Chapter Twenty Nine

3 1 0
                                    

WARNING!
Typo errors and Grammatical errors ahead! I already warned you so don't complain.

FOUND THEM
by: youhurtthemost/ lovingyouwascomplicated

29.

Hunter's POV.

For the last minute. Tyler made a 3 points shot. Nice.

Panalo sila. Nakipagkamayan kami sa kanila matapos nun.

Nag aayos kami ng gamit ng makarinig kami ng tawanan. Tumingin ako kung saan yun.

Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi ko na sana papansinin kasi pinag aagawan lang naman ay lalaki. Tss.

Malapit na kami sa pwesto nila ng makita ko yung babaeng kasama ni Lailah. Pinsan nya to be exact.

Galit. Nagtitimpi. Tinignan ko yung nangyayari. May nagcoconfess tsaka pinagtatawanan?

Maglalakad na sana ako ng sumigaw yung pinsan ni Lailah na syang ikinatigil ko.

"D*mn it Adelaide Jaylah Sanford! I said let's go!" She shouted. Huminto ako. Humarap naman yung babae. She's a nerd.

"Henrietta... W-Wait" I heard what she say. Tang... Sya nga!

She's Lailah!

"I hope... Hurting me.. Playing with my f-feelings makes you all h-happy" she said. Basag ang boses nya na pinipigilan maiyak.

Tinignan ko kung sino ang kinakausap nya. F-ck? Team captain ng sacred team.
Tumalikod sya sa kanila.

Pumikit sya at nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata nya. Minulat nya ang mata nya at tumama agad yun sakin.

Lalapitan ko sana sya pero sinenyasan nya ako na huwag. Tinignan nya ang pinsan nya at Ngumiti sya.

Sumunod ako sa kanila sa labas.

"H-Halika na! I-Iuwi m-mo na a-ko. P-Please H-Henrietta, h-huwag sana i-tong m-makarating k-kay D-Dad" humihikbi nyang sabi nang makalabas kami ng gymnasium.

"Walang sikretong Hindi nabubunyag Adelaide" malamig na sabi ng pinsan nya na Henrietta ang pangalan.

I heard her sigh.

"Im a-already expecting it. P-Pero.. B-Bat ang s-sakit? S-Sobrang s-sakit H-Henrietta.." Humihikbing sabi ni Lailah.

Nakarating kami sa parking lot.
Isinandal ni Henrietta si Lailah sa kotse nya siguro.

"Ganun talaga.. Mahal mo sila eh. Pinagkakatiwalaan mo sila" seryosong sabi ni Henrietta. Ngumiti naman si Lailah kahit na patuloy pa rin sa Pag agos ang mga luha nya.

"N-Nagkamali ba a-ako ng p-pinagkatiwalaan? I-I feel betrayed... Adam... Kairo... Sophie... Mga taong t-tinuring Kong k-kaibigan, k-kapatid.  Caden.. Taong minahal at mahal ko.. A-Ang s-sakit! Ang sakit sakit dito oh" sabi ni Lailah at itinuro ang dibdib nya.

Nasasaktan akong makita syang ganito...

Niyakap naman sya ni Henrietta. Dahil doon ay mas napahagul-gol naman sya ng iyak. Bawat pagtulo ng luha nya... Bawat pag hikbi nya.. Bawat paghagulgol nya.. Parang kutsilyo na tumatama sa akin.

Umalis na ako doon. Hinawakan ko ang dibdib ko. Bakit ako nasasaktan? Normal pa ba 'to?

Kung Hindi... Mali 'to. Hindi 'to pwede. Bawal. Bawal 'tong naramdaman ko para sa kanya.

Mahal nya yung gag*ng Caden na yun?! Yung team captain ng basketball team ng university nila?

T*ng*n* nalang! Hindi nya alam napaka swerte na nya dahil mahal siya ni Lailah.

Found Them (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon