Chapter 23 Sick

283 25 1
                                    

Josh's POV

Sa wakas tapos na yung practice namin. Nagpaalam ako sa iba na pupuntahan ko si Y/N pumayag naman sila. Sumakay ako ng taxi tapos huminto sa waiting area. Gabi ngayon mga nasa 9pm na.

Pagkababa ko ng taxi nagvibrate yung cellphone ko may sinend na video sila Justin agad ko namang pinindot yon. Video ni Y/N na nasa resto tapos may babae na parang sadya na tinapon sa kanya yung juice dinig sa video yung naging conversation ni Y/N tapos nung babae. Nanggigil ako sa babae sa ginawa nya kay Y/N.

Pinatay ko yung cellphone ko tapos bumungad sakin yung salamin na kung saan kami nagsusulatan ni Y/N. Nakita ko na ang daming mga nakasulat na layuan daw ni Y/N ako and madami pa. Im pretty sure nakita na to ni Y/N.

Nagpunta agad ako sa apartment room ni Y/N kumatok ako pero no answer I started getting worried. Bigla namang bumukas yung pintuan nung katabi nung room ni Y/N.

"Ah ikaw siguro yung boyfriend ni Y/N lagi ka nyang nakukwento ay sya nga pala meron akong kopya nung susi nya oh eto baka kasi tulog na si Y/N" Nakangiting sabi nung matanda tapos inabot sakin yung susi.

"Ah thank you po" I bowed at her tapos pumasok na sya sa room nya.

Binuksan ko yung pintuan ni Y/N lahat ng ilaw bukas tapos nakakalat yung uniform nya. Pumunta ako sa higaan nya and nandon sya nakasando lang tapos maikling short pawis na pawis. Naginit yung pisngi ko kasi first time kong makita si Y/N ng ganyan yung suot. Nilapitan ko sya tapos hinawakan yung noo nya and mainit sya.

Nagvibrate ng nagvibrate yung cellphone ni Y/N I got so curious kaya kinuha ko yung cellphone nya. Walang password. Nakita ko na ang daming nagmemessage sakanya na piro negative pero may positive den.

"Y/N?" Ilang beses kong tinawag si Y/N at sawakas nadinig na nya ako nag hum lang sya.

"Hindi mo sakin sinabi na may lagnat ka pala tsaka yung about don sa nangyari ngayong araw nato" Nagaalala kong sabi kay Y/N habang nakaupo sa gilid ng higaan nya.

Hindi sya sumagot naisipan ko na pumunta ng kusina para ipagluto si Y/N kaso bumungad sakin yung mga plastic na wala ng laman na instant noodles tapos mga gamot.

"Haayy dapat talaga binabantayan ka Y/N ih" Mahina kong sabi tapos binuksan yung ref at buti nalang may laman pwede akong makapagluto ng giniling.

Pagkatapos kong magluto ng giniling nakita ko si Y/N na nakaupo kinukusot yung mata nya. Bakit ang cute and hot mo Y/N at the same time.

"Y/N here kumain ka ng proper meal hindi puro instant noodles" Inabot ko kay Y/N yung pagkain tapos kumain lang sya.

"Thank you, ang sarap mo pala magluto" Nakangiting sabi ni Y/N pero halatang pagod sya.

Pagkatapos ni Y/N kumain ininom nya yung gamot tapos naupo sya saglit pinanood ako na maghugas ng pinagkainan nya. Tumayo sya tapos nagpunta ng cr lumabas naman sya ng 2 minuto tapos nahiga na ulit.

Itetext ko nalang yung iba na hindi ako makakabalik kasi may lagnat si Y/N. Pagkatapos kong maglinis tinabihan ko si Y/N kahit may sakit pa sya ayos lang.

"Josh?" Tawag ni y/N sakin ng mahina.

"Yes princess?" Lumapit ako sakanya tapos naupo sa tabi nya.

"Tabi tayo" Antok na sabi ni Y/N tumabi naman ako sakanya we cuddle.

I looked at her sleeping peacefully pero hindi ko maiwasan na nakadikit yung katawan nya sa katawan ko. Bakit ang init ng muka ko.

"Josh promise me na hindi mo ako iiwan, please" Nakapikit na sabi ni Y/N.

"I promise" Mahina kong sabi tapos kiniss yung noo nya. Ilang minuto tulog na si Y/N and right away my eyelids started to feel heavy.

>~<
A/N: So napansin nyo na buong POV to ni Josh and oh diba 2 chapters ulit. But anyways sana nagustuhan nyo HAPPY 1K reads ngapala hmwuahh~

Salamin || Josh Cullen x Reader || SB19 ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon