Chapter 10 Embarrassed

327 23 0
                                    

Your POV

Nasa waiting area kami ni Olivia nagaantay ng sasakyan. Tinignan ko yung salamin tapos napangiti.

YOU DID A GREAT JOB
:)

Kinuha ko yung marker ko tapos sinulatan yung salamin ng nakangiti.

AW THANK YOU!
:D

Olivia's POV

Habang nagaantay ng taxi nilingon ko si Y/N na sinusulatan yung salamin tinignan ko lang sya na curious tapos binasa yung nakasulat. Sino nanaman kaya yung kausap netong babae nato. Napahinto ako sa pagiisip ng may huminto na na sasakyan sa harap namin.

Ilang minuto nasa company na kami and ngayong araw nato sobramg busy kasi bukas daw magpeperform yung SB19. Huminto kami sa ginagawa namin ni Y/N kasi inutusan kami na iabot daw yung inorder na pizza ng SB19.

"Andami naman nilang inorder" Sabi ni Y/N habang buhat buhat yung 3 kahon tapos sakin 3 din.

"Oo nga ih" Sabi ko kay Y/N ng tumatawa. Nagtinginan kami ni Y/N kasi nasa harap na kami ng pintuan ng practice room.

"Guys!! Door!!" Hiyaw ni Y/N tumawa lang ako kasi napakalakas ng boses nya. Di katagalan binuksan agad nila yung pintuan binaba naman namin ni Y/N yung box.

"You guys can join!" Masayang sabi ni Sejun tapos tumango lang yung iba.

"Hmm okay if you guys insist" Sabi ni Y/N tapos umupo sa tabi ko.

Habang kumakain bigla kong naalala yung salamin na sinusulatan ni Y/N kaya bigla ko syang tinanong.

"Y/N? Bakit mo nga pala sinusulatan yung salamin don sa waiting area?" Umubo si Y/N agad ko naman syang inabutan ng tubig.

Your POV

"A-ah y-yon wala lang yon eme eme ko lang" Sabi ko ng kinakabahan.

"Weh? Di nga? Kahit sabihin mo lang kung sino yung kasulatan mo sa salamin" Sabi ni Olivia na desperadang malaman kung sino.

Di ko alam kung ano pumasok sakin pero tinignan ko si Josh nahuli ko den sya na nakatingin sakin namula ako tapos sabay pa ata kaming napalingon sa iba. Nadinig ko na tumatawa yung ibang member tapos si Olivia.

"Dre bat sa salamin! Kunin mo dapat yung number" Tumatawang sabi ni Justin, tuwang tuwa naman yung iba na mas ikinapula ng muka ko.

"U-uh I think tawag ako sige na bye salamat sa papizza!" Tuloytuloy kong sabi habang tumatayo tapos umalis sa practice room.

Pagkalabas ko ng practice room agad kong tinakpan yungmuka ko tapos umiling-iling. Ano yung nangyari? Nakakahiya!

"Huy alam mo Y/N kita ka pa namin" Tumatawang sabi ni Olivia tsaka ni Ken.

"Heh!?" Nagulat ako tapos tumingin sa likod and bukas pa yung pinto I can feel my face na sobrang pula tapos ang bilis ng tibok ng puso ko. Habang sila tumatawa, agad akong tumakbo sa labas ng company.

Josh's POV

"Okay tama na" Sabi ko tapos tumayo.

"Oh bakit? HAHAHA!" Tumatawang sabi ni Justin. Inirapan ko nalang sila tapos sinundan si Y/N.

Nagtanong ako sa ibang staff kung nasaan si Y/N sabi nila nasa labas daw. Pagkalabas ko nakita ko si Y/N na nakaupo sa gilid tapos parang kinakausap yung sarili nya.

"Uh Y/N?" Tawag ko sakanya napatayo naman agad sya. Kitang kita na namumula yung pisngi nya. Tinignan ko lang sya. Ang cute nya.

"A-ah bakit?" Tanong nya.

"Ah ako na magsosorry alam ko nakakahiya yung nangyari ih hehe" Sabi ko habang namumula.

"A-ayos lang" Sabi nya ng nauutal.

Your POV

"Y/N!!" Nadinig ko sa loob. Hays ang hirap palang maging staff.

"Tara na magpapractice na ata ulit kayo" Sabi ko kay Josh ng hindi nakatingin sa kanya tapos nagpunta sa loob.

Pagkapasok ko inutusan akong kunin yung damit ng SB19 para bukas sa performance nila syempre sinama ko si Olivia. Papunta don magdamag nagsorry si Olivia syempre sabi ko ayos lang. Nakarating na kami kung saan kukunin yung damit tapos bumalik sa company.

"Thank you Y/N and Olivia! You guys can now go home make sure na magpahinga kayo because tomorrow we will get very very busy" Masayang sabi ni Tatang Robin we smiled and thanked him.

Nasalabas na kami ng company niyaya ko si Olivia sa mall para magpalamig tapos bumili ng mga kung ano ano siguro pagkain.

"Y/N? Gusto mo ba si Josh?" Out of nowhere bigla akong tinanong ni Olivia. Nasamid ako sa sago umiinom kasi kami ng Zagu.

"H-hah? Ano ka ba! Syempre h-hind...?" Sabi ko na parang patanong nakita ko na ngimisi si Olivia. Shoot.

"Okay fine oo" Sabi ko tumawa lang sya ng tumawa.

"Ano nakakatawa?" Tanong ko tapos uminom ulit.

"Wala halatang halata kasi eh hahaha" Sabi ni Olivia habang hinahampas ako.

"Tawa lang pero walang palo" Sabi ko kay Olivia tapos kinurot sya.

The day went by. Pagkahiga ko sa kama tulog agad ako.

Salamin || Josh Cullen x Reader || SB19 ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon