusin ang mga nakakalat na libro tsaka ako binalingan ng tingin. Nilihis ko ang paningin dahil ayokong makita niya ang itsura ko kapag may sakit. Ang panget ko kaya.
"Hindi ka pumasok for the past 2 days. Where have you been?"
Napabalik ang tingin ko sa kanya dahil sa naging tanong.
Ano to? New developed facade? Concern act?
"I don't know that your concerned about what I've been doing." Natatawang sagot ko.
Umupo ako sa sofang katapat ng inuupuan niya at kinuha ang tasa ng kape para inumin. Kanina pa ko nangingilo sa lamig at wala na akong pake kung may lason to.
"No. It's just that, our professors is looking for you and they kept on asking me where you are." Sagot niya at tumayo, mukhang magtitimpla uli ng kape.
Why him?
"Why you? You're not even my friend."
Hindi siya sumagot agad at hinalo muna ang tinitimpla bago sumagot. "You just made a huge scene at the parking lot and few of our professors was there."
YOU ARE READING
Steal
AçãoI'm a secret agent. He's a thief. One item. One mission. Together, as a team. We steal. - Photo used in the cover is not mine. Credits to the rightful owner. -
