Chapter 18 Date

311 17 2
                                    

A/N: Medyo mahaba yung chapter nato it has like 1057 words and im proud haha usually kasi mga nasa 700-800 words lang nagagawa ko hihi 🤭 Pero anyways sana magustuhan nyo! ❤️

Your POV

Dito natulog si Olivia napahikab ako.

"Ah buti nalang pumayag boss namin na 1 week kaming magpahinga kahit kakapasok lang ulit namin" Mahina kong sabi habang kinukusot yung mata ko.

"Olivia?" Tinignan ko yung tabi ko nakita ko si Josh nakatingin sakin.

"Gahh!" Humiyaw ako tapos bumangon tinignan ko ulit yung higaan and unan lang pala.

"Huy anyare? Naiisip mo si Josh nohh?" Asar ni Olivia habang nagluluto. Hmm bango.

"Magready ka na. Oh eto kain muna tayo" Utos ni Olivia tumabi ako sakanya tapos kumain.

"Teka anong mag ready?" Tanong ko sakanya habang umiinom.

"Ah nagtext si Josh sayo kanina niyaya ka nya na lumabas mamayang 9am" Sabi ni Olivia tapos sumubo ng kanin.

"Hmp- ano? Teka di pa naman ako pumayag ah!" Hiyaw ko.

"Ah eh ako na yung sumagot opps bago ka magcomplain alam ko na papayag ka din naman tsaka buti nalang may decent kang damit" Sabi ni Olivia habang pinapakita yung damit na binili namin nung namili kami. Fitted dress sya hanggang bago mag tuhod tapos color black.

"Wag naman yan! Napakaikli tsaka ikaw bumili nyan" Reklamo ko kay Olivia.

Tumayo ako tapos binuksan yung cabinet ko.

"Eto nalang" Pinakita ko sakanya yung jumper na kulay black tapos puting tshirt.

"Ayyy bes ampanget" Inirapan ko sya.

"Ah alam ko na pagkasya sakin yang fitted na dress na yan, yan susuot ko pero pag hindi eto susuot ko" Nakangiti kong sabi tumango lang si Olivia tapos umirap.

Kinuha ko sakanya yung black na dress tapos pumasok sa cr. Tinry kong isuot yung dress at salamat nasuot ko naman kaso hindi ako makahinga sa sobrang fit. Binuksan ko yung pinto kahit mahirap kumilos.

"Ayan pala kasya eh" Masayang sabi ni Olivia.

"Hindi ako makahinga" Sabi ko ng nakasteady lang.

"Halata nga parang iniipit ka na nga nung damit eh oh kitang kita yung curve ng katawan mo" Tumatawang sabi ni Olivia habang yung kamay nya tinatrace yung hugis ng katawan ko.

"Magpalit kana bili baka mawalan ka pa ng hininga tsaka 30 minutes nalang oras pupunta na dito si Josh" Tumatawang sabi ni Olivia.

Pumasok ako ng cr tapos tinaggal yung damit. Napunit ata. Kinuha ko yung jumper na itim tapos yung puting tshirt. Ahh much better. Lumabas ako ng cr tapos sinuot yung puting sneakers.

"Oh diba cute ko pag eto" Tinignan ko si Olivia sa salamin.

"Oo na oo na make upan kita?" Offer ni Olivia.

"Ay wag na bes ako na kumain ka nalang" Sabi ko sakanya habang tumatawa umirap lang sya tapos kumain.

Light make up lang yung nilagay ko saktong pagkatapos kong maglagay ng make up may kumatok sa pintuan.

"Oh Josh nandito ka napala" Napatingin ako sa pintuan nakita ko si Josh na naka itim na tshirt tapos naka mask.

Badum. Badum. Badum.

"Ano pa tinitingin tignin mo jan?" Tumayo agad ako tapos ngumiti.

Josh's POV

Nasa sasakyan na kami ni Y/N. Cute ni Y/N kapag ganyan suot nya, hindi sya katulad ng ibang babae. Yung ibang babae kapag ganito eh ang suot mga dress.

"Where to?" Tanong nya ng kalma.

"Park" Simpleng sabi ko habang nagdidrive.

Binuksan ni Y/N yung music. Hmm sobrang comfortable nya ah. Sumabay sya sa kanta pero mahina lang yung pagawit nya.

"Magaling ka pala kumanta" Nakangiti kong sabi pero nakatingin pa din sa daan. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sya sakin ng nakangiti.

"Medyo lang naman" She giggles.

"Cute" Mahina kong sabi pero nadinig nya ata.

"Were here!" Masaya kong sabi tapos pinark yung sasakyan.

"Teka park kamo ah" Sabi ni y/N ng confuse natawa lang ako sakanya.

"Park naman to ah" Sabi ko habang nakatingin sakanya.

Your POV

Humarap ako sakanya ng nakangiti "Oo nga park nga to". Akala ko ordinaryong park lang theme park pala yung pinuntahan namin.

"Pero bakit walang tao except lang sa mga workers" Tinignan ko si Josh sa mata.

"Uhh I rent it for a day" Sabi ni Josh habang kinakabahan. What!?

"A-ano?!"

Bigla lang hinawakan ni Josh yung kamay ko tapos hinatak papunta sa Kart track.

"Paunahan tayo ang matalo susundin yung mananalo" Nakangiting sabi ni Josh.

"Huh sige I bet you'll lose" mAyabang kong sabi.

Parehas kaming sumakay sa kart tapos nagpaunahan. Last lap nalang and-

"Yes!! Told yah!" I flip my hair and started laughing.

"Tss chamba mo lang yon" Irita na sabi ni Josh lumapit lang ako sakanya tapos hinatak sya papunta sa photo booth.

"Wear this!" Sinuot ko sakanya yung salamin na malaki tapos yung wig na color pink nagpipigil ako na hindi tumawa.

"Okay na smile naman jan!" Nakangiti kong sabi.

After namin magpicture ng 3 beses tinignan namin yung picture.

"Hahaha cute mo dito Josh oh!" Tinuro ko kay Josh yung muka syang barbie. Habang tumatawa ako kinurot ni Josh yung pisngi ko.

"Aray ko ah!" Hinawakan ko yung pisngi ko na pulang pula.

"Sorry" Nagpeace sign si Josh.

"Dito naman next!!" Hinatak ako ni Josh sa harap ng isang malaking barko na nagsway. Anchor's Away.

"Teka ayoko jan!" Taranta kong sabi.

"Promise masaya jan now tara na" Hinatak ako ni Josh tapos umupo.

Biglang nagsway yung barko. Ahh parang mawawala kaluluwa ko. Hinawakan ni Josh yung kamay ko ng nakangiti tapos tumingin ako sakanya. Mas lalong lumakas yung sway nung barko.

"GAHHHHHHH!!!!" Hiyaw ko ng malakas.

Pagkatapos ng isang taon bumaba na kami. Ahh feeling ko masusuka ako. Just like that bigla akong tumakbo papunta sa gilid tapos sumuka hinawakan ni Josh yung likod ko tapos yung buhok ko.

"Ahh... Sorry" Mahina kong sabi.

"Haha ayos lang! Cute mo pala pagsumusuka" Tumatawang sabi ni Josh binigyan ko lang sya ng kurot sa pisngi.

"Aray!"

Josh's POV

Halos buong araw kaming sumakay ng rides at kumain. Last na sinakyan namin yung carousel.

"Wait I want these!" Hawak ni Y/N yung cotton candy tumango lang ako sakanya tapos lumapit sya sakin.

Magkatabi kami na umupo sa may parang sasakyan. Mahina lang yung ikot ng carousel. Tinignan ko si Y/N na masayang kumakain ng cotton candy tumingin sya sakin tapos ngumiti.

"Want?" Offer nya pero instead I put my lips on hers, she taste like cotton candy surprisingly she kissed me back.

"Thanks" Nakangiti kong sabi tapos sya namumula.

Your POV

He just kissed me! I had my first kiss and yung nakakuha pa ng first kiss ko si Josh!! Gahhh puso ko!

>~<
What da ya think? 😏 Sinipag ako kaya 2 chapters napublish ko ays ba HAHAHA

Salamin || Josh Cullen x Reader || SB19 ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon