Chapter 24

5 0 0
                                        

"Init!" Sigaw ko sabay pabagsak na naupo sa sofa.

Kapagod maglakad. Isama mo pa ang tirik na tirik na araw. Feeling ko, naluto nanaman sa araw ang utak ko at naging pandesal na ng tuluyan. Mas lalo din sumama ang pakiramdam ko dahil sa init at dun sa senaryo kanina.

Horror ang peg namin kanina pero hindi naman nakakatakot yung babae, well, hindi ko kasi nakita yung itsura. Yung boses lang talaga at yung takong niyang nakikipaghalikan sa sahig ang nakakakilabot. Hindi pa man din ganoon kaliwanag sa bahay nila Augustus kapag hindi nakasindi ang ilaw kaya medyo creepy talaga.

Nagmulat ako ng mata nang bigla akong kalabitin ng kung sino.

Si Augustus. Inaabutan ako ng isang basong tubig na may ice cubes pa. Galing din, nakapagexplore na siya sa kusina ko.

Inabot ko na lang yon at ibinaba sa isang tabi. Oo, gusto ko ng malamig na tubig pero hindi ngayon. Baka mas lalo lang lumala ang sakit ng lalamunan ko. Mahirap na, baka makaapekto pa to sa plano.

"Anong mga dadalhin?" He asked while rummaging my refrigerator. Iba din, feel at home na feel at home si kupal.

"Some spy gadgets. Like, binoculars, tracker, cameras and anything that could help."

"Where should we get those?"

"I assume that you have one."

"What made you assume that I have one?" Tanong nanaman niya.

He should be thankful that I have a lot of patience right now dahil kung hindi, nagbatuhan na kami ng plato kanina pa.

"You won't be remarked as the untouchable thief if you don't have the skills and the tools." Sagot ko at sinulyapan siya para tignan ang magiging reaksyon.

He already prove to me that he got some awesome skills so, there's also no doubt that he has some awesome gadgets.

Tumango lang siya at nagpatuloy sa ginagawa. See? Meron nga siya and he agreed that fast.

"We should discuss that then. The tools and their allocations. We need to be sure that we can use everything we have against them."

Tumango na lang siya at nagsimulang maglista sa napulot niyang papel. I did the same while glancing at him. I'm really careless when making decisions. I allow him to enter my place that easy. Pinaghirapan ko ang pag-ala akyat-bahay tapos siya, pinagbuksan ko pa ng pinto. Ewan, bobo ko din talaga minsan, hindi maiiwasan lalo na kung sobrang sabik na sa kasagutan.

I could piss him off and make him spill every information I want to know but not now. I still need him and I'm not yet sure if I'm ready to know the truth. Hindi ko din alam kung totoo ang lahat ng sasabihin niya. Surely, he could always see a way to scam people.

Naputol ang pakikipagstaring contest ko sa hibla ng buhok niya nang bigla siyang lumingon at iabot sakin ang isang papel. Mananalo na ko eh!

Binasa ko ang inabot niya at kinumpara sa sinulat ko. His penmanship is nice, kahit mukhang inapura, maganda pa din. Yung sa akin. Okay, aaminin ko na. Panget talaga, parang kinalahig ng ostrich sa sobrang panget.

● Night vision binoculars
● Pen - Camera and record
● Darts - Tranquilizer
● Watch - Stun gun
● Phone - Signal Jammer
● Chips - Tracker

He got some cool stuffs but most of these are for combat or para talaga sa pakikipag-away or kapag may sinusundang tao. Hindi talaga siya yung tipo ng simpleng magnanakaw. Surely, petty criminals can't afford gadgets like this.

I also got some cool stuffs. Mostly for stealing informations. Iba din, mas mukhang ako ang magnanakaw dahil sa mga gadgets ko.

● Pen - Document Scanner
● Feather brooch - Camera
● Compact Mirror - AI
● Lipstick - Flashdrive
● Heels - Poisonous Blade
● Earrings - Audio Monitoring Device

Napatigil ako sa pagsusulat nang makarinig ng nabasag mula sa kung saan. Walang akong alagang hayop at mas lalong walang ibang tao dito, maliban sa aming dalawa, kaya siguradong si Augustus ang may gawa ng ingay.

"It slipped." Paliwanag niya bago pa ako makapagtanong.

Nagkibit-balikat lang ako at hinayaan siyang linisin yung kalat. Marami naman akong baso. No big deal.

Nagpatuloy pa siya sa panggugulo sa kusina ko at ako naman, sa pagplaplano. Hindi ko alam kung ano ginagawa niya pero bahala siya. At least, ako ang masusunod sa plano ngayon. I've got the upper hand so I don't really care if he will ruin my kitchen.

-

"Magaling ka pala magluto?" Tanong ko at sumandok uli ng kanin.

Kaya pala kanina pa siya naghahalungkat sa kusina ko, may balak magluto. Kaya eto nga, kumakain kami ngayon ng late lunch or meryenda. Malapit na din kasing mag three at katatapos niya lang magluto. Madami siyang niluto at ang nakakagulat, nagamit niya yung mga ingredients kong available. Eh sopas lang alam kong pwedeng gawin don.

Hindi siya sumagot at nauna nang tumayo dala yung plato niya. Hindi ko alam kung sadyang kinilig lang siya sa papuri ko o pahumble o ayaw niya lang talaga akong kausapin. Bahala siya, siya na nga ang sinabihan ng magaling.

"Okay! Back to business." Sigaw ko at nagstreching pa.

Sobrang naenergize ako dahil sa niluto niya. Sana pala noon pa kami dito nag-usap. Edi sana, laging masarap ang ulam ko. Feeling ko din, okay na ko. Kaya ko na nga yata tumambling at magacrobatics dyan eh.

"Ay, tulog?" Tanong ko sa sarili nang makitang nakadukdok sa coffee table si Augustus.

Kumuha ako ng kumot at tsaka ikinumot sa kanya. Yes, we hate each others gut but I'm not that evil. Besides, pinagluto niya ko so quits na kami.

Naupo ako saglit sa harap niya at pinagmasdan siya habang natutulog. I still don't know who he is. Tatlong araw na lang and I still don't know what lie he's been telling. What secrets does he hide. Everything that happened, every little thing that connects to him. I'm still at zero.

Tapos ngayon, may bago nanamang nangyari. The girl and her words. Who is she talking about? What does she mean? Eliminate? Bakit? Naglalaro ba sila at may kailangang tanggalin na piyesa dahil wala nang kwenta?

Should I start diging deeper? Or should I stop diging and leave the scene?

Isa lang ang sigurado, now matter what happens, kasali na ako. Now matter what way I'll took will bring me to something more dangerous.

Ang tanong lang, sinong babagsak at matatalo sa huli?

Sinong luluhod at sasama kay kamatayan?

Ako o sila?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

StealWhere stories live. Discover now